"Pupunta ka din ba doon? Baka puwedeng sumabay na ako sa 'yo." saka niya inubos ang kinakain.
Kumagat din ito sa sandwich at saglit na natigilan, marahil ay nagustuhan nito ang pagkain bago nginuya at linunok. "Salamat dito." Tukoy nito sa sandwich na ibinigay niya. "Kung sino man 'yang taong hinahanap mo doon, maaari kong ipagbigay-alam sa kanya na hinahanap mo siya at magkita na lang kayo sa isang ligtas na lugar."
Umiling-iling siya. "Gusto ko siyang makausap ng personal, para ito sa mommy ko na matagal na niyang gustong makita."
"Bahala ka." Sumusukong sabi na rin nito dahil alam nitong hindi din siya agad susuko, kapagdaka'y mabilis na rin nitong inubos ang kinakain, may kanya-kanya silang baon na tubig.
Tumigil saglit ang bus sa isang terminal para sa mga taong nagugutom, nasi-CR at bababâ na sa lugar na 'yon. Siguro ay may sampu na lamang silang natitira sa sasakyan nang ilang minuto pa ay umandar na uli ang sasakyan patungo na sa bayan ng Calanga. Ilang oras pa ang gugugulin bago sila tuluyang makarating sa sadya nilang lugar.
"Ikaw? Ano'ng sadya mo sa lugar na 'yon?" tanong niya sa lalaking tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ito sumagot sa kanya kaya kinalabit niya ito para bumaling ito. "Taga-Makati ka din ba?" curious na tanong niya.
"Hindi." Anito, bago muling bumaling sa labas ng bintana.
"Eh, paano mo ako nailigtas nang gabing 'yon? Ano'ng ginagawa mo sa lugar na 'yon?"
"May pinuntahan ako malapit doon nang marinig ko kayo." Sagot nito.
Tumango-tango naman siya. "Salamat uli, dahil sa 'yo nabawi ko 'yong gamot ng mommy ko."
"Wala 'yon."
Ngumiti naman siya. Ang gaan ng pakiramdam niya sa lalaking ito kahit na may pagka-isnabero ito.
"Kung gano'n, tagasaan ka? Ang pamilya mo? Saka ano palang pangalan mo?" Kanina pa pala niya ito kausap pero nakalimutan na niyang itanong ang pangalan nito. Nang hindi ito sumagot ay siya uli ang nagsalita. "Ako si Jashael Salonga at eighteen years old na ako." pagpapakilala niya.
Saglit itong hindi umimik bago ito nagpakilala din sa kanya. "Radius Alicante, twenty."
Ngumiti siya at tumango. "So, tagasaan ka?"
"Sa Calanga."
"Wow! Tamang-tama pala ang pagkakakilala ko sa 'yo." Masayang sabi niya. "So, sa sitio Don Juan ka din ba didiretso? May kakilala o hinahanap ka din ba doon?" tanong niya. Umayos ito ng upo saka ibinaba ang suot na sombrero sa mukha at tuluyan nang pumikit. Lihim siyang napailing dahil d-in-eadma na naman siya nito. Inabala na nga lang rin niya ang sarili sa pakikinig ng music.
Mahigit isang oras na at makakarating na sila sa destinasyon nila nang biglang tumirik ang sinasakyan nilang bus. Inalis niya ang suot na headset at narinig niya mula sa konduktor na baka aabutin daw ng mahigit isa hanggang dalawang oras ang pag-aayos ng bus dahil nagka-problema daw sa makina, kaya badtrip na ang ilang mga pasaherong natitira. Nakita niyang inayos ni Radius ang suot na sombrero saka tumayo na sukbit ang backpack nito.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa lalaki. Hindi siya sinagot nito at nagpatuloy na ito sa paglalakad palabas ng sasakyan kaya mabilis niyang inisukbit ang backpack at agad na sumunod sa lalaki hanggang sa tuluyan silang nakababa sa sasakyan. "Sandali!" aniya, kaya mabilis itong bumaling sa kanya. "Saan ka pupunta?"
