Chapter 1: Hot and Cold

3.7K 76 1
                                    

Hindi na alintana ni Carmela ang ingay sa loob ng bar dahil mas nakatuon ang atensyon niya sa hawak na baso , madami na rin ang naiinom niya at alam niyang sapat na iyon para magkaroon siya ng lakas ng loob.

"Do it now Carmela.." Bulong niya sa sarili , she was not in her normal stage dahil kung matino siya ay hindi niya gagawin ang kalokohang nasa isip.

Tumayo siya at naglakad sa pwesto ng apat na lalaki na kanina pa nakaupo sa isang round table sa loob ng bar. Alam niyang posible siyang mapahamak sa ginagawa pero dahil na rin pagiging broken hearted niya at idagdag pa ang tama ng alak na nainom ay nagkalakas loob siyang lumapit sa table ng mga ito. Lalo na sa lalaking na sa simula pa lang ng pumasok siya ay nakatingin na sa kanya, she was trying to ignore it ,pero kakaiba talaga ang dating sa kanya ng lalaki.

"Hello." She smile to them, nagkatinginan ang apat pero mas natuon ang tatlong lalaki sa lalaking kanina pa nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo nito saka tumayo palapit sa kanya, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan ng matama siyang tinitigan ng lalaki.

"Ikaw ba si Carmela?" Hindi niya narinig iyon kaya mas inilapit niya ang tenga sa lalaki.

"What?" Napansin niya na tinitigan lang siya ng tatlong lalaki nasa table at balak niya sanang batiin ang mga ito pero bigla na lang siyang hinawakan sa braso ng lalaking kaharap saka walang pasabi na hinatak siya palabas doon. "Hey, what is your problem?"

Nakarating sila sa parking lot ng bar ay saka lang siya binitawan ng lalaki.

Nginitian niya ito, ngayon niya lang mas natitigan ang mukha nito. Napakagwapo ng lalaki , pero kung pagbabasehan ang itsura nito at ni Dominic ,mukhang may lahing intsik ang lalaki dahil sa singkit nitong mata pero mas natuon siya sa mga labi nito. Hindi niya alam pero bigla na lang siyang napakagat sa ibabang bahagi ng labi niya.

Gosh, I'm really drunk.

"Ikaw ba si Carmela?" Nagtaka siya na napabaling sa singkit nitong mga mata.

"Kilala mo ko?" Dala ng kalasingan ay nakangiti pa siya , ni hindi siya nabahala na may kasama siyang lalaki sa isang madilim na lugar.

Isang gwapong lalaki.

"So ikaw nga." Halos magtatalon ang puso niya ng sumilay ang ngiti nito.

Oh damn! He was so hot.

"Bakit isa ka ba sa fan ko?" Alam naman niyang nagkaroon na rin ng ingay ang pangalan niya sa modeling sa Asia.

Sumilay ang isang nakakasilaw na ngiti sa lalaki, kaya lalo naman bumilis ang tibok ng puso niya.

"Pano kung oo?" Parang kuminang ang mga mata nito na tumitig sa kanya napansin niya na napatingin ito sa mga labi niya kaya naman hindi niya napigilan ang muling mapakagat labi.

"Gusto mo ba ng autograph ko?" She playfull smile saka inilapat ang isa niyang kamay sa dibdib ng lalaki , naramdaman niya na nanigas ito kaya naman napangiti siya dahil kagaya niya naramdaman niya kung gano kalakas ang tibok ng puso nito. Alam niyang alam ng lalaki kung ano ang nais niyang iparating kaya ng mas lumawak ang ngiti nito at bahagya pang lumapit sa kanya ay halos magkadikit na ang mga katawan nila ,naramdaman na naman niya na lumapat ang likod niya sa pinto ng sasakyan na hinintuan nila.

"Are you sure?" Napansin niya na kahit nakangiti ang lalaki ay may kakaiba sa mga mata nito, its like the man seriously asking.

"What do you think?" Pero dahil sa tama ng alak ay parang batang gustong makipaglaro ni Carmela sa gwapong lalaki, naramdaman niya na mas nilapit nito ang katawan nito sa kanya at ni hindi niya maramdaman na nababastos siya sa ginagawa nito , even she feels something hard poked in her belly.

I'm really out of my mind.

"Yes or no?" Tila naghahamon ang lalaki at halos magtayuan ang balahibo niya ng ilapit nito ang labi sa tenga niya kaya ramdam niya ang pagtama ng hiningan nito doon.

Alam niyang kapag-umoo siya ay hindi na siya makakaurong,pero alam din naman niya na hindi niya na magagawang umurong pa dahil bukod sa init na nararamdaman ay may kung anong kirot sa dibdib niya kapagnaiisip na ang lalaking gusto niyang siyang makauna sa kanya ay kasal na.

So ,it doesn't matter . After all gwapo naman siya . One night won't kill.

"Yes.." Pagkasabi niya noon ay mabilis na lumayo ang lalaki at agad binuksan ang pinto sa likuran niya.

"Go in." Papasok pa lang siya pero napatigil siya ng hawakan siya sa braso ng lalaki at sa gulat niya ay bigla siyang hinalikan nito, para pa nga itong nagigil na binitawan ang mga labi niya saka inalalayan siya sa pagpasok. "Just for the start."

Mapaglaro ang ngiti nito, kaya naman napangiti na rin siya.

Just enjoy it Carmela.

Just One Yes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon