MAKALIPAS ang dalawang araw na pamamahinga ay nag-biyahe pabalik ng lungsod sina Jashael, Radius at David para makita ang mommy ng dalaga. Napaka-thankful ni Jashael dahil naging maayos at ligtas ang mga abong lobo pati na ang mga kaibigan nila ni Radius na—na naninirahan na sa malayong lugar para makapagsimula nang bagong buhay, nakapagpaalam na ang mga ito sa kanila no'ng isang araw bago tuluyang umalis.
Ngayon nga ay tinatahak na nila ang daan patungo sa kanilang bahay sakay ng taxi, at excited na siyang makita ang pamilya niya at ang magiging reaksyon ng mommy niya kapag nakita si David, pati rin naman si David ay hindi rin maiwasang ma-excite sa muling pakikipagkita sa one great love nito.
"Kaso tito David, tatagan mo ang 'yong loob. Hindi na gano'n kalakas si mommy at sobrang payat na siya dahil sa sakit niya..." pauna niya, noon ay nakaupo sa passenger's seat dahil silang dalawa ni Radius sa backseat.
Umiling ito at tipid na ngumiti. "Kahit ano'ng hitsura niya, siya pa rin si Annie na mahal ko mula noon hanggang ngayon." anito. Nagkangitian sila ni Radius saka nito hinawakan ang kanyang kamay, humilig naman siya agad sa balikat nito.
Makaraan ang ilang sandali ay huminto na ang taxi sa tapat ng bahay nila kaya pagkabayad ni Radius ng pamasahe ay agad na silang bumaba. Hindi alam ng tita niya o ni Quinn na uuwi na siya ngayong araw, hindi pa magaling ang sugat niya kaya muli siyang magpapatingin sa doctor para maresetahan siya ng gamot na iinumin, ngayong araw din.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay naagaw nila agad ang atensyon ng tita Amy niya na kausap si Quinn sa kusina. Nanlaki ang mga mata ng dalawa at mabilis na nakalapit sa kanila ng mga kasama niya. Mabilis siyang niyakap ng tita niya na ikinadaing niya dahil sa sugat.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito.
Napangiti siya at mabilis na humalik sa pisngi ng tiyahin. "Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat, tita." Aniya. Nakipag-high five naman si Quinn sa kanya. "Na-miss din kita." Aniya sa kaibigan.
"Ako man, Jash, miss na miss kita." Masayang ganti nito.
Narinig niyang tumikhim si Radius kaya sabay-sabay silang bumaling sa dalawang hindi pa pala niya naipapakilala. "Tita, Quinn, si Radius po at tito David, mag-ama po sila." Nakangiting pagpapakilala niya.
"Radius, tito David, sina tita Amy po na kapatid ng mommy ko at si Quinn po best friend ko." Nakangiting pagpapakilala niya sa mga ito.
Napakamot sa ulo ang tita niya. "So, nasaan si Martin? Teka, bakit kamukha niya si Martin?" naguguluhang tanong nito sabay turo kay David.
Natawa tuloy siya at napailing. "Si mommy nga po pala, kumusta na?" tanong niya.
"Mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon kaysa no'ng huli mo siyang nakita," sagot nito saka muling napakunot-noo. "Oh, nasaan si Martin? Nahanap mo ba siya?"
Napangiti si David na nagtaas ng kamay. "Ako si Martin pero David talaga ang totoong pangalan ko at ikinagagaglak ko kayong makilala." Pakilala nito sa sarili. Nanlaki ang mga mata ng tita niya at halata sa mukha nito ang kasiyahan.
Mabilis nitong hinawakan sa kamay ang lalaki para igiya sa kuwarto ng kanyang mommy. "Ang tagal ka nang hinahanap ng kapatid ko, bakit ngayon ka lang nagpakita at nagpahanap? Akala ko ay uuwing bigo si Jashael,"
"Mahabang istorya." Nangingiting sabi ng lalaki. Nakasunod naman sila agad sa dalawa.
"Sabi nang mahahanap ko si tito David, e, wala kang tiwala sa akin tita." Nakangiting biro ni Jashael, na tinawanan lang ng tita niya.
"Jash, close ba kayo ng lalaking 'yan?" tanong sa kanya ni Quinn kay Rad na nasa kanang bahagi niya.
"Si Radius? Oo naman, anak nga siya ni tito David at," itinaas niya ang magkahawak-kamay nila ni Radius. "Boyfriend ko." Nakangiting pakilala niya.
Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya. "B-Boyfriend? Nawala ka lang ng ilang araw, pagbalik mo may boyfriend ka na?" tanong nito.
Natawa sila pareho ni Radius. "Love moves in mysterious ways." Nakangiting sabi niya. "At itatanong ko kay tita kung maaaring maging partimer muna si Rad sa videoshop habang naghahanap siya nang stable job, magaling siyang mag-ayos ng mga sirang gamit." Nakangiting pagmamalaki niya sa boyfriend saka siya bumaling sa kasintahan at inihilig ang ulo sa dibdib nito.
Masayang ring nalaman ni Jashael na makakasama ni Radius ang tatay Rufus nito para manirahan sa lungsod dahil maghahanap din daw ito ng trabaho at nang makapagsimulang mamuhay ng maayos kasama si Radius.
Samantalang ang tatay David nito ay babalik sa Forbidden forest para samahan ang ama at ipagpatuloy ang nasimulang pamumuhay, ituwid ang lahat at makapamuhay ng maayos at tahimik, kasama ang mga tapat na tagapaglingkod nilang mga puting lobo. Dadalaw na lang sila ni Radius doon kapag nakaluwag sa oras.
Nadatnan nila sa loob ng kuwarto ng mommy niya ang masayang tagpo ng dalawang 'one great lovers'. Yumakap si David sa kanyang mommy saka ito humalik sa noo ng ina at kitang-kita niya ang lubos na kaligayahan sa mukha ng mommy niya na ngayon lamang niya nakita pagkatapos ng mahabang panahon.
"M-Masaya akong makita kang muli, Martin," anang mommy niya.
"Ako man, Annie, masayang-masaya akong muli kang makita at mahawakan ng ganito." Naluluhang sabi ng matandang lalaki. "Tulad mo ay lubos din akong nangulila sa 'yo, salamat kay Jashael at Radius dahil muli tayong pinagtagpo ng ating mga kapalaran." Masayang sabi nito.
"Nakilala mo na ang anak ko?" nakangiting sabi ng mommy niya. Tumango at ngumiti naman si David saka din nito ipinakilala si Radius sa kanyang ina. Saglit pa ay iniwan na nila ang dalawa para makapag-usap ng sarilinan at makapagpaliwanag si David kung bakit nito kinailangang iwan noon ang kanyang ina.
Dumiretso naman sila ni Radius sa kanyang kuwarto at pareho silang naupo sa mini-sofa sa loob at napangiti at tila nakahinga nang maluwag dahil sa masayang pakiramdam at accomplishment.
"This is happiness." Nakangiting sabi niya.
Pinagsiklop naman ni Radius ang mga kamay nila at itinaas 'yon. "No, this is happiness." Nakangiting sabi nito kaya napangiti uli siya. "Ibang klase ang totoong pag-ibig, napaka-misteryoso at makapangyarihan. Parang tayo, nagkita sa abandonadong building, muling pinagtagpo sa bus hanggang sa nagkasama at nahulog sa isa't isa." Nakangiting sabi nito.
"Asus! Ang torpe mo kaya no'ng una, akala ko tuloy hindi mo talaga ako gusto." Kunwari ay nagtatampong sbai niya.
Mabilis naman itong yumakap at humalik sa sentido niya. "Pero ngayon ay hayagan naman na ang pagmamahal ko sa 'yo." Anito saka nito magaang hinawakan ang magkabilang pisngi niya para bumaling dito. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita." Nakangiting sabi nito.
"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita." Nakangiting sagot din niya saka siya yumakap sa baywang nito.
They were so happy and they never thought that they could be the happiest with each other's presence. At tunay ang pag-ibig ni Jashael para sa binatang si Radius kahit ano at kung sino pa ito, well, that's true love. At napatunayan din ni Radius na may taong magmamahal sa kanya katulad ni Jashael.
Sa mga edad nila ngayon ay marahil masyado pang maaga para sabihin na magiging sila na forever—pero hindi maikakaila na malaking parte ng kani-kanilang mga puso ang sakop na nang bawat isa. Gayunpaman, para sa kanilang dalawa; they are each other's one great love.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Region of the Wolves (COMPLETED)
WerewolfNaging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon maaaring pagtuunan ng pansin dahil may misyon pa siyang kailangang gawin para sa kanyang ina. #Got...