Kabanata 59

25 1 0
                                    

PT

"Grabe, mas nauna ka pang ikakasal sa akin. Buti ka pa nahanap mo na yung the one mo." sabi ni ate Marianne habang kumakain ng chocolate cake.

Nandito kami ngayon sa office ng fashion designer ng gown ko para sa kasal namin ni Scion.

"Arte mo kasi eh. Ayan, wala tuloy tumatagal sa'yo." asar ni kuya. Agad namang kumunot ang noo ni Ate sa narinig.

"I'm not maarte no! Sadyang hindi lang talaga kami compatible ng mga ex ko." sagot ni ate Marianne.

"How could you say that they love you if they want to control you? Dapat you let your partner do what she or he wants as long as wala namang masama don." sabi pa niya. She has a point.

"Yeah. Whatever independent woman."

Akala ko ay hanggang dun na lang ang asaran nila. Pero nagulat ako ng magsalita ulit si Kuya after few minutes.

"Just do what makes you happy, Marianne. And if sinaktan ka, sabihin mo agad sa akin at uupakan ko." sabi niya.

"You too, Drine. Kahit pa kasal na kayo ni Scion, hindi ako magdadalawang isip na ipa-annul kayo kapag nalaman kong sinaktan ka niya." dugtong pa niya.

Napangiti kami ni Ate.

"Sus! Here goes the protective kuya!" asar ni ate sa kanya. Natawa na lang ako. Wala ako sa mood makisali sa kanila.

Ewan ko ba. These past few days parang ang moody ko. Hindi rin maganda ang pakiramdam ko.

"I'm serious. Ang babae, hindi sinasaktan. Dapat laging ginagalang."

"Scion won't hurt me, Kuya. I'm sure of it." sagot ko at ngumiti.

"Lakas maka-ideal man huh!?" asar ni ate sa kanya. "Ganyan ka rin ba sa girlfriend mo?" agad napairap si Kuya sa tanong ni ate.

"Why don't you share to us na lang kasi kung ano problem niyo? Baka makatulong kami." sabi ni ate.

"Oo nga. Para din ma-meet namin siya." dagdag ko.

"Nah. It's my problem, I should be the one solving it. Besides, baka lalo lang kaming 'di magkaayos kapag nalaman pa nitong si Marianne." sagot ni kuya baga kumuha sa chocolate cake ni Ate.

"Whatever independent man." ate mocked him.

Suddenly my phone rang. I answered it.

"Hi baby." Scion greeted. He sounds tired.

"You seems so tired. Don't overwork yourself."

"Yeah. Sorry, sobrang dami lang talagang meetings ngayon. Anyway, how is the preparation?"

"It's good naman. Konti na lang matatapos na. We're just waiting for Astrid." sagot ko.

"Who are you with?" Tanong niya.

"I'm with ate Marianne and kuya." sabi ko.

Napahawak ako sa tiyan ko nang  humilab iyon bigla.

"Excuse me, can I have water please?" sabi ko roon sa isang staff

"Sure, ma'am." Sagot niya at kumuha ng tubig.

"Are you still not feeling well?" tanong ni Scion.

"Medyo. But I'll be fine." sagot ko.

"Oh my god. I'm really sorry for keeping you wait." sabi noong fashion designer pagkapasok niya.

Sinalubong siya ni ate at bumeso. They are great friends.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon