Chapter 11: Honey

1.3K 49 2
                                    

Naglalakad sa hall way ng restaurant si Arvil kasama ang ilan sa mga staff at ang secretary niya ng may humarang sa kanila.

"Sir,  please po,kausapin niyo po ako. " Napahinyo siya pati ang mga kasama,  hinarap niya ang lalaki.

"May problema po ba? " Nilapitan siya nito at hinawakan ang kamay niya .

"Sir pabalikin niyo na po ako sa trabaho parang awa niyo na.  Kaylangan ko po yung trabaho ko,  tignan niyo po ito ang drawing ng anak ko. " Nilabas nito sa bulsa ang isang papel na may drawing na kung ano,  napakunot noo naman si Arvil na binalingan ang secretary niya.

"Do you know him? " Tumango ito bago lumapit sa kanya at bumulong.

"Napatalsik po siya dahil nalaman na siya pala ang nagnanakaw sa loob ng mga cubicle ng mga iba na pa po nating mga staff at nalaman din po namin na hindi lang niya dito ginawa iyon. Madami na rin po siyang records sa iba pang hotel at same cases po ang nakita sa mga records niya. " Napatango-tango siya saka binalingan ang lalaki.

"Sir,  anong pangalan niyo? "

"Berto po,  Berto Santos sir. Parang awa niyo na po,  ibalik niyo na ko sa trabaho. " Bumuntong-hininga siya, hindi siya pwedeng magdesisyon ngayon lalo na at may ganun palang ginagawa ang lalaki.

"Mr. Santos, hindi pa po ako makakapagdesisyon ngayon kung ibabalik ko kayo o hindi lalo na sa nagawa niyo. Kaylangan ko rin pong unahin ang kaligtasan ng iba ko pangtauhan pero wag kayong mag-alala sa oras na maging ayos ang lahat tatawagan po kayo ng secretary ko. "Magalang niyang saad, akala niya ay maiintindihan iyon ng lalaki pero sa gulat niya ay sumigaw ito. Naalarma naman ang mga staff doon pati ang security guard na agad na nilapitan ito para pigilan sa pagtangkang pagsugod sa kanya.

"Anong tatawagan? !Gago ka pala,  bakit papatagalin mo pa?  Ikaw naman ang may-ari nito tapos patatagalin mo pa ang pagpapabalik sakin? Kagaguhan! " He stay calm,hinayaan niya na ang mga tauhan na umistema sa lalaki. Mukha kasing hindi rin ito makikinig pa sa kanya base sa pagsigaw nito at paghaharumintado.

"Sir please  ,huminahon kayo. " Awat na rin ng mga staff dito.

"Sir,  tara na po. "Hindi na siya kumibo at sumunod na sa secretary niya. Napahawak na lang siya sa ulo ng makapasok na siya sa office niya at saka balibag na umupo sa upuan niya.

"Dex, paki-pasa mo naman saakin ang lahat ng records and resume ni Berto Santos,  gusto kong malaman kung ano ba talagang nanguayari. "

"Ok sir. " Pagkalabas nito ay napahawak na lang siya sa neck tie saka iyon niluwagan, napasandal siya sa backrest ng upuan saka napabuntong hininga.

Nakakapagod para kay Arvil ang araw na iyon kaya naman pagkabaling niya sa desktop ng sariling laptop ay automatiko na napangiti siya.  Paano ay ang mukha nilang mag-asawa ang wallpaper niya doon, saka lang parang siya nakaramdam ng kapanatagan.

He reach for his phone,  saka niya dinall ang number ng asawa.  Tatlong ring pa lang ay may sumagot na doon,  at eksaktong marining niya ang boses ng asawa ay siya naman pagkabog ng malakas ng puso niya.

"Hello,  Arvil.. "

Parang musika sa pandinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya, at para kay Arvil,he was willing to trade anything just to hear the voice of his wife.

"I miss you.. "

Hindi niya napigilan ang sabihin ang nararamdaman dito. Totoo naman iyon dahil kanina niya pa ito, gustong tawagan pero naging busy na nga lang siya dahil ilang araw din siyang hindi nakapasok dahil sa lapnos na natamo niya but thanks God,  at tumagal lang iyon ng isang linggon at ngayon ay magaling na.

"Tumawag ka lang ba para sabihin yan? "

Oh, she was in her mood.

Natawa siya ng isipin iyon,  paano mas madalas ang pagiging mataray nito kesa ang maglambing sa kanya kahit na alam niya na nasa good term na sila ng asawa.

"Bakit masama bang tawagan ang maganda kong asawa lalo na at namimiss na kita? " He bite his lips para pigilan ang mas paglawak ng ngiti,  hindi niya alam pero masaya siya kahit madalas na inis lang sa kanya ang asawa.

"Gumawa ka na naman ba ng kalokohan?  Or are you cheating on me? "

Doon hindi niya napigilan ang matawa,  paano ay huling beses na tinawagan niya ito ng ganun ay may kalokohan siyang ginawa o kung matatawag bang kalokohan niyon,  ipinost niya lang naman sa facebook account niya ang picture nila noong kasal at kasabay ng caption na 'Waiting for her,  to accept my married status'. Natawa siya sa pagkakaalala noon dahil doon nagkaroon na rin ng mga kasagutan ang long gossip about the man she kissed before.

Umulan din ng mensahe ang email,  facebook at ibang comment  ang picture nila. Doon niya lang din nalaman kung gano kasikat ang asawa na kahit hindi kilala sa Pilipinas ay pinagkakaguluhan naman sa ibang bansa.

"I don't do anything honey,  at saan mo nakuha ang hinalang iyan?  Hinding-hindi ako mangangaliwa,  dahil kapagginawa ko iyon para ko na ring sinira ang pangrap ko. " Malumay na saad niya,  natahimik ang nasa kabilang linya kaya naman tinawag niya ang asawa.  "Carmela honey,  are you still there? "

Hindi sumagot ito kaya ilalayo na sana niya na sana ang cellphone niya ng magsalita ito.

"I miss you to,  sunduin mo na ko. Uwi na tayo. "

Sukat sa narinig mula dito ay halos makipagkarera ang puso niya kasabay ng pagtayo niya sa upuan.

"Damn,  I'll pick you up honey. "

Hindi papayag si Arvil na mapalagpas ang lambing ng tigreng asawa.

Minsan lang to.  Lulubusin ko na!

Just One Yes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon