Kabanata 10

74 1 0
                                    

None of your Business

Pagkatapos ko magshower ay nagbihis na ako. Nakakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto. Wala na si Scion sa sofa. Baka siguro nasa kwarto niya na siya. Pumunta ako ng kitchen atsaka naghanap ng makakain. Trip kong mag cup noodles ngayon kaya yun na lang ang kakainin ko. Nagpakulo ako ng tubig at hinintay ko iyong kumulo.

Naisip ko na naman si Scion. Siguro kung okay kami ay nanonood kami ng movie ngayon. Baka naririnig ko pang tinatawag niya akong "baby". Akalain mo yun. Kahit na naiinis ako pag tinatawag niya akong "baby" ay namimiss ko. Namiss ko yung "Baby ang tagal mo naman diyan" pati yung "Baby gusto mo nito?" Atsaka yung "Baby what do you want?" "Baby where are you?" "Baby let's go home". Naknang ng teteng puro baby. Baby-Baby-Baby.

"Menace.."

"Ay baby!"

Shete! Nagulat ako ah! Pagtingin ko ay si Scion pala iyon. At alam mo kung anong wala sa kanya? T-shirt bes! T-shirt! Takte! Topless na adonis ang nasa harapan ko! Nakita ko na naman ung pandesal na bagong luto! Nagbabaga pa!

"Baby?" Tanong niya. Atsaka ulit ako natauhan ng itanong niya iyon. Nagulat siguro siya sa nasabi kong baby.

"Baby. I mean.... Baby-gwasan na kita pag ginulat mo ulit ako!" Sabi lo

"Di kita ginugulat. Masyado lang malalim ang iniisip mo."

Di ako nagsalita. Ayoko nang saguting yung mga nonsense na pinagsasabi niya. Nakakainis na oy. Sinalinan ko na nalang ng mainit na tubig ang cup noodles ko.

"Were going to pagudpud the day after tomorrow. We'll be leaving by 7am. I need to check the place kung saan itatayo iyong hotel." Sabi niya gamit ang malamig na tono. Akalain mo yun? May mas ilalamig pa yung pakikitungo niya. Waaaw!

Pero huweyt. Holy shocks! Keri ba ng powers ko yun? Halos 12 hours ang byahe papunta dun tapos magkasama kami! Okay lang sana kung okay kami kaso hindi eh!

Oh wait... Malamang may driver na kasama! Syempre almost 12 hours yun di naman kaya ni Scion iyon.

"Oh okay. Sinong kasama natin?" Tanong ko

"Wala. Just the two of us."

Huweeeeyt! Two of us? Hibang na ba? As in?! Alangan namang ako magdrive eh di ko naman alam yung daan.

"Kaya mo bang magdrive ng almost 12 hours? I suggest mas okay kung may kasama tayong driver" sabi ko.

"I've been there Menace. And I assure you, kaya ko ang magdrive ng ganoon ka tagal" he answered coldly.

Nagkibit balikat nalang ako.

"Okay then." Sagot ko

"Pack your things. Three days tayo dun." Sabi niya gamit ang malamig tono.

Nakakainis na yang way ng pagsasalita niya ah! Alam mo yung tono na parang "wala akong pakealam. Ayoko kita kausap. Napipilitan lang ako". Ganon yung tono niya! Talagang pinaparamdam niya sa akin na wala na siyang pake.

Pagkatapos ng negative three degrees temperature ng paguusap namin ay tumalikod na siya at bumalik na sa kwarto. Ni hindi man lang nag goodnight or bye. Deadma lang! Takilod lang ayun na yun. Haynako, bala nga siya diyan.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon