"EXCUSE ME Miss, wala pa ba kayo no'ng Resident Evil the final chapter?"
Mabilis na nag-angat ng tingin si Jashael sa lalaking nagtatanong sa harapan ng counter kung nasaan siya. "Pasensya na pero na-out of stock na kasi kami at baka next week pa magkakaroon uli." Sagot niya. Tumango naman ang lalaki bago tuluyang naglakad palabas ng video shop nila.
"Ano'ng hinahanap n'on?" tanong sa kanya ni Quinn, na noon ay papalapit sa kanya.
"Resident Evil the final chapter." Sagot niya.
"Ang daming naghahanap n'on simula kahapon, sabagay mukhang maganda ang movie." Anito. Kaedad niya ito, kaibigan at kaklase since grade school days at magiging kaklase uli niya ito sa Kingdom University sa kursong Biology sa nalalapit na pasukan.
"Oo, maganda ang kuwento at ang astig ng movie." Aniya.
"Napanood mo na?"
Tumango siya dito saka muling ipinagpatuloy ang pag-i-inventory niya ng mga DVDs nila sa shop, na pag-aari nang nakababatang kapatid ng mommy niya na si Tita Amy. Actually, nagpa-parttime lang sila ni Quinn sa videoshop ng tita niya habang bakasyon para may pang-gastos sila sa nalalapit na pasukan. At kasalukuyan ngang magka-duty sila ni Quinn ng twelve noon to five PM.
"Ang daya mo, hindi ka man lang nag-iimbitang manood." Reklamo nito.
Natawa naman siya dahil sa laki nang pagkakasimangot nito. Lahat kasi ng mga pinapanood niya ay lagi itong kasama. "Matagal ko nang napanood 'yon saka hindi ka naman mahilig sa mga supernatural kind of movies, 'di ba?" may pagka-duwag kasi ang lalaki.
"Eh, kahit na, sana tinawag mo ako para napanood ko din, nakakasama ka naman ng loob, e." Malungkot na sabi nito.
Mabilis naman siyang tumayo sa kinauupuan niya saka malakas na tinampal ang balikat nito. "Huwag kang mag-aalala, may kasama ka pa namang hindi nakakanood no'ng movie—'yong si Kuya na nagtatanong kanina." Natatawang sabi niya.
Muli itong napasimangot at napailing na lang. "Ikaw? Naniniwala ka ba sa mga supernatural beings tulad nang; vampires, werewolves, witches, fairies at kung anu-ano pa?" kapagdaka'y tanong nito.
"Oo naman, 'di ba nga sabi ko sa 'yo no'ng high school tayo, e, nakakakita ako ng mga multo?" nakangiting sabi niya.
Animo'y pinanindigan ito ng mga balahibo. "Hindi nakakatuwa 'yang mga sinasabi mo, ah!"
Umiling-iling siya. "Madaming misteryong bumabalot sa mundo, Quinn, kaya dapat lagi kang handa sa mga bagay-bagay."
Nakita niya itong napalunok nang mariin. "P-Pero ayoko talaga sa mga multo, bampira o mga lobo at sana manatili na lang sila sa mga libro. Teka, nakabukas ba ang third eye mo?"
Muntik na siyang matawa dahil sa takot na hitsura nito. "Oo nga, si mommy ay may third eye din at namana ko ito sa kanya." Paliwanag niya. "Naniniwala din ako sa mga bampira at sa mga taong-lobo."
Napaubo ito at tila mas natakot ang hitsura nito. "T-Totoo nga kaya sila?" nanginginig ang boses na tanong nito.
"Malay natin, at nakatira sila sa isang lungsod na malayo sa kabihasnan kaya hindi natin sila nakikita at nakakasalamuha." Aniya.
"P-Paano mo nalaman ang mga 'yan?"
"Nag-conduct ako dati nang research tungkol sa mga bampira at werewolves dahil na-curious ako sa kanila saka malay mo balang araw may makita akong katulad nila, mabuti na 'yong may alam ako at nagbabasa rin ako ng mga supernatural books, 'no." imporma niya.
BINABASA MO ANG
Region of the Wolves (COMPLETED)
WerewolfNaging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon maaaring pagtuunan ng pansin dahil may misyon pa siyang kailangang gawin para sa kanyang ina. #Got...