Kabanata 19

59 1 1
                                    

May Drugs Ba Yan?

"Mommy! Kinikiliti ako ni kuya oh!" Sigaw ng isang bata.

"Im coming Alexandrine!" Sabi ng isang batang lalaki.

"Aaaaaah!" Sigaw ulit ng batang babae.

Nasa beach sila. Isang pamilya. Masayang pamilya.

"Raiden! Tigilan mo nga si Andrine!" Saway naman ng isang batang babae.

Kumain silang sabaysabay. Masaya sila.

"Menace"

Napadilat ako ng aking mata. Nakita ko si Scion. Nananaginip pala ako. Ang weird ng panaginip ko. Tapos ang blurred pa. Psh.

Umayos ako ng upo. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lugar. Isang sobrang pamilyang lugar.

"Ohmy gosh!" Napasigaw ako.

Nakapark ang kotse ni Scion sa harap ng bahay namin ni Lola! Nanaginip na naman ba ako? Kinurot ko ang sarili ko.

"Ouch"

Omg! Totoo! Nandito kami!

Tumingin ako kay Scion. Nakangiti siya sakin.

"Surprise baby!" Sabi niya.

Napayakap ako sa kanya. Ohmygosh!

"Paano mo nalaman ang bahay namin? Oh my gosh! I cant believe this!" Natutuwa kong sabi.

"I have my ways Menace." Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.

Agad akong bumaba. Makikita ko na si Lola ulit! Oh my gosh! Ano kayang magiging reaksyon niya pag nakita niya ako? Gaaaaash! Di ko maimagine. Baka she'll freak out!

Narinig kong sumara amg pinto ng kotse ni Scion. Nilingon ko siya.

"Tara na." Sabi ko sakanya.

Scion's POV

Kitang kita ko ang ngiti at saya na hindi matago ni Menace ng nakita niyang nandito kami sa harap ng bahay ng lola niya.

"Ate Menace!" Dinig ko. Napalingon ako. Isang batalyong mga maliliit na bata ang tumakbo palapit kay Menace. Medyo madumgis sila dahil siguro sa paglalaro. Sinalubong ni Menace sila ng isang yakap.

"Ate namiss ka namin!" Sabi nila.

Tinignan ko si Menace. Medyo narumihan ang damit niya dahil sa mga bata pero di niya iyon naisip. Nakita ko na sobrang saya niya.

"Namiss ko rin kayo!" Sabi ni Menace atsaka sila ulit niyakap. Kung titignan ay malapit talaga si Menace sa mga bata.

"Ay! Sabi ko sa inyo wag kayo maglalaro ng lupa diba? Tignan nyo ang dungis niyo na. Nakalimutan niyo na ata ang bilin ko sa inyo." Sabi ni Menace atsaka nagpout. Ang cute niya lang. Akala mo pati siya bata.

"Hindi po!" Sabi ng isang bata.

"O sige ano yun?" Tanong ni Menace.

"Palaging maghugas ng kamay at maging malinis sa sarili!" Sabay sabay na sabi nila.

"Para?" Tanong ni Menace

"Para hindi magkasakit!" Sagot ulit nila. Nakakatuwa sila. Nakangit lang ako sakanila.

Nakita ko na lumapit iyong isang bata at may binulong kay Menace. Napatingin naman sa akin si Menace.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon