Kabanata 45

33 2 1
                                    

Welcome Home

Pagkatapos ng nangyari nang gabing iyon ay hinayaan muna ako nila ate na makapagpahinga at makapagisip isip. Sinabi ni ate sa akin na kapag handa na akong sabihin sa kanya ang nangyari ay nandyan lang siya at handang makinig.

Pagkagising ko kinabukasan ay naligo ako to freshen up. Sabay sabay kaming kumain at pagkatapos noon ay nag-sinabi ko kay ate na handa na akong sabihin ang buong pangyayari.

Kasalukuyan na kaming nasa sala dito sa bahay ni Haxen. Kinuwento ko kay ate at kay Haxen ang buong pangyayari.

"That asshole!" Bulalas ni Haxen.

"I-I don't know how can he... do this to me..." iyak ko.

"Sis.. Tahan na. I know masakit ito sobra but you gotta be strong. We're here for you." Sabi ni ate at niyakap ako.

"Sabi ko na sayo noon eh. He's a playboy." Sabi ni Haxen. Matalim siyang tinignan ni ate.

"What?! I'm just saying the truth. We don't need to sugarcoat or whatever." Sagot ni Haxen.

"Akala ko kasi.... mahal niya ako. Yun yung pinakita niya eh... the efforts, surprises.. even his words."I said crying as I reminisce all of our memories together.

Shit. Ang sakit talaga.

It hurts so much once na sinaktan ka ng taong mahal mo at sinasandalan mo. Yung tao na akala mo na nandyan palagi para sayo, yung akala mo na kakampi mo... siya pala ang mananakit sayo.

Yung akala mo na magpapatahan sayo sa tuwing iiyak ka, siya pala ang magpapaiyak at sasaktan ka ng sobra sobra.

It feels like the world betrayed you.. Pakiramdam ko wala na akong kwenta. Parang gumuho na ang mundo ko.

Gusto ko nang mag-give up...

"Sis.. wag ka mawalan ng pag-asa okay? Hindi lang si Scion ang nagmamahal sayo... andito kami pati ang pamilya natin. We're all here for you." Sabi ni ate Marianne sa akin

But then.. there are still people who loves me and cares for me. At sila ang dahilan kung bakit hindi ako dapat sumuko sa buhay.

Oo, may mga hirap at challenges na darating sa atin na talaga namang parang gusto na nating bumitaw.

I still have a purpose here in this world.

"Thankyou ate... Haxen.. salamat sa pagco-comfort.. Thankyou kasi andyan kayo.." sabi ko.

"I'm always here for you. You can count on me." Sabi ni Haxen at hinawakan ako sa ulo.

"Makasarili ka talaga no? Ikaw lang?" Sarkastikong sabi ni ate kay Haxen. Natawa tuloy ako.

"Syempre kami din. We are your family. We love you more than anyone in the world." Sabi ni ate at hinalikan ako sa pisngi.

"Aww.. nakakaiyak naman kayo lalo. Thank you talaga. I don't know what to do kung wala kayo." Sabi ko.

"Group hug!!" Sigaw ni ate at inatake ako ng yakap.

We might sometimes feel so down but lucky me... I have a family who I can still count on.

"I have a surprise for you." Sabi ni ate.

"Talaga? What is it?" I asked excitedly.

"Actually they're here." Sabi niya at ngumiti.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon