Kabanata 7

62 1 0
                                    

New Friend

"Uhm bat po kayo nandito, Sir Haxen?" Tanong ko

"Haxen na lang Menace" sabi niya

Iniabot sa akin ni manong iyong ice cream ko. Kumuha ako ng pera sa bag para bayaran iyon pero binayaran na ni Haxen.

"Ako na ang magbabayad" sabi ko

"Ako na lang. Consider this as my apology to you noong meeting" sabi niya

Di na ako nakipagtalo pa at hinayaan ko nalang siya. Pagkatapos noon ay umupo kami sa bench at kinain ang icecream.

"So bat ka nandito Haxen?" Tanong ko

"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?"

"Di naman sa ganoon." Sabi ko

"So gusto mo na nandito ako, ganon?"

Psh. Waaw. Bat ko naman gugustuhin? Sino ba siya? Wala nga akong pake sakanya eh.

Umirap lang ako at kumain nalang ng icecream.

"Just kiddin. Madalas ako magpunta dito para magisip isip or magpahangin. Marami kasing puno dito kaya nakakatanggal stress and pagod. Ikaw? Bat andito ka? At bat di mo kasama si Scion?" Sabi niya

"Kasama ko dapat siya kaso nagka emergency sa office kaya di siya nakasama." Sagot ko

"Tsss... Hindi ka dapat niya hinahayaang mamasyal magisa. Paano pag may masang loob ang magtangka sayo? If I were your boyfriend, sasamahan kita san ka man magpunta" sabi niya

Aaminin ko naflatter ako ng slight sa sinabi niya. Pero di ko rin naman masisisi si Scion kasi fake lang naman lahat to.

"Uhm.. ayoko kasi ng masyadong clingy. Atsaka gusto niya na malaya parin ako gawin ang gusto ko. Sinusuportahan niya lang ako sa lahat ng ginagawa ko. Isa yon sa mga nagustuhan ko sakanya." Sagot ko.

Sa totoo lang natatawa ako sa sarili ko kasi kung makapagsalita ako akala mo talaga totoo eh. Damang dama ko haha

"Ilang months na kayo?" Tanong niya

Oh shit! Kailan nga yung sinabi ni Scion? Lintek na! Nakalimutan ko! What to do? I need to do something.

"Bakit mo natanong?" Sabi ko

"Well Im curious. Very Curious actually." Sagot niya

"Why?"

"Ngayon lang nagpakilala ng official girlfriend yang si Scion. Nakakapagtaka. Nakikita siya dati na paibaiba ang mga kasamang babae and most of them are supermodels. At akala ko rim ay engage na sila ni Krishna. So ilang months na nga ba kayo?" Tanong niya

Ewan ko pero para akong nanliit sa sinabi niya. Mga supermodels daw ang naging flings ni Scion. Take note "flings" palang iyon. Eh ako?
Aysh di dapat ganto iniisip ko. Fake lang to lahat. Ang dapat kong isipin ay kung kelan nga naging kami. Shete! Isip...isip...isip...

Biglang tumunog ang phone ni Haxen.

"Oh excuse me. I'll just take this call" sabi niya atsaka sinagot ang telepono niya

Whooo! Nasave ako kahit papaano nun ah! Shit kailangan ko talaga alalahanin kung kaialan. Ano nga ba yung sinabi ni Scion ng dinner?

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon