Inilapag ko ang minion stuff toy na nakuha ni Ai para sa akin sa tabi ng bata na natutulog na ngayon. Inayos ko ang kumot niya at hinila pa kaunti paitaas para matakpan pati ang leeg niya.
Hindi ko pa pala siya nabibigyan ng pangalan.
"Promise. Bukas nalang." Bulong ko sa sarili. Pinatay ko ang switch ng ilaw ng kwarto niya saka lumabas at para makatulog na ako.
"BIBLE names."
"Ezekiel."
"Daniel."
"John."
"Simon."
"Peter."
"Hmm... Parang di naman bagay sa kaniya." Komento ko. At parang puro tungkol sa pag-ibig ata ang memoryado nun at hindi mga bible verses.
"Common names."
"Nico."
"Mike."
"Gerald."
"Kim."
"Justin."
"Unique names."
"Nephets. Baliktad ng Stephen."
"Nomen. Latin word for 'Name'."
"Beloven. Middle English of 'Love'"
"Bullet."
"Trigger."
"Rocket."
"Net."
"'Wag nalang po, doc. Baka yung sunod niyan eh cabinet." Grabe naman kasi mag suggest ng unique names si doc yung mga parts na ng isang gamit.
Pumunta pa akong ospital at bisitahin ang isang physician na kaibigan ni tita. "Parang wala naman akong bet sa mga sinuggest niyo po."
Tumawa siya. "Ay dahil wala ka pa namang anak, Maurize." Sabi niya. "Pag nagkaroon ka na ng baby, walang dudang makakaisip ka kaagad ng ipapangalan sa kaniya."
"Talaga po?" Sabi ko. "Gusto ko po yung unique. Pero hindi cabinet ah."
"Haha sige. Basta let me know kapag may good news, okay?"
"Anong good news? Sa akin po?" Tanong ko. "Ang aga ko pa para sa good news doc. Si tita muna hintayin natin para sa good news niya."
"Yeah, you're right Maurize. Magte-trenta na siya pero wala pang napapangasawa. Ikumusta mo nalang ako sa kaniya ha?"
"Sige po." Sagot ko. Tumayo na ako at nagpaalam kay doc na aalis na ako. Binigyan niya pa ako ng isang pocket book na may laman ng mga names na pwedeng ipangalan sa baby.
Bago ako dumiretso pauwi ay dumaan muna ako sa mental flat. Masaya akong binati at niyakap ni mama nang makita niyang binisita ko siya.
"Kamusta ka dito ma?" Iyan ang lagi kong tinatanong sa kaniya kapag binibisita ko siya dito.
"Maayos lang ako dito, anak." Sagot niya. "Ang sarap ng pagkain namin kahapon. Madami! Mayroong sabaw ng baka, pansit, lumpia, gulay, at prutas!"
"Talaga? Bakit ano pong meron? May birthday ba?"
"Oo anak. Birthday ng doktor ni Libeth. Kilala mo si Libeth? Yung palagi kong kasama at lagi kong nakakausap?"
BINABASA MO ANG
Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018
RomanceSi Maurize Alcante, isang independent socialite na walang inaatupag kundi ang magparty. Suki ng clubs at bars iyan. Hanggang dumating ang isang batang anak 'raw' niya, at binigyan siya ng misyon na hanapin at piliin ang lalaking mapapakasalan niya n...