"Ibibigay mo ba ang pera mo o gusto mo pang daanin sa pisikalan?" sabi ng kausap niyang lalaki.
Pinanlisakan niya ito ng mga mata ngunit nakahanda na siya sa anumang pag-atake nang sinuman. Nang hindi siya sumunod sa kagustuhan ng lalaki ay agad na nakalapit ang apat na lalaki at sunod-sunod na umatake sa kanya, napatumba niya ang dalawang magkasunod na umatake ngunit nagulat siya nang maglabas ng punyal ang dalawang sumunod na lalaki.
"Ibigay mo na ang hinihingi namin kung ayaw mong masaktan!" Sabi ng isang lalaking may hawak na punyal.
"Wala na nga akong pera, ang kulit n'yo din, e." naiinis na sabi niya ngunit naroon pa rin ang takot na nararamdaman niya.
Napapiksi siya nang may isang lalaki ang nakalusot sa likuran niya at nahawakan nito ang magkabilang braso niya nang patalikod bilang bihag ngunit hindi siya nagpasindak kahit pakiwari niyang baka may dala rin itong armas, malakas niya itong h-in-eadbutt gamit ang likuran ng kanyang ulo at siniko sa tiyan saka mabilis na kumawala ngunit hindi niya napaghandaan nang ang dalawang lalaking may dalang punyal ang sumunod na bumihag sa kanya, doon ay hindi na siya makapanlaban.
Dahan-dahang lumalapit ang lalaking nag-snatch ng bag niya nang may ngisi sa mga labi at nang makalapit ito sa kanya ay mabilis siyang kinapkapan sa bulsa, ngunit bigo rin ito sa huli dahil wala itong nahita sa kanya. Tumalikod na ito sa kanya at inutusan ang mga kasamahan nitong patahimikin na siya bago ito naglakad palayo sa kanila.
Magpupumiglas na sana siya ngunit nagulat siya nang may malakas na bumato ng basyo ng coke in can sa ulo ng lalaking nag-snatch ng bag niya kanina, kaya napatigil ito sa paglalakad at bumaling sa nambato dito. Nagulat din silang bumaling sa sinumang nambato ng lata sa lalaki, na nasa madilim na bahagi ng abandunadong lugar.
"Sino ang bumato sa akin ng lata?" galit na sabi ng lalaki. Saglit pa ay nakarinig sila nang sigaw mula sa isa sa kasamahan din ng mga ito, at nang balingan nila ito ay bagsak na ito sa semento at namamaluktot na dahil sa sakit na nakikita niya sa mukha nito.
Mula sa dilim ay may bultong mabilis na gumalaw at namalayan na lang niyang nakahalik na sa semento ang dalawa pang kasamahan ng lalaki at naramdaman niyang nakawala na siya sa pagkakabihag ng dalawa pang lalaking may dalang punyal.
Isang matangkad at matipunong lalaki ang na nasa harapan niya, na nakatitig sa leader ng mga snatchers. Nakarinig siya nang pag-angil na parang aso at nakita niya kung gaano nanginig sa takot ang snatcher kaya mabilis itong napaatras.
Dahan-dahang lumalapit ang matangkad at matipunong lalaki sa snacther kaya paatras naman nang paatras ang lalaki.
"H-Huwag kang lalapit!" sigaw ng snatcher, na nanginginig ang boses. Bakit mukha itong takot na takot sa lalaki? Eh, kung tutuusin ay magka-height at magka-built lang naman ng katawan ang mga ito.
Ngunit hindi pinakinggan ng lalaki ang sinabi ng snatcher at patuloy pa rin ito sa paglapit, napasinghap pa siya nang maglabas ng maliit na baril ang snatcher pero hindi pa rin nagpatinag ang lalaking nasa harapan niya.
Sa isang kisap-mata ay nasa tabi na ng snatcher ang lalaking nasa harapan niya kanina at nahawakan na nito ang kamay ng snatcher na may hawak na baril. Nagulat siya nang biglang pumutok ang baril ngunit tumama 'yon sa kisame ng building.
Narinig niyang nagngitngit sa kisame at nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang makita niyang unti-unti nang nagbabagsakan ang mga kahoy at yero. At sa gulat niya ay animo'y napako siya sa kinatatayuan niya kaya hindi siya agad nakagalaw.
Napapikit na lang siya at napausal nang dasal. Naramdaman niyang may matigas na mga braso ang pumalibot sa kanyang katawan kaya mabilis siyang nagbukas ng mga maya at nakita niya ang matangkad at matipunong lalaki kanina na naka-protekta na sa kanya—at dito lahat tumama ang mga bagay na dapat ay sa kanya tatama. Hindi siya nakaimik habang nakatitig lamang sa lalaking pumu-protekta sa kanya.
Nang tumigil ang pagbagsak ng mga bagay ay muling gumalaw ang lalaki saka nito malakas na binuwag ang mga nakadagan sa kanila. Na-amaze siya sa ginawa nito ngunit mabilis siyang tumayo para kumustahin ang kalagayan ng lalaki.
Nakita niyang may mga galos ito sa katawan ngunit ang ipinagtataka niya ay parang balewala lang dito ang mga 'yon, para tuloy itong may super powers. Akmang lalapitan niya ito ay umatras ito palayo sa kanya. Nakita niya ang hitsura nito; napakaamo at napaka-guwapo ng mukha nito.
"A-Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa lalaki, dahil iniligtas nito ang buhay niya. Tumango ito sa kanya at mabilis ding tumalikod at akmang aalis na ito nang mabilis niya itong pinigil. "H-Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa 'yo." Aniya.
"Walang anuman," anito. Saka ito mabilis na naglakad paalis sa lugar. Gustuhin pa sana niyang makilala ang lalaki ngunit hindi na niya nagawa dahil bigla na lang itong nawala sa madilim na parte ng lugar.
Nang balingan niya ang mga lalaki kanina ay nakahandusay pa rin ang mga ito sa semento kaya kinuha niya ang pagkakataong 'yon para muling makuha ang bag at iba mga gamit at gamot na nagkalat sa semento at para makatakas sa mga ito. Mabilis naman niyang nakuha ang mga gamit niya saka nagtatakbong umalis ng lugar.
Lubos pa rin siyang nagpapasalamat sa hindi kilalang lalaking 'yon na tumulong sa kanya dahil walang anumang nangyaring masama sa kanya at nabawi pa uli niya ang gamot ng mommy niya. Nang makarating siya sa mataong lugar ay doon niya nakita si Quinn na no'n ay kausap ang mga pulis, marahil ay tumawag ito ng mga pulis para tulungan siya. Naramdaman yata nitong nakatingin siya sa lalaki kaya nang bumaling ito sa kanya at nakita siya ay nagmamadali itong nakalapit sa kanya saka siya agad na niyakap.
"Pinag-alala mo ako!" pagalit na sabi nito.
"Hindi naman ako napaano, e." aniya. Saka siya kumalas sa pagkakayap nito at itinuro sa mga pulis ang kinaroroonan ng mga lalaking gumawa sa kanya ng masama.
Sumakay na rin sila sa isa pang sasakyan ng mga pulis para magpahatid sa bahay nila at doon na rin sila sa sasakyan magbibigay ng ibang mga detalye sa pangyayari.
"Papaano ka nakawala sa kanila kung sabi mo ay anim sila?" amazed na tanong ni Quinn.
"May lalaking tumulong sa akin," kuwento niya. "Para siyang superhero na hindi man lang nasaktan nang protektahan niya ako mula sa pagkakadagan ng mga yero at kahoy."
"Ang creepy naman. O baka naman may kapagyarihan talaga ang lalaking 'yon o baka engkangto." Natatakot na sabi nito.
"Sino kaya siya?"
BINABASA MO ANG
Region of the Wolves (COMPLETED)
WerewolfNaging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon maaaring pagtuunan ng pansin dahil may misyon pa siyang kailangang gawin para sa kanyang ina. #Got...