Kinabukasan hindi pinaalam ni Carmela kay Arvil na pupuntahan niya ang kanyang half brother na si Wallence.
"Kuya, lets talk. " Derederetso siyang pumasok sa office nito. Mukhang hindi naman ito nagulat dahil ni hindi nagbago ang ekspresyon nito ng tignan siya.
"You can't change my mind. " Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa, naiinis naman na mas lumapit siya sa kapatid .
"Kuya, hindi mo pwedeng gawin ang gusto mo at bakit ngayon ka lang nakialam samin? Samantalang nasa mismong araw ka ng kasal namin. " Hindi niya maiwasan na lakipan ng inis ang tinig.
Huminto ito sa ginagawa saka tinignan siya. She gets chilled dahil sa malamig na tingin nito.
Oh why he looks like that its creepy.
"Hindi ko tinutulan agad ang kasal mo dahil kay mama. She talked to me that day,kaya nanahimik ako but its never change the fact that they force you to marry Arvil, Carmela. "
"Pero noon iyon kuya! Mahal ko na si Arvil and I won't allowed you to ruin our marriage. " Hindi na niya maiiwasan ang sumigaw sa harapan nito dahil sa inis.
"You love him that fast? " Hindi niya alam kung nanunuya ba ang kapatid o naninigurado.
"I love him! Hindi mahirap mahalin si Arvil kuya. He was a good man, a good friend and he was a good husband for me! " Hindi na niya napansin na may pumatak na luha sa mga mata niya .
"Carmela.. "Doon ay parang nagulat ang kapatid niya pero hindi gumagalaw at nakatitig lang sa kanya.
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha saka matalim na tinignan ang kapatid.
"So stop messing with my life kuya. Pabayaan mo kami ng asawa ko, tama na sila mama ang minsan nangialam sa buhay ko, kaya tigilan niyo na ko. " Saka walang paalam na lumabas na ng opisina ng kapatid.
"Carmela come ba--"
Hindi na niya ito pinansin.
Agad naman siyang nakasakay sa elevator at pinindot agad ang floor pababa sa parking lot. Mabilis niyang hinanap sa dalang pouch ang cellphone para tawagan ang mama jo niya.
"Ma'am. " Napaangat siya ng tingin ng may humarang sa kanya.
"Do you need anything? " Napaurong siya ng kaunti dahil sa itsura nito. Nakahoodie ang lalaki at nakatakip pa ang bibig ng mask kaya naman hindi niya alam kung anong itsura nito.
"Oo meron pero hindi sayo kundi sa asawa mo. " Natuod siya sa sinabi nito at handa na sana siyang lumayo sa lalaki pero halos napatili lang siya ng takpan nito ng panyo ang bibig niya.
No! Please someone help me! Kuya Wallence! Arvil!!
Wala na siyang nagawa ng makaramdam ng hilo at naiiyak na lang na napapikit siya.
Arvil help!
Then everything went black.
--
Agad na iniligpit ni Arvil ang mga gamit niya para maagang sunduin ang asawa at gusto niya rin muling harapin ang kaibigan na si Wallence para makapag-usap sila nito ng maayos.Hindi naman kasi siya papayag sa gusto nitong mangyari lalo na at ang ilayo sa kanya nito ang asawa.
I won't allowed it.
Agad niyang kinuha ang cellphone niya ng marinig na tumunog iyon, automatikong napangiti siya ng makita ang pangalan ng asawa ang rumihistro sa tawag.
"Hello hon, namiss mo na ko agad? " Nakangiti pa siya ng ibungad niya iyon sa asawa pero halos mabura iyon ng mula sa kabilang linya ay ibang tao ang nagsalita.
"Hello Mr. Chan."
Halos mapatuwid siya ng tayo dahil boses ng lalaki ang narinig, biglang sumikbol sa kaba ang puso niya pero pinilit niyang kumalma. Alam niyang malabo na ipahawak ng asawa ang cellphone sa ibang tao pero ayaw ni Arvil na mag-isip ng hindi maganda.
"Hello, who is this? May nangyari ba sa asawa ko? " He calmly ask, sinimulan na niyang lumabas ng office at lumapit sa secretary pero minuwestrahan niya itong wag magsasalita.
