Monday. Kakapasok ko lang ng campus nang makita ko si Aieesa kaya tumakbo ako papalapit sakaniya. "Ai!"
Si Aiessa Pamplona, Ai for short, isa sa mga bestfriend ko since highschool pa kami. At hanggang ngayon na graduating na kami sa college. Clingy siya na hindi kami mapaghiwalay dalawa. But I take that attitude of her as a positive one. Siya din kasi ang laging nagmomotivate sa akin at napakasupportive.
"Oh, Mau!" Bumeso siya sa akin paglapit ko. "I was worried last saturday. Bigla ka nalang nawalan ng malay. Or siguro dahil sa kalasingan mo yun."
Ah! I remember, andun din pala siya sa party with us sa club "Oo nga eh. Anyway, sino pala ang naghatid sa akin kagabi? Di ko maalala eh."
"Tsk tsk. Naparami kasi nainom mo kagabi. Si Nite ang naghatid sa iyo. Hmm... As expected from a gentleman." Sabi niya at napa iling ng mahina, "Buti nga andun siya dahil pag nagkataon na wala siya, tapos ayun wala din boyfriend mo, edi wala. Siya lang yung lalaki nating kasama dun eh. Lasing na din yung mga blockmates natin na babae."
Napabuntong hininga ako. "Nakita mo ba siya? Para makapagpasalamat naman ako."
"Mamaya nalang lunch time. Sabay tayo."
"Sige sige. Ano ba pwede kong ibigay sa kaniya? Chocolates? Bulaklak? Ano kaya Ai?" Biro ko.
"Ano yan? Liligawan mo si Nite? Haha bakit mo naman siya bibigyan ng ganiyan?"
Nagkibit balikat ako "alam mo na, utang na loob."
Batchmate namin si Nite del Miguel. Engineering ang course niya while kami ni Ai is Interior Designing. Yes, pareho kami ng kinuhang course ni Ai kasi nga, hindi kami mapaghiwalay dalawa. Nakilala namin si Nite sa club when we celebrated my boyfriend's birthday, Euan Saavedra. And engineering din ang course si Euan kaya di nako nagtaka why Nite was there.
"Sige nga," pinagkrus niyaang braso niya at hinarap ako, ano na naman trip ng babaeng to? "Ano ba english ng utang na loob?"
"Uh..."napaisip ako. "Debt inside?" Kunwaring sagot ko.
Tumawa siya at inakbayan ako, "Wala ka. Di ka magiging dean's lister niyan."
Teka, at tinanggap niya talaga ang sagot ko ha? Anak ng! "Minamaliit mo ba ako, ha, Ai? Alam ko kaya ano english nun!" Sabi ko at hinawakan ang bewang niya habang nakaakbay parin siya sakin, sabay kamingnaglakad sa hallway papunta sa classroom, "Debt of gratitude yun."
"Alam ko na sasabihin mo iyan. Haha! Tara na nga baka papunta na si Prof sa room natin. And, dont bother giving something to Nite as a debt of gratitude. Alam kong sasabihin nun na maliit na bagay lang yun. Baka ma misunderstood pa pag makita ng boyfriend mo."
"Eh hindi naman seloso yung si Euan, Ai."
"Kahit na." Kinurot niya ang ilong ko.
PAGKA patak ng tanghali, pumunta kami ni Ai sa food court ng school para kumain na ng lunch. Alam din naming dito naglalunch si Nite kaya hinanap namin kung saang table siya kumakain pagkapasok namin. "Ayun siya oh. Tara."
"Hi Nite." Bati ni Ai kay Nite.
"Oh, hi Aiessa and Maurize! You girls look more beautiful today."
"Sus! Ikaw talaga Nite, puro pambobola." Sabi ni Ai. "Share kami ng table sayo ha? Oorder muna ko dun."
"Sure Aiessa." Nagngitian silang dalawa saka naglakad si Ai papunta sa mga nakahilerang pagkain. "Nga pala. How are you Mau?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018
RomanceSi Maurize Alcante, isang independent socialite na walang inaatupag kundi ang magparty. Suki ng clubs at bars iyan. Hanggang dumating ang isang batang anak 'raw' niya, at binigyan siya ng misyon na hanapin at piliin ang lalaking mapapakasalan niya n...