Kabanata 52

26 1 0
                                    

Carried Away

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makawala sa kung sinong demonyo ang humihila sa akin ngayon.

Nang makalabas kami ng venue at makarating sa garden ay binitawan niya din ako.

"Shit! Ikaw?!" Inis kong sigaw habang humahagalpak lang sa tawa ang demonyong Kairus na to!

"Bwisit ka! Ano bang trip mo ha?!" Sigaw ko sakanya pero tawa lang siya ng tawa.

"Baliw ka! Natakot ako don! Akala ko may kumikidnap na sa akin!" Sigaw ko ulit.

"Halata nga! Grabe ka pumiglas eh!" Sabi niya at tumawa ulit.

"Hindi nakakatuwa yung ginawa mo." Irap ko sakanya.

"Sorry. Nakita kasi kitang nakikiusyoso kila Scion at Steff and you look so serious kaya naisipan kong i-prank ka." He said.

"But honestly, sorry." Dugtong niya

But I am so pissed right now! Sobra akong kinabahan sa ginawa niya!

"You know what? Nakakainis ka. I won't accept you apology. Damn you!" Sabi ko at saka nag-walk out.

Kainis!

Hindi ko tuloy narinig yung usapan nila Scion! Bwisit na Kairus!

Minsan talaga, hindi na nakakatuwa yung mga trip niya eh.

Naglalakad ako papasok ng hotel. Gusto ko na umuwi. Nasira na ang gabi ko!

Pero bago pa ako makapasok ng venue ay mayroon nanamang humila sa akin

Shit! Sino na naman to! Bakit ba ako hinihila ngayong gabi?! Bwisit!

"Ano ba?! Who the hell are you!?" Sigaw ko nang bitawan niya ako.

"It's me." Scion said.

Akala ko si Kairus na naman eh!

"Oh.. I thought you were... nevermind. Anyways, sorry for shouting." I said.

"Bakit naman kasi kailangan mo akong hilahin?" Tanong ko.

"Sorry. I just want some private time with you." He said then tucked a few strand of my hair behind my ear.

"Miss mo naman ako agad..." I said then smiled.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot ako. He's now standing behind me. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Naramdaman ko rin na he kissed the side of my head.

"Let's go somewhere?"

"Why?"

"I told you, I want a time with you."

"Ngayon agad?" Tanong ko.

"Yeah. Let's use our time wisely." He said then smiled bago hinatak ako paalis ng venue.

Habang nasa sasakyan at bimubyahe ay tinext ko si ate na umalis ako.

I really don't have any idea kung saan kami pupunta. Paakyat ang dinadaanan namin. I could see the city lights.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon