Chapter 10: Sweet

1.4K 53 0
                                    

Gustong matawa ni Arvil dahil sa hindi na namang maipintang mukha ng asawa.

"Ano bang isusunod ko dito? " Halata na naiinis na ito sa ginawa nito.

"Ano bang ginagawa mo sa katanghalian tapat at ganyan ang itsura mo? " Lumapit siya sa asawa at hinalikan ito sa pisngi.

"I was trying to cook an egg, but look kanina ko pa sinusubukan pero its end up over cooked. " Naiinis na itinuro nito ang bagay na nasa isang plato. Napangiwi naman si Arvil, hindi niya alam kung anong nangyari sa piritong itlog nito at daig pa ang uling nito sa itim.

"Honey, hindi over cook to, sunog na to. Sumalangit nawa ang mga kawawang itlog na to. " Natatawang saad niya, mas lalo atang kinainis ng asawa, dahil pinalo siya nito sa braso. "Ouch. "

"Wag mo kong mas inisin Arvil. "

"Ang sadista mo talaga kahit kelan. " Natatawang saad niya saka tinabihan ito. "Bakit ba kasing pinipilit mong gawin yan, diba sabi ko ako ng bahala sa pagluluto. "

Kinuha niya ang espatsula dito, napasibangot naman ito pero hindi umalis sa harapan ng kawali.

"Hindi pwedeng palaging ikaw ang gumagagawa niya. I'm your wife, that my wife's duties. " Para bang biglang kiniliti ang puso niya sa narinig mula dito, so his wife doing it for him.

Kaya naman hindi niya mapigil ang ngiti kahit na ang sama ng tingin ni Carmela sa kanya.

"Wag mo kong pagtawanan Arvil. " He bites his lower lips saka nilapitan ito. He hugs her from the back, hindi alam ni Arvil kung pano nangyari but he was so happy that finally his dream come true.

To have Carmela in his arms and build a family with her, maybe they didn't talk about having a kids but it doesn't matter now dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makayakap at maiparamdam kay Carmela kung gano niya ito kamahal.

Oh man, I'm crazy in love.

"Hindi kita pinagtatawanan honey, masyado ka lang kasing maganda na kaya mong pasayahin ang araw ko. " Malambing niyang saad dito, hinalikan niya ito sa batok.

"Ang corny mo talaga. " Napangiti na ito, kaya naman mas niyakap niya ito at hinalikan na may panggigil sa pisngi ang asawa, natawa naman ito kaya naman lalong natuwa ang puso ni Arvil ng marinig ang masayang tawa ng asawa.

Lalayo na sana siya dito pero aksidente nitong nabunggo ang shelf sa taas at deretso iyong sumaboy sa kalan, napasigaw ito dahil biglang umapoy iyon ng malakas, naging mabilis ang kilos ni Arvil na hinatak ang asawa saka pinatay ang kalan bago tinakpan ng basang basahan ang kawali para mamatay ang apoy.

"Ouch.. " Saka niya lang naramdaman ang hapdi sa braso niya nadikit kasi iyon sa kawali ng hatakin niya ang asawa palayo.

"Oh my! Arvil, I'm sorry hindi ko sinasadya. I'm sorry. " Halatang taranta pa rin ito dahil sa nangyari, siya naman ay dumiretso sa sink at binasa ng tubig ang namumulang braso.

"Ok lang ako, can you get the first aid kits. " Matapos iyon ay naupo siya sa isang upuan sa dining. Tumalima naman si Carmela at agad nakuha ang first aid kits.

"Let me do it. " Pagpriprisinta nito, hindi na siya pumalag dahil alam niyang mahihirapan lang din siyang lagyan ng ointment ang lapnos.

"Ouch. " Napaigik siya sa tuwing papahiran nito iyon ng ointment. "Buti na lang at nailayo kita agad,kung hindi mababawasan ang kinis mo. Magiging Carmela nognog ka. "

Pinilit niyang pagaanin ang atmosphere dahil napansin niya ang pananahimik ng asawa pero tahimik pa rin ito. Inakala niya na naabsorb lang ito sa ginagawa pero napamura siya ng marinig ang pahikbi nito.

"Crap! Honey, bakit umiiyak ka?" Kinuha niya ang braso at lumuhod sa harapan nito, para naman tinutusok ang puso niya ng makita ang mga luha nito.

Damn!

"Hey, look at me. " Hinawakan niya ito sa baba para magtama ang mga mata niya,parang sinasakal ang puso niya.

"S-sorry. K-kung hindi ko pinakiaalam yung mga gamit mo, hindi ka sana nasaktan. "

"Shh, stop crying honey. Mas nasasaktan akong makita na umiiyak ka. " Pag-aalo niya sa asawa, he doesn't want to see her like this.

Kaya naman hindi siya nakatiis at hinalikan niya ito sa mga labi, yung masuyo at puno ng pagmamahal.

"A-arvil. " Ngumiti siya, swerte siya at hindi nasa sadist mode ang asawa niya at hindi siya nasampal nito. He puts his one hand in her cheek.

"Ok lang ako, parang gusto ko ng halikan ngayon yung kawali dahil kundi pa ko napaso hindi ko makikita kung gano ako kamahal ng asawa ko. " Birong totoo niya, doon para itong natawa saka hinampas siya sa balikat.

"Sira ka talaga, mukhang hindi ka nga nasaktan. " Mas lumawak ang ngiti niya ng makitang ngumiti na ang asawa.

Nakahinga siya ng maluwag dahil doon saka hinawakan ang kamay nito at tinitigan ang asawa niya.

"I love you Carmela, and I'm willing to hurt like this just to see how much you care for me, well expect the crying part. Ayokong umiiyak ka ng dahil sakin, gusto ko kung iiyak ka dahil napasaya kita, ganun kita kamahal. " Punung-puno ng damdaming saad niya.

Nagulat siya ng yakapin siya nito kaya gamit ang isang kamay ay niyakap niya ang asawa.

"Thank you for loving me Arvil, promise it won't take any longer, mamahalin na kita. "

Halos tumalon ang puso niya sa narinig mula kay Carmela.

Then I'll wait honey..

Just One Yes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon