Kabanata 42

50 0 0
                                    

Caught

"I think that's for today, Menace. You need to absorb and process everything first then when you're ready... Let's proceed on the next one." Sabi ni Haxen.

"Okay. Thank you for this, Haxen. I never thought na ikaw pa ang makakatulong sa akin." Sabi ko at ngumiti.

"It's my pleasure to help you." Sagot niya.

"Osige. Mauna na ako. Thanks again Haxen." Sabi ko bago tumayo.

"Menace, wait!" Tumingin ako sakanya.

"Pwede kitang ihatid if you won't mind." Sabi niya

"Wag na. Okay lang ako. May dadaanan din kasi ako eh."

"Dun nalang kita ihatid sa dadaanan mo. Nakikita ko kasi na medyo lutang ka pa.. I mean you're still thinking. Baka mapano ka pa. Let me do this, please."

Sa huli ay pumayag na rin ako. Mukha namang concerned lang siya sa akin eh.

Oo nga pala.. Bakit nga ba masyado siyang concerned sa akin? Kamag-anak ko rin ba siya?

"Uhm.. Haxen, I was just wondering... Napansin ko kasi na masyado kang concern sakin. Bakit?" Tanong ko sakanya. Nakita ko ang gulat sa mata niya kaya agad kong nilinaw ang tanong ko.

"I mean... close ba tayo dati? Or.... magkamag-anak ba tayo?" Tanong ko muli.

He chuckled a bit before he replied.

"The truth is.. your family and I are really close. We treat each other like a family. And when we were young, we are so close." Sagot niya.

Marami pa sana akong itatanong sakanya pero naubusan na nang oras dahil nasa drop off point ng mall.

Nagpasalamat muli ako sakanya at saka ako pumasok sa loob ng mall.

Nagdesisyon ako na dumaan ng mall dahil gusto kong mamili ng mga rekados. Balak ko kasing magluto ng something special for dinner at sabihin kay Scion ang magandang balita.

Ang naisip kong ang iluto ay Broccoli Chicken Divan at Pesto.

Una akong pumunta sa chicken station. Namili ako ng manok para sa Chicken Divan.

Habang hinihintay ko ang manok na napili ko, muntik na akong ma out of balance dahil may nakabangga sa akin.

"Ay sorry." Agad kong paumanhin.

"Ano ba yan?! Malandi ka na nga, paharang harang ka pa!"

Si Krishna pala iyong bumangga sa akin.

Kahit kailan.. bwisit talaga tong babaeng to.

"Ikaw na nga tong nakabangga, ikaw pa tong galit. Where's your manners?" Sabi ko sakanya.

"Oh! Look who's talking about manners!" Sarkastikong sabi niya.

"Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo kaya buhay ng iba ang ginugulo mo?"

"Ikaw ang unang nanggulo Menace! Kung hindi ka sana dumating sa buhay namin, as of now Scion and I are already happily married!" Sagot niya

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon