Napabangon si Arvil ng marinig ang pag-ungol ng asawa kaya naman mahinang inalog niya ito.
"Carmela, honey.. "
"Arvil! " Nagulat pa siya ng bumalikwas ito ng bangon at parang piniga ang puso ni Arvil ng pagbaling sa kanya ni Carmela ay bigla na lang itong umiyak at niyakap siya. "A-arvil, nanaginip ako, akala ko talaga wala ka na. Akala ko iniwan mo na talaga ako. "
Napahagulgol ito kaya naman mas nayakap niya ng mahigpit ang asawa. Hindi mapigilan ni Arvil ang mapatiim bagang, alam niyang imposibleng mabalikan na siya ni Berto dahil ayon sa mga magulang niya ay nasa isang mental facility na ito. The man was crazy kaya doon ito na punta at sinigurado din ng nga magulang ni Carmela na hindi ito makakaalis doon, pero kahit anong assurance ang sabihin nila sa asawa ay madalas pa rin itong dinadalaw ng pangyayari kaya naman talagang nadudurog ang puso ni Arvil para sa asawa.
Hindi siya dapat ganto. Hindi dapat.
His heart crashed when he hears his wife crying.
"Shh. Honey, that was a dream. Ligtas ako, I'm here." Naramdaman niya na mas isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya.
They were naked but he doesn't mind it dahil mas nag-aalala siya sa asawa.
"Arvil, don't leave me please. "
"I won't, saka san mo naman naisip na iiwan kita honey. " Malambing na saad niya tumingala ito, pinahiran niya ang mga luha nito gamit ang isang kamay niya.
"I love you Arvil.. " Napakislot na naman ang puso ni Arvil at saka parang nakikipagkarera iyon sa bilis.
"I love you more Carmela. " Hinalikan niya ito sa noo saka inalalayan para muling mahiga. He hugs her tight at naramdaman naman niya ang pagkalma ng asawa at saka niya paulit-ulit na hinalikan ito sa noo.
"Arvil.. " Hinagod-hagod niya ang mahabang buhok ng asawa ng magsalita ito. "Can you promise me, na ako muna ang mawawala bago ikaw. "
Natigilan si Arvil at parang may balisong na sumaksak sa puso niya.
"What?! Ano bang sinasabi mo? " Hinarap niya ito at matamang tiniganan.
"Hindi ko pala kayang makitang mauna kang mawala. Alam ko selfish pero gusto ko ako ang mauna sating dalawa kung sakali." Halos madurog ang puso niya mula sa narinig sa asawa, ni hindi niya naisip ang ganoon dahil ayaw niya at alam niyang mas lalong hindi niya kakayanin yun.
"Stop thinking like that." Niyakap niya ito ng mahigpit, he wanted to take away all her fears. "Alam mo bang sa sinasabing mong yan para mo na kong pinapatay. Hindi ba pwedeng isipin muna natin ang pagbuo ng pamilya natin? Yung mga bagay na gusto nating gawin habang magkasama tayo at higit sa lahat yung maipakita natin sa isa't-isa ang pagmamahalan natin? Don't you wan't to grow old with me honey? Kasi ako lahat ng iniisip ko para sayo, kung pano ko ipapadama na mahal na mahal kita, kung pano ko gagawing masaya ang araw mo at kung pano ko mapapatunayan na hinding-hindi ako lalayo sayo, kasi ganun kita kamahal. " Maramdamin niyang saad, he can't hide his emotion dahil sa matinding pagmamahal sa asawa niya. "So please, let me.. Let me carry all your fears and burden. "
Hindi na niya napansin ang pagpatak ng luha, natigilan naman si Carmela at para bang doon lang ito nagising sa katotohanan.
"Sorry Arvil. I'm sorry, natatakot lang ako. " Mahigpit na niyakap siya ng asawa kaya naman niyakap niya rin ito ng mahigpit.
"Then don't because I'm here Carmela. I'll always right here. " Punong-puno ng pagmamahal na saad ni Arvil.
Arvil hearts was melted for Carmela, kaya sigurado si Arvil na ang pagmamahal niya sa babae ay hindi mapapantayan ng kahit anong pangyayari. He will not give up to make her happy, he always surely to make her happy.
Always honey..
BINABASA MO ANG
Just One Yes.
RomantizmCarmela Lei Vergara and Arvil Renz Chan's Love Story. Both stranger , but why they end up marrying each other? How could a handsome man cool down the hot tempered woman?