Chapter 13

20 2 10
                                    

Sky's Pov

Natapos na namin ang isang linggo sa CMU.

Kahit na maraming gulo ang nangyari at kahit maraming asungot sa paligid ay mabuti narin pagkat naging malayo kami sa mga tauhan ni Calend.

Buti nalang at hindi na sila nanggugulo.

O baka hindi pa.

Wala na rin kasi akong nababalitaan kaya baka nananahimik pa yung mga yun.

Tsk!

"YSAAANDRAAA! PAPASOK KA NA?" salubong sakin ni Rylie.

Nasa bahay ako ngayon at hinahanap ko yung black jacket ko dahil napagkasunduan namin ni Scar na magpractice ulit ngayon ng Ice Skating dahil hindi kami masyadong nakapagpractice noong nakaraan dahil nga sa mga asungot..

Naturuan ko naman sila pero hindi pa  nila ganung nakukuha yung ibang step lalo na yung panghuli na 360 degree spin.

"Rylie, pahiram muna kay Honey. Ginamit kasi ni Rex si Baby. " saad ko.

Ang tinutukoy ko ay yung mga mahal nilang sasakyan. Si Honey ay yung convertible ni Rylie habang si Baby naman ay kay Rex. Yan na ata yung mga girlfriend nila. Tsk!

Trip ko kasi munang mag drive ngayon.

Matagal tagal na rin kasi akong di nakakapagmaneho.

"Ayoko. Baka ano pang mangyari kay Honey." tinago naman niya sa likod niya yung susi habang umiiling.

Ah ganun.

Dahan dahan akong lumapit sakanya. Kita ko namang nag-iba yung mukha niya.

"H-HOY Y-YSAAA ALAM KO Y-YANG G-GINA G-GAWA M-MO!! W-WAG K-KANG LUMAPIT!" Iminuwestra niya yung kamay niya sakin na tumigil.

Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglapit . I smirked and raised my brow.

"Pahiram." ulit ko.

Umiling pa rin siya. "AYOKO."

Tsk!

"Pahiram." ulit ko parin habang paatras naman siya kada hakbang ko.

"Kaskasera ka Ysa. Ayokooo. Mahal ko si Honey blehhh." dinilaan pa ako nung loko.

Ah ganun.

Hindi ko na siya hinintay pa na umatras, dinaganan ko na agad siya at  kinuha yung susi na nasa likod nito.

Nagpumiglas pa ito.

"Baliw ka talaga Ysaaa!! REX! TULONG! RAPE! " sigaw naman nito na nag echo sa loob ng bahay. Tsk!

"Shut up Ry! Sa CMU lang naman ako eh. Chill." wika ko.

Iniwan ko na siya dun na nakahiga sa sahig. Nung akmang babangon na siya ay tumakbo na ako palabas at agad na pumasok kay Honey at pinaharurot papuntang CMU.

Nakita ko pa siya na lumabas at sumigaw.

"HONEEYYYYYYYYYYY!!!"

Baliw. Baka ano pang isipin nung mga kapit-bahay namin pag narinig siya.

"BUMALIK KA HONEYYYYYYYYYYYY"

At iniwan ko na siya dun. Bahala siyang ma depress sa paghiram ko kay  Honey.

"Honey sakin ka muna ngayon." kausap ko naman sa sasakyan.

Nagsoundtrip muna ako habang nagmamaneho.

Iniliko ko ito papuntang CMU.

Nung nasa harap na ako nung University ay pinagtitinginan ako nung mga studyante.

The Eye of Sky (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon