20

979 36 0
                                    

Unti-unting naglabasan ang iba pang mga lobo at pumaligid sa kanilang tatlo. Mas mabagsik ang hitsura ng mga ito at animo'y handa nang kitlin ang kanilang mga buhay anumang oras.

"Ama!" sigaw ni David saka mabilis kinalong ang ama.

Muling umungol ang matanda saka ito dahan-dahang nagpalit ng anyo habang hindi maintidihan ang mukha nito na labis nasaktan. Tina-traydor na ito ng mga alipin nito! Nakarinig sila nang malakas na angil mula sa higit sampung puting lobo na nakapaligid sa kanila, na pinamumunuan ng malaking lobo na nakaharap ng kanyang tatay Rufus kanina.

Sandali pa ay sabay-sabay na umatake ang mga lobong ito sa kanilang tatlo ngunit mabilis niyang naharangan ang lobong gustong umatake kay Lycaon at sa kanyang ama. Sinugod niya ang lobo at napatumba saka agad kinagat ang leeg nito at hinarap ang mga iba pa, masyadong madami!

Ngunit naramdaman niya sa kanyang tabi ang kanyang totoong ama na nagpalit na rin ng anyo—puting lobo ito na may itim na hugis diyamante sa ulo nito. Sabay nilang hinarap ang mga traydor na lobo, napabagsak nila ang mga kaharap ngunit sabay din silang bumagsak sa pagsugod ng iba pang kalaban ngunit agad ding tumayo para lumaban. Nilapa niya ang leeg ng lobong kaharap niya.

Umangil siya nang malakas nang makita niyang tumumba ang kanyang ama nang malakas. Mabilis niya itong prinoktektahan sa gustong sumugod dito. Nakatayo din agad ito ngunit tinungo nito si Lycaon dahil may isang lobong nakatakas mula sa kanila na gustong sumugod sa matandang lobo, na noon ay nanghihina dahil sa malubhang sugat nito. Mabilis na binalya ng kanyang ama ang kalabang lobo para iligtas si Lycaon.

Hinarap niyang muli ang iba pang lobo ngunit nagulat siya nang lumapit sa kanya ang ibang mga abong-lobo kasama na si Cassius para tulungan siya. Alam niyang sugatan din ang mga ito at nanghihina pa ngunit hindi nagdalawang-isip ang mga ito para tulungan silang mag-aama. Saglit pa ay muling nagkasagupaan ang mga puti at abong-lobo, tumulong muli ang kanyang totoong ama sa kanila.

Bumagsak siya sa huling nakalaban at akmang susugurin siya ng isa pang kalaban nang may tumalon sa kanyang harapan at malakas na binalya ang kalaban, isang sugatan na matandang lobo na may itim na hugis diyamante sa ulo—si Lycaon. Pagkasugod nito sa kalabang lobo ay napasadlak ito sa lupa dahil sa labis panghihina, marami nang nawalang dugo dito.

Mabilis siyang nagpalit-anyo para sumaklolo kay Lycaon at naroon na rin ang kanyang ama no'n para tumulong sa matanda. "Ako nang bahala dito, kaya kong gumamot, iligtas mo na ang kasintahan mo at si Rufus." Ani David na mabilis niyang tinanguan. Tinignan na muna niya ang mga kasamahan abong-lobo at tinanguan ang mga ito bilang pasasalamat na tinanguan din ng mga ito.

Pagkadating niya sa loob ng bahay ay nakita niyang duguan na ang ulo ni Jashael habang ang ama ay bagsak na sa sahig at duguan ang katawan, nasa harapan ng mga ito ang isang napakalaking puting lobo.

"R-Radius..." narinig niyang sambit ni Jashael. Pati ito ay mukhang pagod na rin.

Nagngingit siya sa inis at umangil saka siya mabilis na nagpalit-anyo bilang taong-lobo. Mabilis niyang sinugod ang lobo at malakas 'yong napatumba ngunit bago pa niya ito makagat ay nakabawi ito agad ng lakas at siya naman ang napatumba.

"Radius!" nanghihinang tawag ni Jashael saka nito pilit na tumayo para tulungan siya. Mabilis siyang umangil at umiling sa babae ngunit nagmatigas ito. Hawak nito ang pilak na punyal na lagi nitong dala at akmang sasaksakin niya ang likuran ng lobo ngunit mabilis itong nakabaling sa babae at malakas itong binalya hanggang tumama ito ng matulis na kahoy.

Umugol siya at mabilis na sinugod ang kalaban at malakas itong pinatumba saka kinagat ang katawan nito hanggang sa maging duguan ito saka niya mabilis na dinaluhan si Jashael. Nagbagong-anyo siya para masuri ang kalagayan nito.

"Jashael," nag-aalalang sabi niya.

"R-Radius, okay lang ako, ang tatay mo," nanghihinang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Jashael at mabilis siyang tinabig kaya ito ang malakas na nabalya ng kalabang lobo na sumugod mula sa likuran ng binata.

Tumama ang likuran ni Jashael sa pader saka ito napahiga at nanlaki ang kanyang mga mata nang saktong nahulog ang matulis na lilok sa mismong tapat ng puso ng dalaga at naibaon duon ang matulis na bagay.

"Jashael!" malakas na sigaw niya. Mabilis siyang nag-transform bilang lobo para sugurin ang kalaban at malakas itong kinagat sa leeg, ngunit nanghihina na rin pala ang kalabang lobo dahil nakatarak na sa dibdib nito ang pilak na punyal ni Jashael hanggang sa dahan-dahan itong tumumba.

Muli siyang nag-anyong-tao para saklolohan si Jashael. "Jashael, huwag kang susuko!" aniya. Tuluyan na siyang napaiyak. Parang nakikita niya ang kalagayan nito dati ng kanyang ina ngunit hindi siya makakapayag na tulad ng ina niya ay mawala ito. Ito na ang nagsilbing lakas at kaligayahan niya at hindi na niya maiisip ang buhay niya kapag nawala ito. "Huwag mo akong iiwan, Jashael." aniya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang matulis na bagay na nakatarak sa dibdib nito.

Naalala niyang ikinuwento no'n ng nanay niya na naghihilum ang sugat ng mga lobo—kung kakagatin ba niya si Jashael at maging lobo ito, gagaling ba ito agad? Dahil katulad ng mga bampira ay kaya nilang gawing kauri nila ang isang nilalang kapag kinakailangan.

Mabilis naging asul ang kulay ng mga mata ni Radius at lumabas ang kanyang matutulis na ngipin saka bumaba ang kanyang mukha patungo sa leeg ng dalaga. Magiging kaisa nila ito—pero kamumuhian ba siya nito kapag nalaman nitong ginawa niya itong taong-lobo?

Region of the Wolves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon