Chapter 2: Too late

85 3 0
                                        

CHAPTER 2

"Bakit ngayon lang?"

Kalimitang linya ito para sa mga nahuli nang dating. At sa kaso ko, linya ito ng nahuli sa pag-amin. Iyan kasi yung sinabi sa akin ng bestfriend ko nung nag-confess ako ng nararamdaman ko sa kanya after 6 years. Tinanong niya ako kung bakit noon lang ako umamin, samantalang nung gabi bago ako umamin, ay kakasagot lamang niya sa isang inireto sa kanya na isang buwan pa lang na nanliligaw sa kanya.

Isyu na naman ito ng time. At sa pagkakataong ito, isyu ng time na nasayang. Maski ako hindi ko nasagot sa isip ko yung tanong niya. Bakit nag-hold back ako ng feelings at kung kailang naunahan na ako, saka pa ako umamin? Sana pala hindi na lang ako umamin.

Pero napatunayan kong hindi niya mahal yung lalaki nung mga panahong iyon. "'Di ako naniniwalang mahal mo siya," matigas kong sabi sa kanya. Kasi, unang-una, kagagaling niya lang sa one-month breakup bago niya sagutin yung lalaki. Pangalawa, inireto lang sa kanya yun.

"Matututuhan ko rin siyang mahalin," sagot niya.

Kitam! Hindi pa niya talaga mahal yung mokong na yun. Natakot siya na bawiin yung ibinigay niyang matamis na "oo." Kung naging matapang lang sana siya, mari-realize niyang mas mahalaga yung bestfriend niyang halos saulo na niya ang pagkatao nang anim na taon. Kung naging matapang lang siya...

Pero parang mali na ipagdiinan ko na naging duwag siya. Dahil kung sa totoo lang, ako ang naging duwag sa simula pa lang.

Maulan nung gabing nabasted ako. Para bang maski ang langit ay nakiramay sa akin. Kaya kahit isang kilometro ang layo ng bahay nila sa amin, mas pinili kong maglakad sa ulan. Galit na galit nga si nanay sa akin pag-uwi. Pero ayos lang kasi hindi naman niya nahalatang umiyak ako; patunay lang na kayang-kaya kang pagtakpan ng ulan kapag umiiyak ka.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon