Chapter 19

10 1 0
                                    

"Si Katherine Torres po president." sagot naman ni bakla.

Oh! So it's Katherine not Kalderine.

Okay na rin yun. Malapit lapit lang naman.

Kinuha naman nitong kaibigan ni Mr. Order si bakla at inakay.

Kinilig naman tong baklang to.

"Dalhin mo yan sa clinic Leon." utos niya.

Tumango lang ito.

Pero bago pa sila makalayo ay lumingon si bakla at sumigaw.

"SALAMAT ULIT GURLL!! LAVYAA." sigaw nito.

Napangiti naman ako at tumango.

Lumapit naman si Mr. Order sakin.

"Magkakilala kayo ni France?" tanong nito.

"Yeah! Natulungan ko kanina." sagot ko.

He smiled.

"You know what akala ko talaga nung una manggugulo lang kayo nung mga kaibigan mo dito. I do not mean to offend you but unang araw niyo kasi rito nakahanap na agad kayo ng away. Honestly, I searched things about you but failed to collect information. Facebook lang kasi meron ka at profile lang yung nandun. But as days go by, nakita ko na di naman pala kayo ganun. Lalo na't inamin naman ni Leon na walang kasalanan si Asuncion nung araw na yun at naging OA lang daw siya and I admit that naiinis ako tuwing kinakausap kita kasi walang emosyon yung mukha mo at sinipa mo pa ko't iniwan sa malakas na buhos ng ulan. Ahaha. But that doesn't mean na manggugulo na kayo. I know na mabuti ka. Thank You for helping out other students Sky. Kaya ginusto ko ring maging magkaibigan tayo dahil parehas naman tayo ng gusto. Makatulong at matigil ang gulo. Oo, maraming tanong sa isip ko tungkol sa katauhan mo but I respect others privacy so yeah I'm not gonna meddle your life." mahabang litaniya nito.

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Alam ko namang tingin ng lahat samin na magdadala lang kami ng gulo. Alam ko rin na nahihiwagaan siya sa pagkatao ko dahil oo wala akong mga accounts sa social media. I have facebook pero di ko na ito ginagamit. Binawalan ako nina Dad at Mom dahil nga kay Calend. Natuwa naman ako dahil kahit di niya pa kami lubusang kilala ay naniniwala siyang mabubuti kami. Alam ko namang mabuti rin siya kaya sana tigilan na niya yung pagpapaalala sakin sa Naruto shorts ko dahil nababadtrip/ nahihiya ako tuwing niloloko ako ni Mr. Order tungkol dun.

Hmm.Nasanay na ata akong tawagin siyang Mr. Order. Ano nga bang pangalan nito?

"Uhm. What's your name again?"tanong ko.

Nanlaki naman yung mata nito.

"W-wait w-what?" naguguluhan nitong tanong.

"Ano nga ba yung pangalan mo? " tanong ko.

He smirked.

"Wow. Wait. Just wow. Di mo ko kilala? Ilang beses na tayong nagkita at nagkausap pero di mo pa ako kilala?" gulat nitong tanong .

"Magtatanong ba ako kung alam ko yung pangalan mo? Tss." wika ko naman sakanya.

Nasapo nito yung noo niya sa pagkabigla.

"Okay fine magpapakilala ako. Tang*na ahaha." natatawa nitong saad.

"Hi Sky! I am Wasyl Alistair Risk Dela Croix. Pwede mo kong tawaging Risk kung gusto mo but students usually call me President habang yung iba naman ay Master. I find it weird but sabi naman nila na okay lang daw so yeah that's all." sabi niya.

Ano ba yan.

"Ang haba ng sinabi mo mas pinagulo mo pa yung utak ko. Sabihin mo lang sakin yung pangalan na tinatawag ng iba sayo." saad ko.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon