Chapter 3: The Announcement

63 2 0
                                    

CHAPTER 3

"James, pare, mag-online ka ngayon. May announcement si Rose sa Fb. Anong date ngayong February uwi mo, pare?" Chat sa 'kin ni Jerry, tropa ko.

Sa loob-loob ko baka naman makasilip ako ng katiting na pag-asa sa kung ano man yung mababasa ko sa facebook. Matagal na rin kasi nang mawalan ako ng contact kay Rose at sa tropa. Sapat na siguro yung three years para mapagtanto niyang worth it ako kesa dun sa kolokoy na yun.

Habang nagla-log in ako sa account ko, tumatakbo sa isip ko na sana naman yung "engaged" status niya, maging "single" na; o kaya "It's complicated."

Pero nagulat ako kasi wala ni isang notification para sa akin nung mga panahong yun. Maliban lang sa isang group chat para sa buong tropa naming:

February 10, 2014

ROSE: Guys, sorry, but this happened in secret. I just got married last February 10 to Jeremiah. We did not broadcast about this for several reasons. I hope you understand if no invitation reached you. I miss you so much, guys."

Kung halos ang lahat sa Fb ay excited sa Valentines Day nung linggong yun, ako naman excited sa All Souls' Day.

Hindi ko alam kung nang-aasar lang talaga siya dahil kung kailang isang linggo na lang at pabalik na ako sa 'Pinas, saka pa niya naisipang magpakasal.

Ilang buwan kasi matapos niya akong i-reject, nagpasya akong mag-aral ng Broadcast Journalism sa U.S. Ito lang kasi yung nakikita kong paraan para makalimot sa kanya. Paniwala ko kasi, kung may malaking bagay na nawala sa iyo, palitan mo ito ng mas higit pa. Nung nawala sa buhay ko si Rose, nag-aral ako nang mabuti sa ibang bansa para yung iniwan niyang puwang sa pagkatao ko, ay mapunan sa pamamamagitan ng pagtupad ko ng pangarap kong maging isang news caster sa TV.

Pero mali pa rin ako. Kahit gaano karaming achievements ang magawa mo sa isang araw, uuwi at uuwi ka pa ring malungkot at hindi satisfied dahil sa katotohanang wala kang ka-partner na pagkikwentuhan mo ng mga magagandang bagay pag-uwi mo sa bahay.

Kaya matapos ang tatlong taon nang pagpipilit na mapunan yung bakanteng lugar sa puso ko sa pamamagitan ng pag-aaral, gusto ko pa ring umuwi sa 'Pinas. Iniisip ko pa rin si Rose.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon