Chapter 5

79 12 3
                                    

"Oh, Mau? Nagmamadali ka atang bumaba?" Salubong sa akin ni Ai pagbaba ko ng hagdan mula sa kwarto ni Euan.

"Uuwi na ko."

"Eh? Sayang naman outfit natin tas uuwi ka agad? Maaga pa uy."

"Sorry Ai." Tinalikuran ko na siya para makauwi na ako kaagad. Baka hindi ako makahinga kapag mananatili pa ako dun. Di ko kakayanin.

Drinive to ulit ang kotse ko pabalik sa bahay. Agad kong hinagis ang bag at napahiga sa sofa. Napabuntong hininga ako.

"Ang laki ng problema mo ah."

"Oh? Ba't gising ka pa?" Tanong ko sa bata. "Bawal ang nagpupuyat bata. Di ka tatangkad niyan naku."

"Hindi ako nagpupuyat," sabi niya at umupo sa tabi ko. Inayos ko ang upo ko. "Gusto mo pag-usapan natin iyan?"

Napaisip ako kung sasabihin ko sa kaniya. Eh hindi naman maganda kapag nagsasabi ng problema sa bata, eh wala pa silang alam at wala silang maipapayo sa atin kapag sa kanila pa sabihin. Baka tawanan lang nila tayo at bigyan pa tayo ng lollipop na puro laway.

Pero, iba naman siguro 'tong batang 'to?

"CHEERS bata..." Matamlay na sabi ko sabay cheers sa aming hawak na baso. Yung baso ko may alcohol, sa kaniya naman baso na may gatas. Andito kami sa rooftop at nag-tatagay.

Nilagok ko ang lahat ng laman sa baso ko saka nagsalita. "Nakipag hiwalay na sa akin si Euan." Pinahid ko ang basa kong labi gamit ang likod ng palad ko. "Nakipaghiwalay siya kasi aalis daw siya papuntang US para mag-aral. Ang sakit. Ang sakit sakit."

Pinuno ko ulit ang baso at nilagok. Yung sa bata naman, dahan-dahan lang niyang iniinom ang gatas niya.

"Diba sabi mo may mga lalaki pang dadating sa buhay ko? Hindi ko naman inasahang ganito makipag hiwalay sa akin ni Euan."

"Pwede bang sa susunod kung makipag hiwalay man sila saakin dapat mawalan na ako ng pagmamahal sa kanila, para hindi naman ganito kasakit."

"Pero ang haba na ng two years, bata! Tas yung isang taon na niligawan ako!"

"Oo, naging pa-hard to get ako pero hindi naman siguro yun ang dahilan kung bakit di na niya ako mahal diba? Kung iniisip niya na pinahirapan ko siya ng isang taong panliligaw sa akin, bakit umabot pa ng dalawang taon? Kung pwede namang prinangkahan na niya ako bago ko siya sinagot?"

"Anak ng! Mga lalaki talaga!"

"Wag mong lahatin." Sabi niya.

"Wala akong sinabi." Reklamo ko. "Mga lalaki talaga—Iba... Iba-iba sila dapat hindi ko dapat lahatin." Palusot ko. "Bakit? Parang pare-pareho lang naman sila bata ah!"

Hindi siya umimik. Lumagok nalang ako sa alcohol na nasa baso ko.

"Psh... Hindi naman ako manhid para hindi masaktan. Sana maisip niyang nasaktan ako ng sobra. Sana pumunta siya ngayon para mag-sorry."

"Kung pupunta siya ngayon. Promise papatawarin ko kaagad siya. Bumalik lang siya sa akiiiiiiinnnn"

"Kunin mo na ang lahat sa akiiiiinnnn... Wag laaannngg... Ang aking mahaaaaall" pumikit ako para madama ko ang lyrics ng kinakanta ko. "Alam kong kaya mong paibigin siya, sa akin maagaw mo siy—teka!" Napadilat ako at tinignan ang bata na inosenteng nakatingin sa akin. "Baka may iba na siya? May iba na siya?! May iba? Iba?"

Narinig ko siyang tumawa. "Baliw."

"Uy! Hindi ako baliw!" Kumikibot kibot ang labi ko at sumisinghot singhot. "Baka may iba na nga siya... Ang sakit. Ang sakit sakit..."

Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon