16

997 34 1
                                    

"Natatakam na ako sa niluluto mo, Rad," sabay na sabi nina Jacobo at Cassius dahil adobong karne ng baboy ang niluluto nito.

Nabasa din niya sa mga libro at research niya na kapag full moon daw ay mas lalong natatakam sa karne ang mga lobo. Naalala tuloy niya si Radius na ang takaw nito ng karne no'ng kumain sila sa kalapit na kainan.


KAYA NAMAN buong gabing kanta lang sa ipod ni Jashael ang pinapakinggan niya, nawalan nga rin siya ng signal sa phone niya kung kailan re-reply-an niya dapat si Quinn sa hate message nito dahil sa i-s-in-end niya. Mabuti na lang at may ebook siya sa phone na babasahin na lang niya.

Pero ang boring pa rin dahil nakahilata lang siya sa papag habang nakikinig ng kanta at nagbabasa, palibhasa ay nacu-curious siya kung ano ang nangyayari sa mga taong-lobo kapag full moon. Mas nagiging mabangis ba ang hitsura ng mga ito? Ano kaya ang hitsura ng transformation nina Jacobo, Cassius at Semira? Mabilis niyang tinanggal ang suot na headset at agad na tumayo sa higaan. Maninilip lang talaga siya tapos babalik din siya agad.

Hinanap niya ang jacket niyang may hood at agad na isinuot 'yon, dala ang kanyang cell phone para pang-picture ay saka siya lumabas ng bahay para manilip sa mga transformations ng mga kaibigan niya. Ngunit pagtapak pa lang niya sa labas ng bahay ay dinig na niya ang sunod-sunod na alulong ng mga lobo sa paligid. Mapanganib! Balik ka na sa loob. Anang isipan niya. Pero napailing-iling siya, hindi naman siya magtatagal, e, saka sabi nga ni Radius, mababait ang mga abong lobo kaya hindi siya dapat mangamba.

Nagsimula na siyang maglakad para tunguhin ang naririnig niyang alulong dala ang kanyang cell phone ay i-swi-ni-tch niya ang flashlight n'yon para hanapin ang ingay. Ngunit hindi niya maiwasang dagsain ng kaba dahil sa pinaggagagawa niya, sobrang nacu-curious lang kasi talaga siya kaya sa makikita niya at once in a lifetime experience lang ito—ayaw niyang nakikita lang ang katulad nang pangyayaring ito sa mga movies, gusto din niyang makakita ng personal.

Ngunit napatigil siya sa paglalakad at mabilis na pinatay ang flashlight ng kanyang cell phone saka nagtago sa likod nang nasibak na kahoy nang makarinig siya nang kaluskos sa kung saan, mabilis siyang sumilip at halos manlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang tatlong abong mga lobo—hindi ito katulad ni Radius na may puting hugis diyamante sa ulo nito, buo kasi ang kulay ng mga ito at may pulang mga mata. Nakakatakot. Napalunok siya nang mariin para pigilan ang takot na nararamdaman niya—at nakahinga din siya nang maluwag nang tuluyang makaalis ang mga ito sa harapan niya.

Umalis na siya sa pagtatago para muling manilip sa kalapit ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang apat na mga lobo ang nasa kanyang harapan. Biglang umangil ang mga ito at tila naramdman ng mga ito na hindi siya kauri ng mga ito at mas lalong pinangilabutan siya nang mapagtanto niyang hindi ito ang apat niyang mga kaibigan—dahil walang palatandaan na isa sa mga 'yon si Radius.

Napalunok siya nang mariin habang unti-unting napapaatras. Sabi na sa 'yong mapanganib, e, ang kulit mo talaga kahit kailan! Pangangaral niya sa sarili. Eh, sa natukso lang talaga siya sa malalaman niya pero hindi niya alam na higit palang mapanganib at parang nawala ang kabaitan ng mga taong nakikita niya dito sa lugar kapag nag-transform na ang mga ito.

"H-Hindi po ako masamang tao, promise po 'yan!" nanginginig na sabi niya. Nawala na tuloy ang balak niyang pagkuha ng larawan.

Umangil ang mga ito saka sabay-sabay na umalulong na siyang nakapagpakaba pa lalo sa kanya. Radius, nasaan ka na ba? Naiiyak na niyang sabi. Gusto tuloy niyang batukan ang sarili niya sa paulit-ulit niyang pagiging careless at pasaway, ang hirap talaga ng masyadong curious sa mga bagay-bagay, laging napapahamak!

Region of the Wolves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon