Kabanata 12

52 1 0
                                    

Tayo

Menace's POV

Inayos ko na ang mga dadalhin ko para bukas. Isang bag lang ay kasya na lahat. Nagdala lang ako ng shoulder bag para sa mga imporatanteng gamit. Di na ako lumabas pa ng kwarto dahil malamang sa malamang, paglumabas pa ako ay magtatalo lang kami ni Scion or baka kulitin niya ko.

Kamusta na kaya si Ishi? Ano na kayang ganap sa kanila ni Kairus? Haay. Kaya na niya yon. Malaki na siya. Makapagpahinga na nga lang.

Thirty minutes na akong nakapilit dito pero di parin ako makatulog. Langya. Di pa talaga ako inaantok. Makanood na nga lang Riverdale. Pero.... pano pag nasa labas si Scion?

Pumunta ako malapit sa pinto at dahan dahan ko iyong binuksan. Binuksan ko lang ito ng katamtaman na makikita ko kung nasa labas su Scion. Luckily wala. Kaya naman agad akong lumabas. Siguro ay nasa kwarto niya na siya. Binuksan ko ang tv at nilagay sa Netflix. Sinimulan kong manood ng riverdale. Sheteee! Ang pogi talaga ni Cole Sprouse! Sobrang Crush ko talaga siya! Nanonood lang talaga ako ng Riverdale dahil kay Cole pero maganda rin naman ang story. Naiinis lang ako pag eksena niya kay Lili. Pati yung nagkiss sila ni Veronica! Kainis!

Teka parang may kulang. Aha! Snacks! Makatingin nga muna ng snacks sa kusina. Pumunta akong kusina. Binuksan ko iyong cabinet sa taas. May chips! Cheetos... Lays.. Doritos.. Combos.. Pringles..
Taraaay! Puro imported. Sabagay. Condo ito ni Scion Mercadillo. Mayaman.

Hmmm... ano kaya dito? Combos nalang! Inabot ko iyong combos pero di ko maabot. Masyado mataas itong cabinet. Tumalon pa ako. Pero wala. Di ko parin abot. Nagulat ako ng may nakita akong kamay na kumuha ng combos. Shete! Si Scion! Humarap ako sa kanya.

"Pwede ka naman kasing magpatulong di yung tumatalon talon ka diyan na parang bagong taon." Sabi niya. Cold parin. Walang pinagbago.

"Akala ko kasi tulog ka na."

"Yung damit mo tumaas na kakatalon mo." Sabi niya

Napatingin ako sa sleeveless top ko. Kita na tiyan ko! Agad ko namng inayos iyon.

Iniabot niya sa akin iyong combos. Kinuha niya pa iyong pringles kaya naman tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Nanadya talaga tong kumag na to.

"Aray"

"Oops sorry." Sabi niya bago tumalikod at naglakad papuntang fridge. Napailing nalang ako at bumalak sa sala. Umupo ako sa sofa at binuksan iyong combos. Pinagpatuloy ko ang panonood.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagulat ako ng nilapag ni Scion ang pringles at dip sa center table. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Sa nilawak lawak ng sofa ay sobrang dikit niya sa akin. Nangaasar talaga to eh.

"Ano ba?" Sabi ko na may halong pagkairita.

"What?" Tanong niya. Painosente pa. Sarap bigwasan eh.

"Move. Ang lawak ng sofa nakadikit ka sakin. Ang init kaya!" Reklamo ko

Pero imbis na lumayo siya ay kinuha niya ang remote ng aircon sa center table at nilakasan.

"There." Sabi niya.

"Scion! I said move."

"Ayoko."

"Ano ba?"

"Bakit bawal ba ako umupo dito? Sofa ko to kaya uupo ako kung saan ko gusto." Sabi niya

Kapal! Saksak mo sa baga mo yang sofa mo.

"Okay fine!" Sabi ko atsaka nag indian sit sa lapag. Wala pang ilang saglit ay umupo rin siya sa tabi ko. Naknang tokwa! Talaga naman!

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon