Kabanata 24

64 1 0
                                    

Meet the Parents

Menace's POV

Its been two weeks mula noong nanggaling kami sa Ilocos. Sa nakalipas na two weeks, wala naman masyadong importanteng nangyari. Going strong kami ni Scion. Yieeee Hahaha. Going strong ang fake relationship namin. Mas lalo rin kaming naging sweet. At may improvement!

Kung dati siya lang ang tumatawag na baby sakin, ngayon pati ako tinatawag ko na rin siyang baby. Mwhehehehe.
Pero siya naman ang may sabi non. Kailangan daw kasi ay masanay ako at di na ako mailang. Para ngang nakakalimutan ko nang fake lahat to eh.

Kasalukuyan akong nasa office ko ngayon. Syempre workday kaya medyo busy. Pero mas sobra namang busy last week. Sobrang daming meetings at appointments. Grabee!

*tok*tok*tok*tok*

Napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok si Scion.

"Oh? Need something?" Tanong ko.

"Tara. May pupuntahan tayo."

Huh? 3 pm palang ah. Work hours pa.

"Huh? Saan?"

"Mall." Simpleng sagot niya atsaka ngumiti.

"Pero kailangan ko pang iupdate yung schedules mo eh. May ipapa follow up pa ako kay Mr. Santiago." Sabi ko.

"This is more important. Leave that to Skye." Sabi niya.

"Okay." Sagot ko

"Hintaying nalang kita sa car okay?"

"Okay." Sabi ko. Lumabas na si Scion. Tinawag ko naman si Skye.

"Skye pasensya na talaga ah. Si Scion kasi eh."

"Maam okay lang yun. Trabaho naman po ito eh." Sagot niya ng nakangiti.

Napakabait talaga ni Skye! Haaay!

"Naku sobrang thankyou Skye! Di ko na alam gagawin ko kung wala ka. Atska wag mo na ako tawaging Maam. Menace nalang." Sabi ko.

"Uhm.. di po kasi pwedeng tawagin ko kayong Menace lang. Magiging topic po ako ng chismis." Sabi niya.

"Oh edi, Ms. Menace nalang. Siguro naman okay na yun ah."

"Okay maam! Ay este Ms. Menace pala."

"Osige una na ako. Ikaw na bahala dito ah. Bye!"

Agad naman akong bumaba. Baka mamaya ay  magalit na naman iyong electricfan.

Sumakay agad ako ng elevator. Tumigil ito sa 24th floor. May sumakay kasi. Oh... si Kairus pala.

"Kairus! Kamusta?" Tanong ko.

Sa pagkakaalam ko kasi ay nagkakamabutihan sila ni Ishi. Oh diba! Ako matchmaker niyan! Hahaha

"Okay naman. Ikaw? Kamusta na kayo ni Scion? Kaya mo pa ba pakisamahan? Hahaha."

"Oo naman no. Mabait kaya si Scion. Atsaka going strong naman kami." Sagot ko.

"Ahh. Ready ka na ba mamaya?" Tanong niya

Huh? Anong meron mamaya?

"Huh?" Tanging nasabi ko.

Tumunog naman ang elevator.

"Oh. Dito na ako. Sige. See you later Menace!" Sabi ni Kairus atsaka tuluyang lumabas ng elevator.

Handa ka na ba mamay? See you later? Huh? Anong meron? Gulo ah!

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon