Kabanata 8

63 1 0
                                    

Fight

Scion's POV

Pagkatapos ng meeting ay agad akong umalis at nagdrive papuntang condo. Alam ko na may iniisip si Menace kaya ipagluluto ko siya para gumaan naman ang pakiramdam niya. Tinext ko siya.

"Where are you baby?" Text ko saknya.

Pagdating ko sa condo ay nagluto na agad ako para eksakto sa dinner. Nalaman ko sa private investigator na paborito niya ang pesang tilapia. Di ko alam namay ganoong klase ng pagkain. Its a filipino dish actually. First time ko magluluto nito. Nisearch ko pa sa google kung paano lutuin. Naknang teteng. Pagkahirap. Sabaw pala ito! Effort kung effort!

Bagi ko simulan yung pagluluto ay chineck ko muna ang phone ko. Di parin siya nagrereply. Ano na kayang nangyari dito? Tinext ko ulit siya.

"Please reply baby"

Natutuwa ako tuwing tinatawag ko siyang baby. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kinikilig siya. Haha. Ang cute niya pa naman kiligin.

Pinilit kong maperfect yung lasa at timpla. And luckily, okay naman. Natapos na ko magluto. Nilagay ko na sa serving plate at hinanda ko ang table. Nagtimpla pa ako ng juice. Oh ha! Tinalo ng ginawa ko ang service ng restaurant!

Nicheck ko ulit ang phone ko pero wala paring reply. Nagaalala na ako. Tinawagan ko siya pero unattented! Nakailang tawag nako pero unattended talaga! Nagaalala na ako ng sobra. Bumaba ako ng unit. Naghintay ako sa lobby.

Ang tagal ko nang naghintay pero wala parin si Menace! Sinubukan ko ulit tawagan siya pero unattended na naman!

Tinawagan ko na ang private investigator ko na kung pwede ay hanapin niya. Tinawagan ko pa si Ishi kung kasama pa niya pero hindi raw. Di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sakanya.

Nagulat ako ng nakita ko si Menace bumaba ng isang Hilux. At mas lalo kong ikinagulat nang makita ko si Haxen na bumaba ng sasakyan. Anong ginagawa ng siraulong to at siya ang naghatid kay Menace?!

Nagalala ako kung nasan na ba si Menace. Di ko siya macontact! Di ko alam kung nasaang lupalop siya! Di ko alam kung ano nang nangyari sa kanya! tapos makikita ko siyang nakangiting bumuba ng sasakyan ni Haxen tapos may pa shake hands shake hands pa?! Ano yun?! Nanginig ang buong sistema ko sa nakita ko! Gusto kong sapakin lahat ng taong nakikita ko dahil sa inis ko.

Alam mo yung pakiramdam na halos mabaliw ka kahahanap at nagalala ka sa taong mahalaga sayo tapos makikita mo yung taong yun na masaya at may kasamang iba? Tangina ramdam ko yun right now!

Pero wala akong nagawa kundi mapailing nalang. Naglakad ako papuntang elevator. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero di ko pinansin. Ayaw ko munang makita siya. Masyado akong natakot sa kung ano nang nangyari sa kanya. At nainis ako sa kung sino ang letseng kasama niya.

Dumiretso ako sa pool area kung saan may minibar. Bumili ako ng redlabel. Gusto ko maglasing. Eto lang ang magagawa ko. Ang maglasing. Maglasing para kumalma. Maglasing para maging okay. Maglasing para makalimot at maglasing para mawala tong letseng kung ano man ang nararamdaman ko.

Pagkabayad ko ay nakita ko si Menace na lumabas ng pinto ng condo. Agad akong umalis para di niya ako makita. Baka hinahanap niya ko. Di ko alam pero may part ng puso ko na parang nagliwanag. Teka.. Hinahanap niya ako? Tsss.. imposible. Ni hindi niya nga naisip na magaalala ako sakanya tapos hahanapin niya ko. Pumunta akong condo. Dumiretso ako sa balcony at dun ko sinimulan ang paginom.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon