Kabanata 22

49 1 0
                                    

Marianne

Pagsakay namin sa everest ni Scion ay agad akong nakatulog. Naalimpungatan lang ako ng narinig kong nagsasalita si Scion.

"Oo na Kairus."
"Pagnakapagpahinga na kami ng maayos, I'll immediately set a dinner with mom and dad"

Dinner? Shockz! Ipapakilala niya na ba ako sa parents niya? Waaaagh!

"No. Badass like you won't be invited. Baka mamaya ikaw pa makasira eh."

Hahahah. Ang cute nila magaway. Away bata.

"Stop mentioning her. I forgot everything about Steff long time ago"

Steff? Sino siya? Ngayon ko lang narinig pangalan na yun ah...

"Okay. Wag ka na mangulit. Mas excited ka pa sakin ipakilala girlfriend ko eh."
"Okay. Bye."

Nang narinig ko na nilagay ni Scion ang kanyang phone sa dashboard ay saka lang ako gumalaw at nagmulat ng mata.

"Sorry. Did I woke you?" I just shook my head.

"Saan na tayo? Umaga na pala"

"Nakalabas na tayo ng TPLEX. Did you sleep well?"

"Yup. Ako na kaya magdrive para makapagpahinga ka naman." Sabi ko

"Nope. Its okay. Malapit narin naman na tayo."

Sabi ni Scion na pagdating daw namin ng condo ay magapapahinga lang kami buong araw. Bukas na raw kami papasok.

~~

After an hour ay nakarating na kami sa condo. Pagdating namin ay nagpahinga lang kami saglit. Pagtapos non ay naligo ako. Nang nakapagayos na ako ay dumiretso ako sa kitchen para magluto. Si Scion naman ay nakahiga sa sofa. Topless na namn besh! Pero syempre dedma nalang ako at baka mamaya ay mangasar na naman at umandar na naman ang electric fan niya sa katawan.

"Magluluto ako. Any request?" Tanong ko kay Scion.

"Hmm.... pork steak na lang siguro."

"Okaay!" Sabi ko atsaka pumunta sa doubledoor ref.

Uh-oh. May konting problema. Kailaangan na niya mag grocery.

"I think kailangan na nating mag grocery."

Tinignan niya lang ako bago sumagot ng "okay" atsaka siya bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa

"Kaya ko namang mag grocery magisa. I know you're still tired." Sabi ko

"Nope. Sasamahan kita."

Dumiretso sa kanyang kwarto. Ako naman ay pumunta rin sa kwarto ko. Nagbihis ako ng tshirt at maong shorts. Alangan namang lumabas ako ng naka sleeveless at cotton shorts diba?

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakatayo si Scion. Naka tshirt na siya at pinapaikot ikot niya rin sa daliri niya ang susi ng kanyang kotse.

"Tagal mo." Sabi niya atsaka naglakad papalabas.

Waw! Nagpalit lang ako matagal na yun? Ang bilis ko nga lang eh! Sabihin niya mainipin lang talaga siya! Hmp. Sungit!

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon