Hindi alam ni Carmela kung pano maalis ang nakataling kadena sa kanya, nakaharap siya sa mismong haligi na bato kung saan iyon naka paikot kaya naman pilit niyang hinahatak iyon pero kahit ano atang gawin niya ay iposibleng maalis niya iyon.
"Let me go! Pakawalan mo ko dito! I told you, hindi pupunta dito si Arvil. " Sigaw niya sa lalaking nakaupo lang sa isang tabi,pero parang wala itong narinig na nakikipag-usap sa sarili.
Hindi alam ni Carmela kung anong dapat maramdaman dahil sa nakikita niyang ikinikilos ng lalaki malinaw na wala ito sa sarili. Kaya naman mas natakot siya para sa asawa, alam niyang si Arvil lang ang pakay nito dahil matapos siyang masampal nito kanina ay wala na itong ginawa sa kanya kahit halos mapaos siya kakasigaw dito.
"Let me go! You bastard! Hindi siya dadating dito --"Natigilan siya ng may marinig sigaw mula sa kung saan.
"Carmela?! Carmela answer me! Where are you?! " Halos manlaki ang mata niya ng marinig ang boses nito.
No! Arvil!
"Mukhang nandyan na siya. Wag kang maingay ha miss? "
"No! Arvil do-hmmm! " Mabilis na tinakpan ng lalaki ang bibig niya, at saka ngumisi na halos magpatayo ng balahibo ni Carmela.
She feels it, may hindi magandang mangyayari sa asawa niya lalo na at nagtago ang lalaki sa malaking pader na nakaharap lang sa kanya.
No please!
"Carme--Damn! Anong ginawa niya sayo? " Mabilis siyang nilapitan nito saka inalis ang ilang hibla ng buhok niya na nakatabing sa mukha niya.
Inalis agad nito ang tabing sa bibig niya.
"Umalis ka na dito -- No! " Napasigaw na lang siya ng biglang lumitaw ang lalaki sa likuran ni Arvil at hampasin ito ng hawak na makapal na kahoy.
"Ahh! " Napaluhod na lang si Arvil sa harapan niya, at nang paluin ito muli ng lalaki ay tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Carmela.
"No! Please! Stop. " Ni hindi niya alintana ang pagkasugat ng palapulsuhan sa paghatak niya sa kadena. "No please! Tumayo ka Arvil! Tigilan mo na siya! "
Halos humagulgol at sumigaw na siya ng sunud-sunod itong paluin ng lalaki.
"Ayan ang bagay sayo! Napakasama mong tao! Walang puso! " Saka nito binitawan ang hawak na pamalo at saka sinipa si Arvil. Kitang-kita ni Carmela kung pano namamalipit si Arvil dahil sa mga sipa at tadyak na ibinigay ng lalaki.
Kaya naman halos mapabalahaw na talaga na siya ng iyak.
"C-Carmela, stop crying please --Aahh!! " Aabutin sana siya nito pero biglang tinapakan ng lalaki ang kamay nito kaya naman parang batang napasalpak si Carmela sa lapag.
"Tigilan mo na siya! Parang awa mo na! " Halos manginig si Carmela ng sipain ito ng lalaki sa tagiliran at napasuka na ng dugo ang asawa. " Arvil please stand up! "
"Napakawalang kwenta mo! Wala kang puso! " Pero parang walang narinig ang lalaki at patuloy sinipa ang asawa niya.
"Arvil! TAMA NA! parang awa mo na. " Unang beses ni Carmela ang makaramdam ng ganung takot at matinding sakit sa kalooban.
She was useless, noon niya hiniling na sana katabi niya ang mama niya o ang kahit na ang instriktong ama.
"H-hon, close your eyes. " Hirap na hirap na ang pagsasalita si Arvil dahil marahil sa palo, sipa at mga tadyak na natamo nito.
"Ano bang sinasabi mo?! Tumayo ka dyan please. , stand up Arvil!" Napahiyaw na lang siya ng napasigaw si Arvil ng muling tapakan ng lalaki ang isa pa nitong kamay.
BINABASA MO ANG
Just One Yes.
RomanceCarmela Lei Vergara and Arvil Renz Chan's Love Story. Both stranger , but why they end up marrying each other? How could a handsome man cool down the hot tempered woman?