Saglit pa siyang nanatili sa kuwarto ng mommy niya, nang duamting ang private nurse nito ay tuluyan na rin siyang lumabas. Sana may maganda nang balita kay Martin, baka sakaling may magandang maidulot 'yon sa kalagayan ng kanyang mommy.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay sinamahan niya ang tita Amy niya para magluto, eversince, nagkasakit ang mommy niya ay napagpasyahan ng tita niya na manirahan na sa bahay nila para may makatulong siyang tumingin sa ina, wala namang lovelife ang tita niya sa edad na thirty three at ang bahay naman nito ay pinapaupahan na nito, source of income din daw kasi 'yon.
Nang matapos silang magluto ng tita niya ay muli siyang bumalik sa kanyang kuwarto nang biglang tumunog ang phone niya, 'alulong ng aso' ang ginawa niyang ringtone para takutin lagi si Quinn. Mabilis siyang naglakad para kunin ang phone at nakita niyang si Quinn ang tumatawag na agad niyang sinagot.
"May balita na ba?" bungad niya sa kaibigan.
"Oo, Jash, meron na," excited na sabi nito kaya kumabog ang puso niya. "Nakita daw 'yong kamukha ni Martin sa Calanga specifically sa Sitio Don Juan, papasok sa may forbidden forest, na sana nga ay siya talaga, o baka kamukha lang, di pa sure kasi minsan may magkakamukha talaga sa mundo. It's a region in the Northern province."
"Medyo malayo pala," aniya, parang apat hanggang limang oras ang layo ng lugar na 'yon mula sa kanila.
"Pero ayon sa akin ang source ay hindi daw maganda at safe na puntahan ang lugar na 'yon, it's also known as the Region of the Wolves. Nakakatakot dahil pangalan pa lang ay nagbabadya na ng panganib, tutuloy ka pa rin ba, Jash?" anito.
Hindi pa niya naririnig ang lugar na Region of the wolves at ngayon pa lang siya nagka-ideya na may gano'n palang klaseng lugar. Pangalan pa lang ay medyo creepy na, pero hindi siya dapat panghinaan ng loob, malay ba niya ay pangalan lang 'yon at talagang duwag lang si Quinn.
Humugot siya nang malalim na hininga at napatango sa kanyang sarili, hindi siya magpapadala sa takot na lumulukob sa loob-loob niya, matapang siya at kaya niya ang bagay na 'to para sa kanyang mommy. At kailangan na niyang maisagawa ang paghahanap sa lalaki bago pa mahuli ang lahat.
"Hahanapin ko siya, Quinn." Desidiong sabi niya sa lalaki.
"Ano?" tila hindi makapaniwalang sabi nito. "Pero sinabi ko na, nakakatakot ang lugar na 'yon at may sabi-sabing pinamumugaran ang lugar na 'yon ng mga mababangis na lobo o baka may mga mga taong-lobo pa doon, hindi nga nakatagal doon 'yong traveler-explorer source ko dahil nakakatakot daw talaga sa lugar na 'yon."
"May misyon akong dapat isagawa sa lalong madaling panahon, Quinn, malay mo kapag nahanap ko doon si Martin ay maiharap kay mommy ay humaba pa ang oras ni mommy, kaya kailangan ko siyang hanapin."
"Pero Jash,"
"SIGURADO ka ba talaga sa binabalak mong 'yan, Jash? Hindi kita masasamahan dahil walang magbabantay sa shop at kay ate. Kung magpasama ka kaya kay Quinn o sa mga kapulisan dito sa atin?" nag-aalalang sabi ng tita Amy niya.
Naikuwento kasi niya sa tiyahin na may balita na siya tungkol kay Martin o sa kamukha ng lalaki at balak na niyang puntahan agad ang lalaki—nang mag-isa.
"Tita, ayos lang po ako, big girl na ako at kung hindi n'yo po naaalala ay naging girl scout of the year ako no'ng grade school, saka dala ko naman po 'yong phone ko with powerbank at may cellphone load, may pera din po ako kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin at marunong din naman po akong mag-self defense, pero para hindi po kayo mag-alala, ipinapangako ko pong kapag hindi ko na kaya ay uuwi po agad ako at siyempre hindi ko po ilalagay sa panganib ang buhay ko." Aniya. Hindi na niya ikinuwento ang tungkol sa pagkaka-snatch ng bag niya last time dahil baka mas lalong hindi siya payagan nito.
"Paano kung 'yong mga tauhan na lang ng kapulisan ang pakiusapan nating pumunta doon?" muling sabi nito.
Umiling-iling siya at hinawakan ang kamay nito saka pinisil nang mahigpit. "Hindi po tayo makakasigurong sasama si Martin sa mga 'yon, mabuti na pong ako na lang dahil pakikiusapan ko siya nang mabuti at ipagtatapat na anak ako ni mommy."
"Pero natatakot ako para sa 'yo, Jash,"
Hinawakan pa niya ang isang kamay ng tita niya at tipid na ngumiti. "Tita, kaya ko po at kakayanin para kay mommy, pinalaki po nila akong independent at malakas at hindi po ako basta-basta susuko." Desididong sabi niya.
Saglit itong natahimik bago ito napabuga ng hangin. "Hindi ako mapapanatag sa gagawin mong ito, Jash,"
"Tita, isipin mong gagawin ko ito para kay mommy, at kailangan mong maging matatag dahil kailangan ka ni mommy para mag-alaga sa kanya habang hinahanap ko ang one great love niya."
"Kung gayon, isama mo si Quinn para mapanatag ako kahit kaunti."
Natawa siya sa sinabi nito. "Tita, kung isasama ko si Quinn sa lakad ko, baka siya na lang ang oras-oras kong inaasikaso," naiiling at natatawang sabi niya. "Sobrang duwag ng lalaking 'yon at may asthma pa, hindi makakabuti sa kanya ang pag-e-explore na tulad nito, at least ako po ay may karanasan na," aniya.
Saglit na natahimik ang tita niya bago ito tumango sa kanya. "Kung gayon, mag-iingat ka sa pupuntahan mo, ipangako mo sa akin na babalik kang buo pa rin."
"Tita, kapag hindi na ako buong bumalik, aba'y multo na ako sa lagay na 'yon." aniya, para pagaanin ang sitwasyon pero hinampas pa siya ng tiyahin sa balikat. "Joke lang po, opo, babalik po ako nang buo at masaya."
"Sigurado ka bang ayaw mong isama si Quinn o isa sa mga kapulisan?" pag-uulit nito.
"Tita, ipagawa n'yo na lang 'yong fuse sa videoshop, dahil baka kapag nasira uli 'yon at nawalan ng kuryente, baka tuluyan nang himatayin sa nerbyos si Quinn." Wala na itong magagawa sa kakulitan at pagiging desidido niya kaya sa huli ay tinanguan na lang siya.
BINABASA MO ANG
Region of the Wolves (COMPLETED)
WerewolfNaging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon maaaring pagtuunan ng pansin dahil may misyon pa siyang kailangang gawin para sa kanyang ina. #Got...