Kabanata 18

55 1 0
                                    

Single and ready to mingle

"Picturan mo ko dali!" Sabi ko sakanya. Iniangat naman niya ang kanyang DSLR. Ngumiti ako. Nagpose pose pa ako.
Ang saya lang!

Solo namin ang lugar. Kami lang ang narito. Kaya naman masaya talaga!

Tumakbo ako palapit sakanya at tinignan iyong picture.

"Ikaw naman ang pipicturan ko!" Sabi ko

Lumayo layo ako mg konti at hinanapan ng magandang angulo atsaka ko siya kinuhanan. Tinignan ko iyong picture. Sa unang picture ay nakasmile siya. Sa pangalawa naman ay seryoso na ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga! Tumingin ako sa kanya at nakita kong andun parin siya. Hinahawi niya ang buhok niya. Kinuhanan ko siya. Stolen! Haha. Nang tignan ko iyon ay kinilig ako. Hindi siya nakatingin. Hindi niya alam na pinipicturan ko parin siya pero ang gwapo niya parin! Parang magpophotoshoot siya eh!

"Menace!" Narinig kong tawag niya. Tumingin ako sa kanya. "Come here!" Sabi niya. Naglakad naman ako palapit sa kanya.

"Let's take a picture together." Sabi niya sabay hawak ng phone niya na nakaselfie. Ngumit naman ako. Nakailang shots kami. May wacky, may fierce, may nakasmile.

"Isa pa." Sabi niya. Ngumiti ako. Pero nagulat ako ng kiniss niya ko sa cheeks. Tinignan biya ang picture at pinakita sakin.

"We look so cute!" Sabi niya. Tumango ako. Ang sweet ni Scion. Parang natural na lang ar sa katawan niya ang pagiging sweet. Yung tipong di niya alam na masyado na siyang sweet.

"Upo naman tayo." Sabi ko atsaka umupo sa mga bato.

"Sige. Kuha lang ako ng chips sa kotse." Sabi niya sabay takbo pupunta sa kotse.

Ang saya ko ngayon. Ang saya ko kapag kasama ko si Scion. Pag kasama ko siya pakiramdam ko kaming dalawa lang. Nakakalimutan ko lahat ng tao sa paligid. Nakakalimutan ko ang problem ko. Nakakalimutan ko ang mundo. Siya. Siya lang nakikita ko.  

Ngayon alam ko na. Alam ko na kung ano tomg nararamdaman ko. Oo, mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya.

Alam ko mahirap at di pwede. Setup lang naman lahat ng to eh. Fake lang. Pero di ko nakayang pigilan ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang to naramdaman. Kahit kay James na ex ko ay di ko to naramdaman. Kahit na sandali palang kaming magkakilala at magkasama ni Scion, ang pakiramdam ko ay napakatagal na.

Di ko maiwasang matakot. Natatakot ako na baka dumating na yung araw na kailangan ng itigil to. Natatakot ako. Paano na ako pag nangyari yun? Paano na ang puso ko? Paano?

Sa tingin ko, ganoon talaga pag nagmahal ka. Di mo maiiwasang masaktan. Dahil ang pagmamahal at ang masaktan ay magkasama na yan. Pag nagmahal ka, expect mo ng masasaktan ka. Kahit ano pang sitwasyo niyo ng minamahal mo. Kahit pa one sided love, or mahal niyo talaga ang isat isa, miski sa pamilya at kaibigan. Kahit saang angulo mo tignan. Pagnagmahal ka, masasaktan ka. Na saiyo lang yung kung pano mo ihahandle ang sakit na nararamdaman mo. Kung pano mo iyon malalagpasan.

Narinig ko ang yapak ni Scion na palapit na. Umupo siya sa tabi ko. Inaabot niya sa akin ang doritos. Kumuha naman ako.

"Masaya ka ba?" Tanong niya ng nakangiti. "Masaya ka ba sa pinuntahan natin? Just wait. There's more." Sabi niya

Oo masaya ako. Kahit saan naman tayo pumunta ay masaya ako. Basta kasama kita. Basta magkasama tayong dalawa.

Bigla siyang tumayo. Akala ko ay aayain niya na ako bumalik sa kotse kaya tumayo narin ako. Pero nagulat ako ng tumayo siya sa likod ko at kinulong ako sa mga bisig niya. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon