Chapter 11

61 8 0
                                    

Nagriring pa rin ang phone ko kaya sinagot ko kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"Maurize... You sure you're really okay?"

Tinignan ko ang screen kung sino ang caller. Si Rilch pala. "Ah... Ha? Okay lang naman ako." Medyo kumikirot lang ang ulo ko at kumakalam ang tiyan. Tinignan ko din ang suot ko at napagtanto kong ito yung sinuot ko nung nag coffee kami ni Rilch sa Khav's. So totoo yun at hindi panaginip?

Narinig ko ang paghinga ng maluwag niya sa kabilang linya. "I'm very worried about you... Hindi mo din sinasagot mga tawag ko."

"Naku sorry nakatulog kasi ako..." Paliwanag ko habang kumakamot ako sa braso at sa batok ko.

"Yung sinabi mo kanina ha? Bukas ha?"

"Ha anong buka-" napatingin ako sa screen ng phone ng narinig ko ang pagputol ng linya. May sinabi ba ako kanina sa kaniya nung nasa coffee shop pa kami? Wala naman akong maalala ha?

Basta ang huli kong naalala ay may tinanong siya sa akin ng kung ano.

Nahilo ako pagtayo kaya humawak agad ako sa gilid ng kama at napabalik sa pag-upo. Ilang segundo pa bago ako nakatayo ulit ng maayos.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko ang bata na nanonood parin ng cartoons. Halos lumuwa ang mata ko nang makitang 9pm na. Kaya pala masakit ang ulo ko dahil wala pa akong kain. Kumakalam na yung tiyan ko.

"Ilang oras ba ako nakatulog, bata?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

"Huy." Tawag ko ulit.

"Bata."

"Boy."

"Bulilit."

"Bat-" ito na siguro yung oras na bibigyan ko siya ng pangalan.

At ano naman ang ibibigay? Yung mga sinuggest ni doc sa akin?

Cabinet?

Rocket?

Shuttle Cock?

"Anakis." Nasambit ko nalang. Ganun nalang ang gulat ko nung nilingon niya ako at tinignan ng nagtatakang mga mata.

"Anong anakis?"

"Ay? Hindi mo alam yun?" Akala ko ba alam niya lahat? Naglakad ako papalapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Ang tibay niya hanggang ngayon nanonood parin siya ng cartoons. "Gay language yun, meaning anak ko. Narinig ko yun dati sa mga kaibigan kong bakla sa parlor." Paliwanag ko. Binalik niya ang tingin sa TV.

"Tss. Gagawin mo pa kong bakla." Sambit niya. Aba! Ang gusto ko lang naman eh unique yung ipapangalan ko sa kaniya!

Eh naisip ko lang naman yun kasi wala pa akong permanenteng ipapangalan sa kaniya. Yung pangalan talaga na ilalagay sa birth certificate. Kaya anakis nalang muna.

"Ay basta." Sabi ko. "Anakis na ang itatawag ko sa iyo magmula ngayon. Wag ka nang umangal dahil ako ang ina mo."

Ang sarap pala sa pakiramdam.

Ang maging ina?-WRONG!

Masarap sa pakiramdan na ang superior ko at tinake advantage ko ang pagiging matanda sa kaniya, para wala siyang magawa para kumontra.

"Ewan ko sa'yo." Yun nalang ang nasabi niya.

"Anakis, ilang oras ba ako nakatulog?" Pag-uulit ko sa tanong. "Kumain ka na ba?"

Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon