Natawa ito sa sinabi niya. "Medyo." Nangingiting sabi nito. "Saka mahirap ang makipagkaibigan sa mga taga-lungsod, malayo kayo at walang kaming komunikasyon sa inyo dahil sa simpleng pamumuhay namin dito,"
"Mas maganda dito e, tahimik at payapa, wala ding nakaka-addict na mga gadgets at wi-fi." Nakangiting sabi niya.
"Minsan nakakainggit din kayo sa lungsod dahil lahat ng mga bagong teknolohiya ay naroon na pero okay na rin ang pamumuhay namin dito, mahirap pero kinakaya."
Ngumiti naman siyang tumango sa babae. "Hayaan mo, hindi ako magkaka-crush kay Radius, kaya iyong-iyo lang siya." Paniniguro niya sa babae, nagulat siya nang mabilis naman siyang niyakap nito.
"Friends na talaga tayo, Jashael." Masayang sabi nito.
NAPALUNOK nang mariin si Jashael nang makita niya ang nag-iigtingang mga muscles ni Radius dahil sa suot nitong puting sando at ang magandang shape ng katawan nito dahil humahapit 'yon sa suot nito. He really has a model type of body, puwede na itong isabak sa fashion show.
Pag-gising niya kinabukasan ay agad niyang hinanap si Radius at nakita niya itong nagsisibak ng kahoy na panggatong sa likod-bahay kasama ang dalawang mga kaibigan nito, na noon ay masayang nag-uusap habang nagluluto ng kanilang agahan.
Muli siyang napabaling kay Radius. Biglang kumabog ang niya nang maalala niya ang naganap sa kanila sa bench kagabi—ang pagkakalapit ng kanilang mga mukha; sobrang guwapo nito sa close up at ang cute din nito ma-concious, hindi tuloy niya napigilang mapangiti. Napanood niya itong malakas na nakipaglaban sa mga goons—pero sa simpleng mga titig niya ay tumitiklop ito.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabilis bumaling si Radius sa pintuan kung nasaan siya nanunood kaya bigla siyang dinagundong ng malakas na kaba sa kanyang puso. 'Anyare sa 'yo, puso? Tanong niya sa puso niya dahil sa weird na inire-react nito. Kinalma na muna niya ang sarili bago siya ngumiti sa binata at sa mga kaibigan nitong napalingon na din sa kanya, naglakad siya palapit sa dalawang lalaking nagluluto para tumulong.
Nangako ka kay Semira na hindi ka magkaka-crush kay Radius! Pangangaral ng isipan niya. Siya? Nagkaka-crush kay Radius? Eh, kung hindi, bakit ganyan ka maka-react kapag nagtatagpo ang inyong mga mata? Daig mo pa maka-high school feels. Napailing siya ng lihim. Wala siyang crush kay Radius, nagu-guwapuhan at naa-astigan lang siya sa lalaki, wala nang iba!
"Good morning! Ano'ng maitutulong ko sa inyo?" nakangiting bati niya sa lahat.
Ngumiti din ang mga ito sa kanya. "Kaya na namin ito, Jashael, sa loob ka na lang." sagot ni Cassius.
Umiling-iling siya. "Naku! Marunong din akong magluto, hindi lang siguro kasing galing n'yo, pero puwede nang pagtiyagaan." Nakangiting sabi niya.
"'Di bale Jashael, magaling sa gawaing bahay itong si Rad, puwedeng-puwede kang magpaturo sa kanya sa hinaharap." Nakangiting sabi ni Jacobo.
Nagtataka siyang bumaling sa lalaki. "Puwede ba talaga akong magpaturong magluto sa kanya sa hinaharap?" aniya.
Pilit na ngumiti sa kanya si Radius saka ito bumaling sa dalawang kaibigan nito at mabilis na binato ng maliit na piraso ng kahoy ang dalawa, na mabilis ding nasalo ng dalawang lalaki, pero sa pangalawang pagbato ni Radius ay sa noo niya tumama ang kahoy.
"Hala! Natamaan mo si Jashael." Magkasabay na sabi nina Jacobo at Cassius.
