Chapter 7: Reunion

46 2 0
                                        

CHAPTER 7

March 10, 2014

ROWENA: Guys! Let's enjoy the heat of the sun! Magbakasyon tayo kahit next week. One week lang tayo sa amin sa Batangas. Reply kayo sa akin if interested. Lalo ka na James na wala kaming clue kung nandito ka na ba sa Pinas o anjan pa rin sa states. Paramdam ka naman bro!

Guys, I miss you so much!

NOTE: No gf or bf, or wify, or hubby (para kay Rose!) allowed in our beach trip. :D

Nung mga oras na ito, kami na lang ni Rose ang 'di pa nagku-confirm kung sasama o hindi. Pero, balak kong sumama.

Dalawang araw ang lumipas nang hindi ako nagku-confirm na sasama ako sa tropa. Balak ko kasi silang surpresahin. Hindi ko rin ibinigay sa kanila ang bago kong number, kasi kung tutuusin wala din akong number nila. Binilinan ko na rin sina tatay at mga kapatid ko na kapag may bumisitang tropa dito sa bahay ay sabihin na lang na hindi pa ako umuuwi from States.

-----------

School Terminal, University of the Lady of Soccorro, 8:00 am, Sunday. Yan ang meeting details ng tropa papuntang Batangas. A stone's throw lang naman ang bahay namin sa school kaya umalis ako ng bahay quarter to 8 na.

Sinigurado kong bagay ang outfit ko sa beach-ready body ko para, syempre, pasikat na rin kay Rose, kahit di ko alam kung para saan pa.

Nasa kabilang kalsada pa lang ako pero tanaw ko na ang tropa sa school terminal. Marami na akong pinagbago after some years, kaya siguro di nila ako nakilala nung tumatawid na ako sa pedestrian lane papuntang terminal. Eh paano ba nila ako makikilala, naka-cap at shades ako.

Para silang mga tulala na nakatingin sa akin nung tumatawid ako. Kaya tinanggal ko ang cap at shades ko sabay sabing: "Guys, sama ako."

"OMG! Is that you James?" si Karen ang unang nag-react. Siya yung kanina pa halos kini-criticize ang porma ko habang lumalakad sa pedestrian kasi she has a good-eye for fashion.

"Grabe di kita nakilala!" sabi ni Yazzi, yung tropa naming suki ng pageants.

"Pare bakit di ka nagparamdam na dumating ka na pala?" si Jerry, nabanggit ko na siya sa previous chapter.

"Musta na dude!" Bati ni Maron kaakbay ang tropa naming girlfriend nya na si Norma.

Mag-gu-group hug sana ako sa tropa nang biglang may yumakap sa likod ko. Sobrang higpit. Nilapat niya ang pisngi niya sa aking likuran, Grabe, parang kinilabutan ako na para bang may gumapang na kung ano sa akin. Para akong nakuryente.

"Bakit ngayon ka lang, beb?"

Sabi ko na si Becky yun. Siya yung tropa kong becky na hina-harass ako lagi. Sabi niya dati bading daw ako. Kasi kung tunay akong lalaki bakit di ko daw siya nililigawan.

"Hi, Becky?! Hehe." bati ko.

"Sabi ko na nga ba babalikan mo ako."

"Gaga! Feeling mo naman ikaw ang babalikan nyan?" singit ni Karen na nagpatawa sa tropa.

"Oo naman, Karen. Beb, di ba sabi mo kapag nag-top1 ka sa final exam ninyo sa States, ibig sabihin nun tayo na? Di ba Beb? Di ba Beb?"

"Ah eh...kaso may problema."

"Ano yun beb? Ano bang rank mo?"

"Rank 2." Sagot ko.

Naghagalpakan ang tropa nung sinabi kong rank 2 lang ako. At dahil sa disappointment, bumitaw sa pagkakayakap si Becky. "Ano ba naman yan Beb??? Andun ka na eh! Bakit di mo pa ginalingan nang konti pra nag-rank 1 ka at tayo na???"

"Sinadya ko talaga yun."

Grabe, sobrang na-miss ko yung ganitong kulitan sa tropa.

"Darating ba si Rose?" tanong ni Norma.

Walang nakasagot sa tropa. Parang lahat hindi sure kung sisipot siya o hindi. Hanggang sa nag-ring ang phone ni Yazzi.

"Hello, Rose! Ano saan ka na? Makakasama ka pa ba? Hinihintay ka na ng tropa. Asan ka na? I-loud speaker ko lang ah." Ini-loud speaker ni Yazzi ang phone niya.

"Guys!!! Kamusta na kayo?" bati ni rose mula sa naka-loud speaker na phone. "Susunod na lang ako ah. Kumpleto ba kayo? Mas masaya kung kumpleto. Sige nga attendance check kayo."

Itinapat sa amin ni Yazzi ang phone nya.

"Si Karen to, ang fashionista mong tropa!"

"Jerry, here!"

"Norma and Maron, present!"

"At siyempre ang pinaka-dyosa ng tropa, Becky!"

Itinapat ni Yazzi sa akin ang phone para ipaalam kay Rose na kasama ako. Pero di ako nagsalita.

"Parang kulang kayo?" tanong ni Rose mula sa phone. "Nasaan si Rowena?"

"Ah...eh...si Rowena umuna na sa Batangas para yung accommodation maasikaso na niya. Malapit lang kasi sa kanila yung hotel na titirhan natin," sagot ni Yazzi.

"Eh si...James? Nasaan?"

Nagtinginan sa akin ang tropa.

Pero tongue-tied pa rin ako.

"Eh kasi naman nami-miss ko na yung bestfriend ko. Sobra. Parang mayayakap ko yun pag nakita ko."

Lalong napatingin sa akin ang tropa, pero this time, may pangangantyaw.

Pero kinilig ako at namula dahil dun. Hindi ko na rin napigilan ang pagngiti ko na lagpas tenga. Kaya nung narinig ko yung sinabi niya, bigla kong binuka ang bibig ko para sana sabihing "Nandito ako." Kaso naputol ako nung sinabi niya:

"Mayayakap ko yun kasi excited na akong ipakilala sa kanya yung husband ko."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niyang yun. Nalimutan ko yatang ikinasal na nga pala siya. Kaya yung mga tropa ko isa-isang lumayo ng tingin sa akin.

"Ah, eh, Rose...malu-lowbat na pala ako. Kita kits na lang tayo sa Batangas ah. I-text ko sayo ang details mamaya. Babye. Mwahmwah tsuptsup," sabi ni Yazzi.

Umakbay sa akin si Jerry, sabay sabi, "Move on na pare. Kasal na e."

"Andito naman ako eh," sabi ni Becky.

Binatukan siya ni Maron kaya nagtawanan ang tropa. "Tara na nga!"

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon