"Shot pa!"
Umaalingawngaw ang malakas na kabog ng mga speakers sa buong sulok ng club. May Nagsasayawan, may tipsy na, may naghahalikan pa. Ako bilang suki ng mga club, sanay na ako sa mga scenariong to.
i'm Maurize--, and yes, im a party girl. This is my life, shot dito, shot doon. Sayaw dito, sayaw doon. Cycle ko yan everytime with the loud booms inside the club.
"Mau! Sige pa!" Alok ng babaeng classmate ko na party-goer din kagaya ko.
"Sure!"
"Hey Mau!" Si Nite, schoolmateko, lumapit sa akin at inilapit ang bibig niya sa tenga ko, "Asan boyfriend mo? He didn't come?"
Nagkibit balikat ako, "He's busy daw with some stuffs. Ngayon lang naman niya ko tinanggihan so pinagbigyan ko siya." Sigaw ko din sa tenga niya para magkarinigan kami.
Inalok niya ko ng isa pang shot ng whiskey at ininom ko naman. "Mind if you dance with me?" Tanong niya. Tumango ako at pumunta kami sa dance floor para sumayaw.
"Ang ganda mo tonight, Mau."
Hinampas ko siya ng mahina, "Hindi naman. Haha!"
"Haha ikaw talaga. Napaka humble. Anyway. Can I ask you a favor?"
"Hm? What favor ba?"
"Gusto kong asdfghjklzxxcbnmmqttuioo----------
*Riiiiiiiiing*
Napabalikwas ako at tinignan ang buong paligid saka inis na hinagis ang alarm clock. Andito ako sa kwarto ko. Teka, panaginip lang ba yun?
At dahil biglang kumirot ang ulo ko, masasabi kong hindi panaginip ang nangyari kagabi. Anak ng! Naparami ata yung nainom ko kagabi!
Tumayo na ako at hilong lumabas ng kwarto ko nang napatakbo ako diretso sa banyo para sumuka.
Bwaaaakkk!! Uwaaaak!
Pagkalabas ko ng banyo, napatingin ako sa orasan. 10:45am na. Waw. Anong oras ba ako nakauwi? At sino ang naghatid sa akin? Ba't wala kong maalala?
Tinignan ko ang kabuuan ng sala, andun sa sandalan ng sofa yung jacket ko, nasa may maindoor yung bag, nasa center table yung sandals, yungartificial flowers ko nagkakalat sa sahig. At may batangnakaupo sofa--- wait, bata? BATA?
"Waa!" Napatalon ako sa gulat nang makitang may bata nga. Batang lalaki. At base sa laki niya tigin ko 3 years old na siya.
"Uy bata, asan nanay mo susko. Halika nga, iuuwi na kita sa inyo," baka magwala pa dito madodoble pa ang liligpitin ko 'pag nagkataon.
Hinawakan ko siya sa kamay at hilahin pero nagpupumiglas siya. "Woy, nagkamali ka ata ng bahay na pinasukan bata. Halika na idudulog kita sa sekyu para mahanap ka na ng nanay mo."
"Tumahimik ka babae. Anak mo ko"
A-ano?
A-anak ko? Wala akong matandaang may pinagbubuntis ako at? W-wait. Three years old? Ang tulin magsalita ha? Ano ba tong nilalang na 'to?
"Woy, bata, sigurado ka bang anak kita?"
"Ba't ayaw mong maniwala babae?"
"Aba! Grabe ka makapagsalita kala mo magkaedad tayo? Imposible naman kasing anak kita eh hindi naman ako nabuntis, di ka naman galing sa sinapupunan ko!"
Napabuntong hininga ang bata, halatang stressed. "Anak mo nga ko. Basta yun ang paniwalaan mo babae."
"Eh kung anak kita, sino tatay mo?"
"Yun ang aalamin mo. Kung SINO ang tatay ko."
Lumaki ang butas ng ilong ko. "Huwaw. Ano to, quest? May misyon ako? Missing tatay mo? Alam mo bata, tama na yang kahibangan mo, umuwi kana kung saang lupalop o kasulok-sulokan ng mundo ka galing. Shoo! Allergic ako sa bata!"
"Waw. Eh dun din naman ang bagsak mo. Magiging nanay ka na."
"Oo, magiging nanay ako kasi babae ako, pero ang aga pa noh di pa nga ako nakakagraduate. Ata tsaka alam mo," kinamot ko muna ulo ko saka siya tinuro, "Kung gusto mo hanapin tatay mo doon ka sa police station pumunta! Magpaprint ka ng fliers na nawawala tatay mo! Naiistress ako sayo alam mo ba? Bigla ka lang susulpot dito na parang kabute tas mag cclaim ka na anak kita? Anak ng! Alis na!"
Imbes na pakinggan ako, prente pa siyang umupo sa sofa. Huwaw kala mo boss. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo makikita ang tatay ko. Or should I say, saka ako aalis kapag napili mo ang tamang lalaki na mapapakasalan mo at ibigin mo habang buhay. Na siyang tatay ko."
Tiignan ko siya na nawiwirduhan sakanya. San ba galing ang batang to? Ang wirdo niya, sa liit niyang iyan, napapa english pa siya ha?
Parang matigas ang ulo ng batang ito pero sige nga, sakyan ko nalang kahibangan niya kesa itapon ko to sa may kanto, baka may makakita pa sa gagawin kong pagtapon irereklamo pa kong child abuse "O sige, ano bang alam mong bata ka?"
"May ilang lalaki ang dadating sa buhay mo,"
"Ilan ba?"
"Hm... hindi naman lalampas sa sampu,"
Hindi lalampas ng sampu? So may chance na siyam ang lalaking darating sa buhay ko? Anak ng! Ang dami! "At isa dun ang tatay mo?"
"Tumpak." kumuha siyang crayola mula sa bulsa niya at nagkulay sa isang pirasong papel na nasa table, "I'm here to guide you who the guy you'll end up with, and if you chose the right one, ako ang magiging anak niyo. But if nah, tutulad ka sa nanay mo."
"Tutulad ako sa nanay ko?"
"Hm,having a broken family." Tumayo diya at lumapit sa akin, "Just act normal, but chose the right one. I repeat, the right one." Naglakad siya lampas sakin at binuksan ang pintuan na kelangan niya pang tumingkayad para mapihit ang doorknob, "Nasa paligid lang ako babae."
"Wait, ano ka ba talaga, bata?" Baka alien siya or engkanto,or nagha-hallucinate lang ako?
"Anak mo nga."
Eenie meenie miney mo, sinong tatay ng batang 'to?
BINABASA MO ANG
Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018
RomanceSi Maurize Alcante, isang independent socialite na walang inaatupag kundi ang magparty. Suki ng clubs at bars iyan. Hanggang dumating ang isang batang anak 'raw' niya, at binigyan siya ng misyon na hanapin at piliin ang lalaking mapapakasalan niya n...