"Once upon a time, there was a princess named Maurize."
"She lived in a house, alone, and she felt lonely, not until he met a prince named Euan."
"She felt loved by her prince."
"But one day— he broke—"
"You met a little boy that said he's your son." Singit ni mama sa kuwento ko.
"H-huh?"
"Yung bata na kasama mo ngayon, anak mo yun, diba?"
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na nagmumula sa bintana kong naka-bukas.
Napabalikwas ako ng may marinig akong nagpiprito sa kusina. Anak ng. Wag niyong sabihing marunong nang magluto ang bata?
"Oh, good morning, Mau." Bati ni Keil na naka uniform na pero may suot na apron. Siya pala ang nagluluto sa kusina.
"Good morning, Keil."
"Sorry, hindi ako nakapagpaalam na puntahan ka rito, gusto ni Ai na i-check kita eh."
"Ganun ba... Salamat Keil ha?"
"No problem, Mau. Anything." Sabi niya saka ngumiti ng matamis. Napangiti din ako.
Asan na ba yung bata? Hindi pa ba nagigising?
Chineck ko ang kwarto niya at walang batang tumambad sa akin sa loob ng kwarto. Ayy? Umalis? Nakichika ata sa kapitbahay?
"Sabay na tayong pumasok, Mau."
"Sure." Sabi ko sabay sara ng pintuan ng kwarto ng bata. "Maliligo na ko."
"Sige. Hihintayin kita."
Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniform, sabay kaming kumain ng breakfast. Sunny side egg and ulam namin.
"About nung break up niyo... Ayos ka lang ba?"
"Hm?" Nanatili ang kutsara sa bibig ko. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko saka nagsalita, "A-ayos lang. Ayos lang."
"Hmm... Sana tuluyan nang maayos. Ayokong dumating ang araw na di mo kayanin ang sakit na nararamdaman mo. Basta andito lang kami ni Ai ha? Lagi kaming nasa tabi mo. Wag mong kakalimutang lapitan kami sa oras ng problema."
"Oo naman. Maaasahan ko kayong dalawa." Sabi ko. "Galingan mo din ang pagpractice ng soccer para hindi matambakan ang team niyo. Sige ka."
"Oo na. Hahaha. Kain pa." Tumango ako at sumalok pa ng kanin.
Pagkatapos naming kumain, ay inoobserbahan ko si Keil na inaayos sa pagkakasuot ang uniform niya. Pati yung bag niya pang-training inaayos niya.
"Nagcommute pala ako papunta rito," sabi niya. Tumayo na ako para makaalis na kami.
"Naku walang problema iyan Keil may kotse naman ako."
"Ako magda-drive."
"O sige." Ni-lock ko na ang main door at binuksan ang gate. Inilabas ni Keil ang kotse saka ko sinara ang gate at sumakay.
Pagdating namin sa school, sumalubong sa amin si Ai na tumatakbo papalapit sa amin
"Mau, tignan mo to," hingal na sambit niya. May pinakita siya sa aking article at ito ay tungkol sa amin ni Euan.
An open letter to Maurize Alcante.
"Tama nga kayo. Lumabas sa school paper. And guess what?" May tinuro siyang mga letra sa ilalim ng Article title, yung kung sino ang nagsulat ng article na iyon. "Si Euan mismo ang nagsulat."
BINABASA MO ANG
Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018
RomanceSi Maurize Alcante, isang independent socialite na walang inaatupag kundi ang magparty. Suki ng clubs at bars iyan. Hanggang dumating ang isang batang anak 'raw' niya, at binigyan siya ng misyon na hanapin at piliin ang lalaking mapapakasalan niya n...