"Napakasama mo talaga! Hindi mo ko maalala matapos kong magmakaawa na ibalik mo ko sa trabaho ko?! " Gustong mangilabot ni Arvil ng matapos nitong sumigaw ay biglang tumawa, dahil sigurado siya na wala ito sa katinuan. "Pero ok lang, dahil makakaganti na ko sayo. Alam mo bang hawak ko ang asawa mo at alam mo ba kung anong naiisip kong gawin sa kanya Mr. Chan? Gusto ko siyang patayin. "
Doon tuluyang literal huminto ang pagtibok ng puso ni Arvil na halos parang gusto niyang dukutin ang kausap at ilabas ito saka sapakin ng walang humpay.
"Don't you dare touch my wife.. " Puno ng diin na sabi niya at halos madurog na ang hawak niyang cellphone. "Sino ka ba? Kung ako talaga ang kaylangan mo. Ako ang harapin mo. "
Tumawa ito ng malakas na para bang tuluyan na talagang nabaliw.
"Sige pero gusto kong magdala ka ng sampung milyon, cash! Saka ko sasabihin sayo ang lugar kung nasaan ang asawa mo at tandaan mo wag na wag kang magsasama ng mga pulis o kahit sino, kundi gigilitan ko ng leeg ang asawa mo. "
Halos manginig na sa kaba at galit si Arvil, gusto niyang sigawan ang lalaki pero pinigil niya ang sarili lalo na at hindi niya sigurado kung hawak talaga nito ang asawa.
"Let me talk to my wife first. " Hindi niya rin alam kung dapat bang ikatuwa na madaling kausap ito dahil ilang sandali lang ay naririnig na niyang kinakausap ang asawa niya.
"Magsalita ka gusto daw marinig ng walang puso mong asawa ang boses mo-- Arvil! Don't go, baliw-- ouch! "
"Damn you! I said don't touch my wife! " Halos magpuyos sa galit ang puso ni Arvil ng marinig ang isang malakas na sampal mula sa kabilang linya .
Tumawa na naman ang lalaki na para bang nasiyahan ito sa reaksyon niya.
"Napakatapang ng asawa mo Mr. Chan. " Saka biglang sumiryoso ang boses nito na para bang galing iyon sa ilalim ng lupa. "Ngayon, 10 milyon pati ang sarili mo kapalit ng asawa mo. Walang pulis o kahit sino Mr. Chan, malinaw ang usapan natin dahil isang maling kilos mo lang ireregalo ko sayo ang ulo ng asawa mo. " Matapos iyong sabihin ay naputol ang linya .
"Hello! Hello. Damn! " Mabilis siyang bumaling sa secretary ." Gav, maghanda ka ng 10milyon cash at ilagay mo agad sa back seat ng kotse ko. "
"Po? "
"Ngayon na. " Mariing utos niya sa halatang nagulat na secretary.
"Ok,ok po sir. " Mabilis naman itong kumilos, siya naman ay sumakay na ng elevator habang tinatawagan niya ang mga kaibigan.
Ramdam na ramdam ni Arvil ang panginginig dahil sa naging usapan nila ng lalaki at halos madurog ang puso niga ng maalala kung pano napahiyaw ang asawa matapos niya marinig ang isang malakas na sampal.
Wait for me Carmela, please wait for me.
Halos manikip ang dibdib niya sa pag-iisip na ang mahal na asawa ay nasa kapahamakan ng dahil sa kanya kaya naman ng makasakay siya sa sariling kotse ay galit na galit niyang pinaghahampas ang manibela ng sasakyan.
"Damn! Damn! Bakit si Carmela pa? Bakit ikaw pa? kasalanan ko to! P-pag may nangyari sa asawa ko, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. " Halos manginig na ang boses ni Arvil kasabay ng pagpatak ng luha niya. " Please, Carmela be safe for me. Please honey. " He whispers in the air saka siya napasubsob sa manibela habang patuloy ang pagtulo ng mga luhang halos magpadurog sa puso niya.
Please, Lord, save my wife.
Piping dasal na lamang niya.
BINABASA MO ANG
Just One Yes.
RomansaCarmela Lei Vergara and Arvil Renz Chan's Love Story. Both stranger , but why they end up marrying each other? How could a handsome man cool down the hot tempered woman?