"Bumalik ka na sa loob, mukhang uulan." Anitong nakatingin sa madilim na kalangitan.
"Eh, ikaw, saan ka pupunta?"
"Hindi mo na kailangan pang malaman." Anito. Saka ito nagsimulang maglakad. Naiwan siyang nakasunod lamang ng tingin sa papalayong lalaki pero dahil pareho sila nang lugar na pupuntahan at mukha naman itong mabait ay palihim niya itong sinusundan. Mabuti na lang at may pagka-ninja siya dahil magaling siyang magtago ng palihim.
Medyo malayo na rin ang nalalakad nila at mukhang malayo pa ang magiging destinasyon nila. Tama ba siya nang ginawa para sundan ang lalaki? Saglit muna siyang tumigil sa paglalakad para uminom ng tubig pagkatapos ay bumalik uli siya sa paglalakad ngunit nanlaki ang mga mata niya nang hindi na niya makita si Radius. Luminga-linga din siya sa paligid ngunit hindi niya ito makita kaya mabilis na siyang tumakbo para hanapin ito.
Tumatakbo siya no'n nang biglang may nagsalita sa kung saan at nagulat siya nang makita niya si Radius na nakatayo at nakasandig sa isang malaking puno.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong nito.
"Ah, e, nagpapahangin, ang init sa bus." Aniya. Pero siyempre pa ay palusot lamang niya 'yon.
"Sinusundan mo ako!" anito.
Papaano niya nalaman? Eh, nag-hokage moves na nga ako para hindi niya mapansin. "Oo na, sinusundan na kita, eh, kasi nga sa iisang lugar lang naman ang pupuntahan natin kaya baka puwedeng makisabay na."
"Wala kang kakilala doon."
"Eh, ikaw, may kakilala ba doon?"
"Oo."
"Ako din naman."
Napakunot-noo ito. "Bukod kay Martin ay ikaw ang kakilala ko na papunta doon." Nakangiting sabi niya pero mas lalo lang yata itong nainis sa hitsura nito.
"Ayaw kitang maging kargo." Anito.
"Eh, hindi ko naman sinasabi na alalahanin mo ako, kanya-kanya tayo ng lakad, makikisabay lang ako sa 'yo." Aniya.
"Bakit ka ba pinayagan na maglakbay mag-isa?" naiiling na sabi nito.
Sinasabi ba nitong 'nene' pa siya at hindi siya maaaring maglakbay mag-isa? Pinamaywangan niya ang lalaki saka napabuga ng hangin. "For your general information, kaya ko ang sarili ko at pinayagan ako ng tita ko na maglakbay mag-isa dahil may tiwala siya sa aking makakauwi ako ng ligtas, na kasama si Martin."
"Sino ba ang Martin na hinahanap mo?" tanong nito.
Mabilis siyang nakalapit sa lalaki at inilabas ang picture sa bulsa ng kanyang bag saka ipinakita dito. "Ito, si Martin Dorshner, ang one great love ng mommy ko, ang first love niya bago ang daddy ko." Imporma niya sa lalaki. "Kailangan ko siyang maisama sa bahay namin para muli siyang makita ni mommy bago siya bawian ng... buhay." Malungkot na sabi niya. Umalis sa pagkakasandig si Radius sa puno at muling nagpatuloy sa paglalakad. "Sandali, hintayin mo ako!" saka siya tumakbo para makisabay sa lalaki. "Hindi mo na ba ako pipigilang sumabay sa 'yo?" nakangiting sabi niya. Nang hindi ito sumagot ay napangiti siya para sa tagumpay. Silence means yes!
BINABASA MO ANG
Region of the Wolves (COMPLETED)
WerewolfNaging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon maaaring pagtuunan ng pansin dahil may misyon pa siyang kailangang gawin para sa kanyang ina. #Got...