Mabilis siyang dinaluhan ni Radius para i-check ang kanyang noo, ngunit nagkagulo na naman ang sistema niya nang hawakan nito ang pisngi niya para i-check ang kanyang noo. Nakarinig siya nang malakas na pagtikhim at hagikgikan sa dalawang mga kaibigan nito ngunit hindi na nila pinansin dahil mabilis na siyang dinala ng lalaki sa loob ng bahay para gamutin ang mahapding noo niya. Kaya naman din niyang ilagan 'yong pagbato nito, kaya lang ay masyadong mabilis.
Kinuha niya ang first aid kit sa kanyang bag at ito ang siyang gumamot sa maliit ngunit mahapding sugat sa kanyang noo. Kahit pawisan ito ay nakapa-fresh at bango pa rin ng amoy nito.
"Sorry, ang kukulit kasi nila." Naiiling na sabi ni Radius sa kanya.
Hindi siya makaimik dahil ang lapit nito sa kanya at ang lakas ng kabog ng puso niya at natatakot siyang baka marinig nito. Kaya tumango na lang siya. Ang aga namang kiligan nito. Kiligan? Kinikilig ka? Akala ko ba hindi mo siya crush? Sino ba kasing may sabing crush niya ito? Narinig niyang may tumikhim sa likuran ni Radius at nasilip niyang si Semira 'yon kaya mabilis siyang humiwalay sa lalaki.
"S-Salamat sa paggamot." Aniya. Tumango naman ito at binati si Semira bago muling bumalik sa likod-bahay para ipagpatuloy ang ginagawa. Binati at nginitian rin niya si Semira kaya lang ay mapanuring mga tingin ang iginanti nito sa kanya.
"MARAMING salamat sa inyong lahat sa pagpapatuloy sa akin dito, pero kailangan ko na ding umalis agad dahil may gagawin pa akong misyon. Hindi ko kayo makakalimutan lahat." ani Jashael sa mga taong nagpatuloy sa kanya sa bahay.
Tumango at ngumiti naman sina Jacobo at Cassius, tumango lang din sa kanya si Semira na parang biglang nailang sa kanya dahil sa tagpong nakita nito kanina. After ng breakfast ay nakiligo at bihis na rin siya bago napag-pasyahang ipagpatuloy ang paghahanap kay Martin. Nag-refill na din siya ng lalagyan ng tubig, mabuti na lang at madami pa naman siyang stocks nang makakain sa bag niya.
Nang bumaling siya kay Radius ay tahimik lang itong nakatingin sa kanya bago nag-iwas ng tingin. Ngumiti at kumaway na siya sa mga ito bago siya tuluyang lumabas ng bahay ngunit hindi pa man siya nakakalayo nang marinig niyang tinawag ni Radius ang pangalan niya. Paglingon niya sa lalaki ay nakita niya itong patakbong lumalapit sa kanya at may nakasukbit na bag sa likuran nito.
"May sasabihin ka ba sa akin, Radius?" tanong niya.
Tumango ito sa kanya at tipid na ngumiti. "Sasama ako sa 'yo!"
Nanlaki ang mga mata niya. "S-Sigurado ka ba?"
Tumango ito at napakamot sa baba. "Baka malagay ka na naman sa panganib, at least nandito na ako para samahan ka." Mahinang sabi nito pero narinig naman niya.
Napangiti tuloy siya at hindi niya naiwasang kiligin. "Nandito ka para ipagtanggol ako?" masayang tanong niya.
"Nandito ako para samahan kang... tumakbo." sagot nito saka ito tipid na ngumiti at nauna nang naglakad sa kanya. "Basta umuwi tayo bago magdilim, full moon ngayon..."
"Akala ko pa naman," naiiling na sabi niya sa sarili saka siya tumakbo para umagapay sa paglalakad nito. "Sa tingin mo, posible tayong makasalubong ng mga malalaking lobo sa daan?"
"Oo,"
"Hala!" aniya, na agad napahawak sa braso nito at nang bumaling ito sa kanya ay mabilis din siyang bumitaw. "'Di bale, ramdam kong darating uli 'yong magiting na kulay abong lobo para ipagtanggol ako. Kapag nakita mo 'yon, sobrang maa-amaze ka. Ang ganda ng mga balahibo niya at ang galing niyang makipagbakbakan!" Humahanga at pagmamalaki niya sa lobo. Narinig naman niyang tumawa at umiling si Radius dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Region of the Wolves (COMPLETED)
LobisomemNaging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon maaaring pagtuunan ng pansin dahil may misyon pa siyang kailangang gawin para sa kanyang ina. #Got...