Kabanata 13

57 1 0
                                    

Pictures

Pagsakay namin ng elevator ay panay ang hikab niya hanggang makababa kami. Sabi na aantukin siya eh. Kung ako na lang muna kaya magdrive? Nakatulog naman ako kahit papaano eh. Bago pa siya makasakay sa driver's seat ng MUX niya ay tinawag ko na siya.

"Scion!"

Nilingon niya lang ako.

"Ako nalang muna magdadrive. Para makatulog ka kahit konti. I know your sleepy." Sabi ko

"Di mo alam ang daan." Sabi niya

Duh! 21st century na tayo ngayon. May waze naman no!

"Waze! May waze naman eh" sabi ko. He just looked at me coldly and shook his head.

"No." Maikling sagot niya

Ganyan siya! Lagi na lang siya ang nasusunod.

"Scion! Kahit naman ngayon ako naman sundin mo. Lagi na lang ikaw nasusunod eh!" Pagkasbi ko noon ay di siya umimik at nakatingin lang sakin.

"No." Sabi niya. Langya gusto niya talaga ako magalit!

"Scion! For pete's sake! Im just worried! Gusto ko lang namang makapagpahinga ka kahit papano because I know your sleepy! Pwede pa tayong maaksidente niyan eh. Please. Just let me. Kahit 4 hours lang ako mag drive, Im fine with it. Basta makatulog kalang kahit papaano." Wala parin siyang imik. Napabuntomg hininga siya atsaka nagsalita

"Fine. Pagtapos natin magpa gas, ikaw na ang magdrive. Now, get in."sabi niya.

Ngumiti ako bago umikot para sumakay sa harap. Nistart niya agad ang kotse ar gorabells na kami!

Nagpa gas muna kami sa Petron. May convenient store sa tabi ng petron kaya bumili ako. Kumuha ako ng mga chips at nescafe in can para alive na alive ako. Nung naglalakad na ako pabalik ng kotse ay nakaupo na si Scion sa inuupuan ko kanina. Ako na magdadrive! Sumakay agad ako sa driver's seat.

Habang nagdadrive ako, si Scion ay nakasandal lang at nakatingin sa bintana. Parang ang lalim ng iniisip niya.

"May mga chip ako binili. Kuha ka lang if you want." Sabi ko

"Im full. Thanks." Sabi niya atsaka tumingin ulit sa bintana. 1 pm na ng approaching TPLEX na kami.

Bat parang ang lamig? Giniginaw ako shet. Wala pa namn akong dalang jacket!
Hininaan ko ng konti ang aircon. Malamig parin! Lakas naman ng aircon ng kotseng to. Mana lang sa may ari. Cold.

"Are you okay?" Tanong ni Scion.

"Yup. Medyo giniginaw lang." sagot ko

"Stop the car." Sabi niya

"Why?"

Tinignan niya lang ako di umimik. Katakot besh! Parang sasaksakin na ko kung di ko ihinto ang kotse. Kaya naman inihinto ko.

Nagulat ako ng hinubad niya sweater niya at inabot sakin.

"What?" Alam kong inooffer niya iyon pero pano naman siya? Isa pa siya ang nagdala non kaya kasalanan ko kung nilalamig man ako ngayon.

"Wear it."

"Im fine. Sige na suotin mo na-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinuot niya sa ulo ko ang sweater. Di ako makagalaw dahil sa pagkabigla! Gaaad! Siya na mismo nagsuot ng sweater sa magkabila kong kamay. Siya rin ang nagbaba ng sweater ko at inayos niya iyon. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako sa kanya. First time ko lang na may nagsuot sakin ng sweater na lalaki. First time ko rin magsuot ng damit na galing sa isang lalaki. Mygaaash! Ang first time na iyon ay si Scion! Emegeeesh!

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon