Chapter 3: Brother

1.9K 57 1
                                    

Sa huli nagpunta na lang siya sa mansion ng kaibigang si Wallence. Tama , mansion dahil sa kanilang anim ito lang naman ang bukod sa may sariling airlines ay galing pa sa mayamang angkan ng mga Montemayor.

Pinagbuksan agad siya ng guard ng malaking gate ng makita ang tao sa loob, binati niya ito bago pinasok ang sariling sasakyan.

"Magandang umaga po Sir Arvil." Bati agad sa kanya ng mayordoma na sa mansion na iyon.

"Good morning din nanang Minda, asan po si Wallence?" Pumasok muna sila sa loob ng mansion bago nagsalita ulit ang matanda.

"Nasa kumidor po sir, kasama sila ma'am Cecil ." Sandaling napakunot-noo siya.

"Cecil? Sino yun?" Hindi sumagot ang matanda kaya naman hindi na lang siya nagtanong pa. Dumiretso agad siya sa dining area at naningkit ang mga mata niya ng makita si Wallence na nasa hapag habang may mga kasama .

Kelan pa nagkaroon ng anak si Wallence?

Ni hindi nga siya napansin ng kaibigan na may kandong sa isang batang lalaki,habang sa kanang bahagi ay nakaupo ang isang magandang babae halatang naaliw ito sa dalawa at hindi rin mapigilan ni Arvil na mapangiti dahil sa ilang sandali ay iba na ang nakikita niya.

Siya at si Carmela, kasama ang anak nila.

Great , now I'm dreaming in this early morning.

Ipinilig niya ang ulo , inisip ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya nandoon. Kaya naman tumikhim siya para makuha ang atensyon ng mga ito , hindi naman siya nabigo dahil bumaling sa kanya ang kaibigan.

"Arvil?" Halata ang pagtataka sa mukha ng kaibigan niya. "What are you doing in here?"

Ngumisi siya saka mas humakbang papalapit sa mga ito.

"Bakit hindi ko ba pwedeng bisitahin ang isa sa mga kaibigan ko?" Nakangising saad niya saka bumaling sa babaeng nasa kanang bahagi . "Hello miss. "

"Magandang umaga . " Nakangiting bati naman nito , bumaling siya muli kay Wallence na ngayon ay kinakausap ang batang nakaupo sa kandungan nito.

"Lets play later ok? Go to your mom." Bumababa naman ang bata sa kandungan nito saka tumayo rin ang babae, sigurado siyang ito si Cecil. Napapailing na lang si Arvil ng makita niya kung pano tignan ng kaibigang si Wallence ang mag-ina.

"You like her." He teased him, bumaling naman ang kaibigan at kung hindi sanay si Arvil sa kaibigan sigurado ay mangingilabot siya sa paraan ng pagtingin nito.

Cold.

Iyon ang hindi niya maintindihan sa kaibigan kung bakit palagi itong ganun .

Mas tama atang itanong kung pano namin siya naging kaibigan.

"What do you need Chan? " Tumayo ito at hinarap siya, tumikhim siya saka napahawak sa batok, ngayon niya naisip na dapat ay nagpractice muna siya bago hinarap ang kaibigan.

Crap -- Where should I start?

"Gusto ko lang malaman , may balita ka na ba sa kapatid mo?" Nakita niya kung pano kumunot ang noo ng kaibigan , ngumiti naman siya dito. Hindi niya alam pero noon naman kayang-kaya niyang harapin ito pero kapagnaiisip niya ang nagawa ay para bang kinakabahan siya. "A-alam mo na , baka kasi mamaya bumalik siya sa bahay nila Dominic at manggulo ulit."

Damn I'm guilty.

Nakita niya kung pano nawala ang pagkakunot ng noo nito saka parang namomoblema na humawak ang isang kamay sa bewang nito habang ang isa ay sa ulo.

"She never showed. " Sandaling nabura ang ngiti ni Arvil pero mabilis niya rin iyong ibinalik.

"Ganun ba ? Sige salamat bro. Aalis na ko." Tumalikod na siya para umalis na.

"Wait .. You came here, just to ask that?" Natigilan naman siya saka muling napahawak sa batok.

Sabi ko na nga ba dapat nag-rehearse muna ako bago pumunta dito.

Humarap siya sa kaibigan na may ngiti saka nagkunwaring hindi naapektuhan sa tingin nito na parang kasing lamig ng yelo.

"I'll like to inform you, baka nga pala magpakasal na ako. " Nakita niya kung pano nagulat ito, at bago pa ito makapagsalita ay lumabas na siya ng dining hall. Nasalubong niya ang mayordoma bago nakalabas ng bahay na iyon, pasakay na siya ng sasakyan ng marinig niya ang pagtawag ng kaibigan , paglingon niya ay nakatayo ito sa damba ng pintuan.

"Congrats Arvil, don't worry I wont miss your wedding." Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan, sumakay na siya ng kanyang kotse saka mabilis lang na nakaalis sa lugar na iyon.

Naiiling siya sa sarili habang naiisip ang sinabi ng kaibigan.

You won't want to miss it Montemayor, dahil kapatid mo ang papakasalan ko.

Kaya naman binilisan niya ng bahagya ang silinyador saka inisip si Carmela.

So where should I find my runaway future bride?

Just One Yes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon