Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng dalawin ng masamang panaginip si Carmela, at aminado naman siya na masyado siyang nagpadala sa takot ng mga nakaraang mga araw kaya nga para na naman siyang bumalik sa dating ugaling. Kung noon si Dominic ay sumusulpot lang siya kung nasaan ito, kay Arvil ay halos kulang na lang ay itali niya ang sarili sa bewang ng asawa.
"Sigurado ka bang hindi ka maiinip dito? You can come with me. " Napakagat na lang sa ibabang labi si Carmela saka umiling sa tanong ni Arvil, dahil sa totoo lang ay gustong-gusto niyang sumama sa meeting nito para sa restaurant nito pero nahiya na rin siya dahil ngayon niya lang narealize na baka hindi na nagagawa ng maayos ng asawa ang trabaho nito. Araw-araw na lang siyang sinasama ng asawa sa trabaho man o kung saan ito pupunta ,naiinitindihan naman siya ng manager kung bakit hindi na siya nakabalik sa magmomodelo dahil si Carmela ang babaeng hinding-hindi hahayaan na mawalan lalo na ng mga taong minamahal. Alam niyang mali ang pamamaraan niya pero natakot na siya kaya nga halos maging buntot na siya ng asawa at kahit walang reklamo ang asawa niya alam niyang hindi rin ito makapagfocus dahil palagi siyang inaalala ng asawa.
"Hindi na, hihintayin na lang kita dito. " Tinitigan naman siya ng asawa na para bang tinatantya kung totoo ba ang sinasabi niya.
"Are you sure honey? " Nilapitan siya nito at napangiti na lang si Carmela ng ikulong siya nito sa mga bisig saka siya mabilis na hinalikan sa mga labi. Napangiti na rin ito ng makita ang mga ngiti niya at hindi naman maiwasan ni Carmela ang makaramdam ng kilig dahil sa nakakaakit na ngiti ng asawa.
Those smile again.
Kahit papano ay gumagagan ang pakiramdam ni Carmela dahil sa mapaglarong ngiti ng asawa at alam niyang mas lalo niyang minamahal ang asawa dahil doon, she never thought she gonna loved Arvil more than anyone else.
"I'm fine here Arvil, sige na baka naghihintay na sila. " Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakayakap sa kanya.
"Nagsasawa ka na ba sakin honey? " Nakangiti pero may himig ng pagtatampo ang boses ni Arvil kaya naman mabilis na umiling si Carmela.
"Of course not, baka nga ikaw ang napapagod na sakin dahil kahit saan nakabuntot ako sayo. " She bitterly said.
Napakislot naman ang puso ni Carmela ng tumawa si Arvil .
"Honey, I won't never get tried of you. Hindi ngayon, hindi kahit kaylan. Alam mo bang matagal ko ring hinintay na makasama ka. Well, I won't deny the fact na nagseselos ako noon kay Dominic dahil palagi kang nakadikit sa kanya pero ngayon na sa akin mo na ginagawa iyon. Damn, you never know what happiness was filled in my heart every time, na kasama kita ." He sincerely said.
She feels her heart melts because of was Arvil said. Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na tumingkayad at halikan ito sa mga labi. Nagulat ito sa una pero naramdaman niya na napangiti ito saka inilagay ang isang kamay sa mga batok niya and for a minute they share a passionate and sweet kiss.
Oh, he surely gonna be late.
----
Kinagabihan ay nagtaka si Carmela kung bakit siya dinala ni Arvil sa park kung saan sila dati nagpunta."Anong ginagawa natin dito? " Binalingan niya ang asawa. Tinanggal muna nito ang seatbelt saka sinunod ang sa kanya bago tumingin sa kanya ng nakangiti.
"I want to show something to you. " Saka ito bumababa at umikot para pagbuksan siya at alalayan sa pagbaba.
Pagkababa ni Carmela ay nagtaka siya dahil medyo madilim ang buong park na iyon, pero may mga tao siyang naaninag sa paligid.
"Mukhang walang power dito Arvil, nakapatay lahat ng ilaw. Are you--Arvil? Arvil, where are you? " Biglang nawala sa tabi niya ang asawa kaya naman biglang kinabahan si Carmela, hindi niya alam ang dapat maramdaman lalo na at madilim ang paligid. Binalingan niya ang kotse pero wala din doon si Arvil kaya naman kinabahan na siya ng tuluyan, babalik na lang sana siya sa loob ng sasakyan ng biglang may tumunog na kanta nagpahinto sa kanya sa pagbalik at saka siya bumaling paharap ,and for her surprise isa-isang bumukas ang ilaw sa mga poste pero ang mas nagpagulat sa kanya ay ang makita ang isang taong nakatayo hindi kalayuan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Just One Yes.
RomanceCarmela Lei Vergara and Arvil Renz Chan's Love Story. Both stranger , but why they end up marrying each other? How could a handsome man cool down the hot tempered woman?