Kabanata 30

54 1 0
                                    

Surprise

Pagbaba ko ng elevator ay nakita ko na agad si Ishi. Walang kibo siyang naglalakad ng padabog habang papunta kami sa kotse niya.

Ano namang nangyari dito at magkasalubong ang kilay?

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko habang siya ay nagdadrive.

"Paaano! Epal si Ashton. Sasama ba naman mamaya. Edi di na ako nakapagenjoy noon? Pag siya may pupuntahan, hindi ko naman siya pinipigilan. Pag ako, lagi nalang siyang kasama. Pshh." Paliwanag niya.

"Ayaw mo noon? Sweet kaya.." sabi ko habang iniimagine na ganoon din si Scion. Haaaaaay! Kinikilig na naman ako!

Teka nga? Bakit hindi ko na lang sinama si Scion?

"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na kasama si Kairus ? Edi sana sinama ko rin si Scion." Sabi ko

"So okay na kayo? Naku Menace! Nagiinarte ka lang pala ah. Hahahahahaha!"

"Psh. Tinatanong kita."

"Malay ko ba na bati na kayo. Pagsinabi ko naman sayo hindi ka papayag kasi magkaaway nga kayo diba?"

Hmmmm... sabagay. May point siya dun hahaha.

Pagkatapos namin bumili ng regalo ay sa salon naman kami nagpunta.

Kasalukuyan ng inaayusan si Ishi. Dito yung salon kung saan kami dati nagpunta ni Scion.

"Hi maam!" Bati ng isang stylist. Siya iyong nagayos sa akin noon.

"Uy hello!" Bati ko.

"Im glad to see you again maam. Magpapa haircut po ba kayo?" Tanong niya

"Ah hindi. Sinamahan ko lang yung friend ko." Sabi ko at tinuro si Ishi.

"Ahh. Si sir Pogi po? Kasama niyo?" Tanong niya

"Hindi eh."

"Sayang naman. Haha. Joke lang maam."

"Haha."

"Les! Pa assist naman dito" tawag sa kanya noong babae na nasa may counter. "Ah sige! Sandali lang" sagot naman niya

"Maam sige po mauna na ako. Staystrong maam!" Sabi niya sa akin bago umalis.

Pogi talaga ng boyfriend ko! Kahit wala dito, hinahanap. Swerte ko talaga!
Feeling ko nakabuti pa yung pagkakabangga ko sakanya. Hahahaha!
Nang dahil dun ay kung bakit ganito ang lahat ngayon. ^_^

Kamusta kaya si Scion sa bahay?

Kumain na kaya siya?

Ano kayang ginagawa niya?

Hayss bakit ba kasi di pa kami okay eh.

I mean okay na kami pero parang may gap parin.

Kailangan ko ata bumawi sakanya? Aysh! Oa ko kasi eh. Tama si Ishi, dapat hindi ako magalit kay Scion dahil lang sa past niya. Past niya yun eh, wala pa ako noon kaya wala akong karapatan para magalit.
Pero nakakatuwa isipin na kahit nagalit ako na hindi naman dapat, si Scion pa rin yung sumuyo sakin at pinilit na magkaayos kami. Yieee! Kilig to the highest level!

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon