11

1K 36 0
                                    

NAPABUGA ng hangin si Radius habang nakatingin sa kuwartong inuokopa ni Jashael kasama ang nakababatang kapatid na babae ni Jacobo. Kailangan na nitong mahanap agad ang lalaking gusto nitong makita bago sila kumilos ng mga katribo niya para sugurin ang tribo ni Lycaon para iligtas ang kanyang ama at ang iba pang mga katribo nilang inalipin sa forbidden forest at tuluyan nang makalaya ang iba pang mga abong lobo.

Namatay ang kanyang ina, dalawang taon na ang nakakaraan kasama ng kanyang dalawang nakababatang mga kapatid na babae dahil sa marahas at malupit na mga puting lobo. Gusto ng mga puting lobo na isama at alipinin ang kanyang mga magulang pero nanlaban ang kanyang ama, ngunit sa huli ay natangay din ito dahil lubos na napinsala ang kanyang ina dahil tumulong ito sa paglaban kasama ang kanyang ama.

Agad na namatay sa pangyayari ang dalawang kapatid niya at tatlong araw namang nabuhay ang kanyang ina, na gustong makita ang kanyang ama bago ito nalagutan ng hininga, Wala siyang nagawa sa huling kahilingan ng kanyang ina dahil wala siyang kalaban-laban sa mga nilalang na kumuha sa kanyang ama.

Ngunit sinanay niya nang husto ang kanyang sarili sa pakikipaglaban mabuti na nakakuha siya nang kaalaman sa pagsasanay na ginawa nila ng tatay Rufus niya no'ng kabataan niya hanggang sa tumapak siya sa edad na disi-otso at naging perpekto ang kanyang transformation bilang isang taong lobo. No'ng una ay nakakapanibago ngunit nasanay din.

Inilihim ng kanyang mga magulang ang totoo nilang pagkatao at nabuhay siya ng sampung taon na hindi alam na isa siyang lycan o taong-lobo.

Naririnig na niya ang ganitong klaseng nilalang no'n at nakakita na rin siya sa mga pelikula, ngunit nalaman niya ang pagiging isang taong-lobo nang makita niyang magbagong-anyo ang kanyang ama para labanan ang masasamang taong gustong pumatay sa kanila, may walang taon nang nakakaraan at muling naulit may dalawang taon nang nakakaraan.

Kahit pamilya sila ng taong-lobo ay ginusto pa rin nilang mamuhay na tulad ng normal na tao, kaya namuhay sila nang payapa sa bayan ng Calanga, malayo sa sitio Don Juan o sa Forbidden forest.

Nang matuto siyang magpalit-anyo, naging kontrolado din niya 'yon agad kahit mahigit dalawang taon pa lang siyang naging ganap na taong-lobo, simula nang tumuntong siya sa edad na disi-otso. No'ng nalaman niyang may dugo siya ng taong-lobo, may sampung taon nang nakakaraan, ay maraming ipinagbilin sa kanya ang kanyang ama na mga dapat at hindi niya dapat gawin.

Simple lang ang hanap-buhay ng kanyang ama na isang karpentero at ang kanyang ina bilang serbidora sa isang restaurant, napag-aaral silang magkakapatid sa isang payak na paaralan sa lugar nila. Nang makapag-graduate siya ng high school ay sinikap ng mga magulang niya na pag-aralin siya sa lungsod dahil walang college University sa kanila, ngunit naganap nga ang kahindik-hindik na pangyayari sa kanyang pamilya.

Malungkot niyang nilisan ang kanilang lugar at naging partime crew sa isang fastfood chain para mapag-aral ang kanyang sarili sa kinuhang two year course, na pangarap sa kanya ng kanyang mga magulang at pagkatapos niyang gr-um-aduate ay naghanap siya agad ng trabaho at natanggap sa isang malaking talyer.

Kasabay nang pagtatrabaho niya ay ang pagpapalakas ng kanyang sarili at ang pagpa-plano niya sa pagliligtas sa kanyang ama mula sa pagkakabihag ng mga puting lobo.

Nakapunta na siya noon sa sitio Don Juan para sumagap ng balita tungkol sa pagkakabihag ni Lycaon sa mga aliping lobo. May dalawang klase na alipin si Lycaon; ang mga alipin na tagapagsilbi; ito ay karaniwang mga babae o mga nilalang na mahinang pisikal, na nagsisilbi sa kampo o sa labas ng forbidden forest at mga aliping mandirigma. At nasa huling kategorya ang kanyang ama. Naghahari ang kagustuhan ng pinuno ng mga puting lobo na maghari sa buong mundo laban sa ibang mga lahi at magkaroon nang malakas na hukbo at mga alipin.

Region of the Wolves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon