13

1K 38 0
                                    

"ANG GANDA pala dito sa kagubatan kapag umaga, ang sarap ng hanging nagmumula sa mga puno at halaman, mga huni ng ibon at ang berdeng kapaligiran. Nature really symbolizes peace and serenity. Pero kapag gabi ay kabaligtaran, nakakatakot dahil nagkalat ang mga lobo sa paligid." Ani Jashael kay Radius na nasa unahan niya no'ng naglalakad.

"Ang ganitong tanawin ang maganda sa probinsya, fresh na hangin at fresh sa pakiramdam, na wala sa maingay at maingay na lungsod na pinanggalingan natin." Sagot ng lalaki.

"Paano ka ba napadpad sa lungsod? 'Di ba taga dito ka lang din sa Calanga?"

"Sa Don Busto ako, may isa't kalahating oras ang layo dito, kaya lang dahil wala na akong pamilyang uuwian doon ay hindi na ako dumadalaw doon. Simula kasi nang mawala ang pamilya ko ay sa lungsod na ako tumira at doon ko na ipinagpatuloy ang aking buhay."

"So, naka-vacation leave ka ngayon sa trabaho mo?"

Umiling ito. "Nag-resign na ako mula sa trabaho dahil may kailangan akong asikasuhin dito at para pagtuunan ang misyon ko."

Tumango-tango naman siya. "Kung mahirapan kang maghanap ng trabaho sa lungsod, mag-apply ka na lang sa videoshop ng tita ko, puwede ka doon since magaling ka mag-ayos ng mga appliances at puwede kang maging staff kung mahilig ka sa mga movies." Nakangiting imporma niya na tinanguan nito. "So, mahilig ka sa mga movies? Dramas? Animé or books?"

"Wala kasi akong time para manood ng mga movies o dramas kahit no'ng nag-aaral pa ako, madalas sa boarding house lang ako para magbasa at gumawa ng mga assignments at projects." Anito.

Tumango naman siya. "Maaral ka pala." Nakangiting sabi niya. "Mahirap ba mag-college? Hindi ko kasi alam kung tama ba ako ng kursong kukunin, hindi kasi ako gano'n katalino pero gusto ko maging doctor para makatulong sa mga may sakit na tulad ni mommy."

"Hindi naman nakukuha sa talino ang lahat, nasa dedikasyon, pagsusumikap at pagmamahal sa ginagawa 'yan."

"Wow!" humahangang sabi niya sa words of wisdom ng binata. "Tama ka d'yan at pagbubutihin ko talaga para maipagpamalaki ako ni mommy at ng daddy ko na nasa heaven na," nakangiting sabi niya. Saglit siyang natahimik nang maalala niya ang malubhang karamdaman ng ina saka siya napabuga ng hangin.

"Bakit ka biglang natahimik d'yan?" nilingon siya saglit ni Radius bago muling itinuon ang atensyon sa daan.

"Natatakot kasi akong isipin ang mga mangyayari kinabukasan, sa susunod na bukas, sa hinaharap. Natatakot akong isipin na mawawala si mommy sa mundo nang hindi ko naisasakatuparan ang huling hiling niya, nasasaktan akong isipin na hindi na kami matagal na magkakasama ngunit kung saan siya mas magiging okay ay doon ako." napahinto siya sa paglalakad at nang maramdaman ni Radius na hindi siya nakasunod ay bumaling ito sa kanya at naglakad palapit sa kanya.

"Pahinga muna tayo." Anito, saka siya hinawakan sa braso para hilain papunta sa malilim na lugar. Umupo sila sa isang natumbang punong kahoy. "Sobrang natakot din ako nang mawala ang nanay at mga kapatid ko sa akin at ang pagkakaalipin ni tatay." Malungkot na sabi nito, saka ito napabuga ng hangin at napatingala sa kalangitan. "Pero kailangan nating maging matatag dahil parte ito ng ating buhay. Kailangan nating magpakatatag dahil wala naman tayong ibang choice kundi magpursige at maging malakas para sa iba pa nating mahal sa buhay." Anito.

Nanatili siyang nakatitig sa lalaki at napapiksi siya nang ilagay nito ang kanang kamay sa kanyang ulo at marahang guluhin ang buhok niya saka ito tipid na ngumiti.

Tipid din siyang napangiti at tumango. "Tama ka!"

Tumango ito. "Huwag tayong susuko sa hamon ng buhay. Hindi tayo ipinanganak para maging duwag sa mga pagsubok."

Region of the Wolves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon