Chapter 10

69 9 0
                                    

Linggo ngayon, at inaya ako ni tita na mag jogging kami kaya 5:30 am umalis na ako ng bahay para pumunta sa bahay niya. Siyempre nagluto ako at nag-iwan ng pagkain para sa bata para pag gising niya may pagkain na siya sa mesa.

"Hi tita how are you?" Tanong ko kay tita Lyra saka nagbeso sa kaniya.

"I'm fine naman Mau, anak. Ikaw ba?"

"Okay lang din po."

Anak ang tawag sa akin ni tita, ang alam ng mga kakilala niya eh adopted niya ako. Hindi ko kailanman binanggit ang tungkol kay mama maliban lang kela Ai at Keil, alam nilang nasa mental si mama. Pero hindi ko binanggit ang tungkol kay papa kahit kanino. Ayoko lang ng gulo sa pamilya ni papa. Tahimik naman ang buhay ko kahit hindi ko siya kasama.

"Pumunta ka ba sa party kagabi anak? Hindi kita nakita dun."

"Naku tita sorry." Hinawakan ko sa bewang si tita habang papasok kami sa bahay. "Dumiretso kasi ako dun sa VIP Hall. Masyado po akong nag-enjoy."

"Okay lang. Good to know nag enjoy ka. Naku hindi ko din pala nabibisita si ate," tukoy niya kay mama. "Kumusta na pala siya?"

"Maayos lang po. Gusto na nga po daw niyang umuwi pero hinihintay ko yung desisyon ng doktor niya."

"Sana gumaling na siya ng tuluyan." Sabi niya. Masakit man para sa amin na isipin na nagkaroon ng sakit si mama sa pag-iisip, ginawa ni tita iyon para sa kapakanan ko. "Kukunin ko lang yung tumbler ko sa kitchen then start na tayo mag jogging, okay?"

"TITA, pwede ka bang magkuwento tungkol sa love life mo nung kabataan mo pa?" Banggit ko habang sabay kaming nagjo-jogging dito sa loob ng subdivision ng bahay niya.

"Sige, halika pahinga muna tayo..." Aya niya kaya tumigil kami at umupo sa isang bench sa isang park. "Naku, Maurize anak, kung alam mo lang ang dami kong naging nobyo dati..." Sabi niya at uminom muna ng tubig bago magsalita ulit. Uminom din ako ng tubig sa dala kong tumbler. "Kasi feeling ko ang pangit ko kapag wala akong boyfriend?"

Nasamid ako. "Eh?" Ngayon wala na akong boyfriend so papangit na din ako? "Ang ganda mo kaya tita. Lalo na ngayon kahit wala kang boyfriend."

"Naku..." Napatawa siya. "Magte-trenta na ako anak, matanda na. Papangit din ako."

"Hay naku hindi iyan totoo tita," inakbayan ko si tita at sabay naming minamasdan ang tahimik at malamig na paligid. "Magaganda lahi natin noh. At tsaka mahaba pa naman ang panahon para hanapin si mister right diba po?"

"Tama ka." Sang-ayon niya. " At tsaka choose the right one, yung makakasama mo at mamahalin mo habang buhay."

Parang sinabi na din iyan ng bata nung una naming pagkikita.

"Nung high school pa ko," panimula niya sa pagkukwento. "Una kong boyfriend noong 3rd year college ako. Madami akong naging boyfriend sa isang taon anak." Amin niya sabay tawa. "Kung sa kapanahonan mo na anak, ako na yata ang pambansang playgirl. Haha!"

"Bakit, ilan po naging boyfriend niyo sa isang taon?"

"Hindi naman lalampas sa bente. Joke lang!" Tumawa siya. "Mga sampu hanggang kinse, lang naman anak." Proud na sabi niya. " Parang halos lahat ng lalaki sa campus na-boyfriend ko na ata. Pero last boyfriend ko nung nag 2nd year college ako. Yung last boyfriend ko kasi, yun yung sineryoso ko. Crush ko kasi siya nung freshmen pa kami. Kaya dream come true nung naging boyfriend ko siya ng tatlong buwan lang. Pero atleast nag tatlong buwan kami ah!"

Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon