Minsan lang humingi ng favor sa akin si Keil. O kahit kay Ai. Kasi kaming dalawa ni Ai yung madalas humigingi ng pabor sa kaniya. Sa pagbisita sa bahay, sa pagdadala ng pagkain, sa paghingi ng tulong, sa pakikipagkita, except kapag sa soccer niya at pag-aaral hindi namin siya pwedeng istorbohin nun.
Minsan na nga lang humingi ng pabor sa akin si Keil, hindi ko pa nagawa.
"Oh, anakis, may dala ako para sa'yo." Matamlay na salubong ko kay Anakis na nanonood ng TV, inilapag ko ang isang malaking plastic bag na puno ng strawberry flavored foods. Nakita ko ang pagkinang sa kaniyang mga mata.
"Para sa akin ba talaga 'to?" Tanong niya na may ngiti sa labi.
"Oo naman. Di ba iyan yung request mo..." Gustuhin ko mang ngitian pabalik si anakis pero parang hindi ko magawa. Nalulungkot ako. Tinulungan ko siyang buksan yung plastic bag at hinayaan siyang pumili kung ano ang una niyang kakainin. Naglabas siya ng dalawang strawberry yogurt at binigay niya sa akin yung isa. Tahimik kaming kumakain habang magkatabing nakaupo sa harap ng TV.
"Anakis... Ano yung mafi-feel mo kapag nagrequest ka sa isang tao na gawin ang isang bagay pero hindi niya yun nagawa?"
"Hmm..." Nilunok niya muna ang laman sa bibig niya bago magsalita. "Siyempre madi-disappoint. Parang sa pagmamahal lang din iyan sa isang tao. Umaasa ka na mamahalin ka niya pero hindi naman niya ginawa. Kasi hindi ka niya mahal. Or should I say, mahal ka nga, pero hanggang kaibigan lang."
"Ouch." Hindi man ako nakaranas na hindi mahalin ng mahal ko pero ako yung nasaktan kung sino man ang nakaranas ng ganun.
"Bakit mo pala natanong?" Tanong niya at tinignan ako.
"Ah... Yung bestfriend ko kasi..." Sabi ko. "Nagrequest siya sa akin ng isang bagay pero hindi ko ginawa."
"Kaya ka ba malungkot ngayon?"
Tinignan ko siya at nagtitigan kami ng ilang segundo. Masyado atang halata na nalulungkot ako. Humaba yung nguso ko. "Nadisappoint ko kasi si Keil. Umasa siya sa akin na makikipagkita ako sa kaniya pero hindi ko siya sinipot."
"Nakakalungkot nga iyan." Sambit niya. "Dahil hindi mo nagawa yung request niya."
"Kahit may valid excuse ako?"
"Ano naman ang valid excuse mo?"
"Na... Nakalimutan ko." Una, nakalimutan ko yung request ni Anakis. Pangalawa, nakalimutan ko yung kay Rilch na hindi ko naman maalala ang napag-usapan namin. Pangatlo, yung request ni Keil. Yung sa last practice, tumanggi ako. Yung makikipagkita after practice. Um-oo nga ako, nakalimutan ko naman.
Um-oo ka nga, ulyanin naman.
"Nagiging ulyanin na ba ako, Anakis?" Tanong ko. Sana sa susunod wala na akong makalimutan. Hindi kaya maganda na bata pa ako ulyanin na.
"Parang malapit na." Nakangising sagot niya. Aba nang-aasar ata 'tong batang 'to.
Bumintong hininga ako. Bibili nalang ako ng gamot pang memorya. Mahirap na baka magka alzheimer's ako o di kaya'y selective amnesia. Joke, wag naman sanang mangyari yun.
Kinabukasan, nagbihis kaming dalawa ni Anakis dahil isasama ko siya sa pagbisita kay mama. Napagdesisyunan ko ding mag commute nalang kami dahil kasama ang plate number ko sa bawal i-drive sa high way. Mamaya pa namang hapon ang schedule ng class ko kaya may time pa kaming makabisita kay mama.
Kasama ang iba pang mga tao, andito kami sa dulo ng pedestrian lane para maghintay na mag stop light at makatawid na kami. Hawak hawak ko si anakis sa kanang kamay ko. Hindi pa man kami nakakatawid ay may dumaan na sasakyan na may karatula ng tumatakbong kagawad sa isang barangay.
BINABASA MO ANG
Anak Ka ng Tatay Mo #ASAward2018 #TOA2018
RomanceSi Maurize Alcante, isang independent socialite na walang inaatupag kundi ang magparty. Suki ng clubs at bars iyan. Hanggang dumating ang isang batang anak 'raw' niya, at binigyan siya ng misyon na hanapin at piliin ang lalaking mapapakasalan niya n...