Chapter 22

10 1 0
                                    


Nakaupo pa rin kami ni Potchi sa damuhan.

Umalis si Risk dahil may bibilhin raw muna siya. Ang hilig hilig niya talagang umalis tapos bibili ng kung ano ano.

Habang kasama ko si Pochi ay napapatingin naman yung mga dumadaan sa amin .

Naririnig ko pa silang nag-uusap kung bakit daw ako may alagang polar bear. Eh hindi nga kasi Polar Bear si Pochi. Tss.

Aalis na sana ako dun at iiwan na naman ulit yung si Risk.

Oo na. Masama na kung masama pero it ain't my duty na ipaalam sakanya kung kailan ako aalis.

Pinagpagan ko na yung suot kong pants ng bigla namang may lumapit na batang babae samin. Umiiyak ito at parang nawala sa mga magulang nito. Nasa tatlo o apat na taong gulang pa ata siya.

Napaupo naman siya sa damuhan malapit samin habang umiiyak pa rin.

Nagdalawang-isip pa ko kung lalapitan ko ba siya o hahayaan lang pero nakaka guilty naman kasi kung hahayaan ko lang umiyak yung bata kaya nilapitan ko siya. Sumama naman sakin si Pochi.

"Hi! Uhm. Bakit ka umiiyak bata?" tanong ko rito.

I know di tama yung tanong ko kasi mas lalo lang itong iiyak pero anong magagawa ko? Hindi pa naman ako marunong makipag-usap sa bata.

Napatingala naman ito galing sa pagkakadukduk.

"Nawawala po kasi si Mama." wika nito. Sumisinghot singhot pa ito habang pinapahiran yung tumutulong sipon.

Ha? Nawawala yung mama niya? O siya yung nawala sa mama niya?

"Nawawala yung mama mo?" takang tanong ko.

Tumango naman ito.

"Lage naman po siyang nawawala. Bigla bigla na lang po siyang lalabas ng bahay tas di na bumabalik. Nakikita na lang siya minsan ni Papa Andro sa mga gilid-gilid ng kalsada. Minsan sa mga park po kaya pumunta po ako rito." nangingilid na naman yung mga luha nito.

"Pero wala po siya eh." saad niya at nagsimula na namang umiyak.

Napahawak na lang ako sa batok ko. Ano ng gagawin ko? Di ko naman pwede siyang sabihan na hahanapin namin yung mama niya dahil mukhang wala sa tamang pag-iisip yung nanay nito at baka kung saan-saan na yun nagpunta.

Nag-alinlangan pa ako pero hinagod ko yung likod nito para mapakalma.

Lalo pa itong umiyak sa ginawa ko. Sabi ko na nga ba. Mas iiyak tong mga to pag kino-comfort.

Tinigil ko na yung paghagod at hinarap yung bata.

"Eh ikaw ba? Nagpaalam ka bang pupunta ka dito? Baka yung papa mo naman yung nag-aalala sayo." tanong ko naman sakanya.

Nung hindi ito sumagot ay nakompirma kong di nga ito nagpaalam.

"Tss. Baka nahanap na nung papa mo yung mama mo kaya umuwi ka na sainyo. Baka ikaw na naman yung hinahanap nila. Umuwi ka na, pepektusan kita pag di ka umuwi." takot ko sakanya.

Natigil naman ito sa pag-iyak at napatawa.

Inakala ko ngang mas iiyak pa ito sa pananakot ko kaya nanlaki yung mata ko nung tumawa ito.

Baliw rin ba itong batang to gaya nung mama niya?

"Parehas po kayo ni mama pag tinatakot ako. Palagi niyang sinasabing pepektusan niya ako kahit di naman niya ginagawa.Ahaha." tawa nito pero kita ko pa rin yung lungkot sa mata nito.

Hindi ko na siya kinocomfort sa paraang ginagawa nung iba bagkus I comforted her sa paraang alam ko.

I crossed my arms.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon