14

949 37 1
                                    

"Umasa tayong sana ay hindi." Nang sabay silang muling sumilip ni Radius ay mabilis din silang nagtago dahil saktong tumingin sa kinaroroonan nila ang dalawang lalaking kasama ng lobo. "Paaalisin muna natin sila bago tayo magpatuloy." Tumango-tango naman siya. Kahit pala umaga ay naglalabasan pa rin ang mga malalaking lobo, mapanganib talaga sa lugar.

Nang maramdaman nilang wala na ang mga nilalang na 'yon ay umalis na sila sa pagkakatago sa puno para ipagpatuloy ang paglalakad. Hindi pa rin niya maiwasang kabahan at matakot, mabuti na lang at nakakadagdag ng tapang si Radius na kasama niya.

"H-Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang mga taong-lobo," hindi makapaniwalang sabi niya. "Akala ko sa mga libro at sinaunang panahon lang sila nakikita, pero totoo sila." Aniya.

"At hindi na binubuhay ng mga puting lobo ang mga tao na nakakaalam ng kanilang pagkakakilanlan." Anito na ikinataas ng balahibo niya. Ibig sabihin ay kapag nakita siya ng mga ito ay lalapain din siya. "Kaya mag-ingat tayo at dapat ay mga abong lobo lamang ang dapat nating lapitan para kausapin." Anito na tinanguan niya.

"Mas mababait ba ang mga abong klase ng lobo?" tanong niya.

"Mas mabuti silang kausap kaysa sa mga puting klase." Sagot nito.

Mag-aalas dyes y media na rin nang matanaw nila ang malaking bahay na gawa sa kahoy, na may mataas na bakod. Saglit muna silang nagpahinga sa di-kalayuan para makakain muna ng mga dala niyang pagkain at uminom ng tubig, hindi pala madaling maging traveler, sobrang nakakapawis at nakakapagod, palibhasa ay matagal din siyang walang adventurous life.

Pagkatapos nilang magpalakas ay tumayo na sila para tunguhin ang lugar ngunit palapit na sila sa lugar nang may matandang lalaki silang nakita na nakatayo at mukhang nagbabantay sa harapan ng malaking bahay.

Mabilis na nakalapit si Radius habang siya ay nasa likuran nito. "Mawalang-galang lang po, may kilala ba kayong Martin?" ani Radius sa matanda saka rin niya agad na inilabas ang picture ni Martin para ipakita sa matanda.

"Hindi ko siya kilala." Sagot ng matanda. Saka ito bumaling kay Radius. "Ano'ng ginagawa n'yo dito? Hindi kayo dapat nandito," anang matanda.

"Nagtatanong lang po kami ng nawawalang tao," mabilis naman niyang sagot. Nakita niya ang tatak sa braso ng matandang lalaki na simbolo marahil nang pagiging aliping mandirigma.

"Sigurado po ba kayo?" tanong ni Radius. Tumango naman ang matanda, kapagdaka'y may isang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanila, titig na titig ito kay Radius na animo'y gusto na nitong singhalan agad ang lalaki.

"Ano'ng kailangan n'yo mga bata?" tanong ng lalaki.

"N-Napadaan lang, aalis na din kami agad." Ani Radius, saka na siya hinila agad palayo sa lugar.

"Sandali baka siya kilala niya si Martin," aniya saka siya agad kumawala sa pagkakahawak ng lalaki para puntahan ang nakausap na lalaki.

"Jashael, huwag!"

Huli na si Radius dahil nalapitan na niya agad ang lalaki habang tinatanong at ipinapakita ang picture ni Martin. Nakita niyang kumunot ang mukha ng lalaki at halos panindigan siya nang balahibo nang mapatitig ang mga mata nitong nagiging yellow.

"Paano kayo nakapasok sa gubat na ito, tao?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Po?"

Mabilis siyang itinago ni Radius sa likuran nito. "Aalis na kami." Ani Radius saka siya muling hinila palayo. Ang bilis ng lakad nila na animo'y sinusundan sila ng kamatayan. "Hindi mo dapat ginawa 'yon," naiiling na sabi nito. "Sa mga kulay abong lobo ako nakikipag-usap dahil mababait sila at alam kong maiintindihan ako ngunit ibahin mo ang mga puting lobo—at naamoy nga nilang tao ka... tayo..." anito.

Region of the Wolves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon