21

1.1K 39 0
                                    

"HUWAG! Huwag na huwag mong gagawin 'yan!" malakas na sigaw ni David na nalingunan ni Radius. Mabilis itong nakalapit sa kanila ni Jashael saka tinulungan ang dalaga. "Maayos na ang lagay ni ama at nagpapahinga na siya." Imporma nito sa kanya, saka nito binuhat si Jashael para dalhin sa isang kuwarto.

Binuhat din ni Radius ang kanyang Tatay Rufus para ilapag sa malaking kahoy na upuan sa kuwarto kung saan din ipinasok si Jashael.

"G-Gagaling po sila, 'di ba po... ama?" ani Radius kay David.

Gulat itong napalingon sa kanya dahil sa pagbanggit niya ng "ama", hanggang sa unti-unting nakita ang tipid nitong pagngiti bago ito tumango sa kanya. Lumabas saglit sa kuwarto si David at pagbalik nito ay may dala na itong tray ng iba't ibang lagayan ng marahil gamot at mga halaman.

"Natuto akong manggamot dahil sa aking ina dati," paliwanag nito sa kanya bago sinimulang punitin ang damit ni Jashael para malapatan ang lunas sa sugat ng dibdib nito. Mabilis naman siyang tumalikod sa ama.

"M-Malalim po ba ang sugat na natamo niya?" nag-aalalang tanong niya. Hindi pa rin niya maiwasang mag-alala dahil napaka-importante ng dalaga sa buhay niya—ni hindi pa niya nasasabi dito na mahal niya ito dahil natatakot siyang umibig sa hindi niya kalahi, ngunit nang mga sandaling 'yon ay wala na 'yon sa isip niya—ramdam niyang mahalaga rin siya para sa dalaga at doon ay umaasa siyang may espesyal din siyang puwang sa puso nito.

"Malalim at mapanganib." Sagot ng kanyang ama na muling ikinatakot niya, bumaling siya para tignan ang dalaga ngunit mabilis din siyang tumalikod dahil kasalukuyan pa rin itong ginagamot. "Medyo matatagalan itong maghilum." Sagot ng kanyang ama.

"Gawin n'yo po ang makakaya n'yo ama, at sa aking Tatay Rufus..."

"Kakayanin ni Rufus 'yan, isa siyang dakilang mandirigma," anito. "Alam kong makakapaghintay pa siya saglit, masyado lang talagang malalim ang sugat na natamo ng 'yong kasintahan."

"H-Hindi ko po siya kasintahan," nahihiyang pag-amin niya.

"Pero mahal mo siya." Sabi ng kanyang ama na ikinatigil niya bago tumango. Narinig niya itong tumawa. "Minahal ko din ang 'yong ina noon, ngunit wala pa ring mas nakakahigit kay Annie sa puso ko, patawarin mo ako." sabi nito.

Umiling-iling siya. "Nilayuan n'yo ba ang ina ni Jashael dahil natatakot kayong magmahal ng hindi natin kauri?"

Saglit itong hindi nakasagot. "Oo, pero pinagsisisihan kong hindi ko sinubukan." Pag-amin nito. "Kaya ang payo ko lang sa 'yo anak, kung ano ang laman ng puso mo ay sundin mo. Hindi man lahat tama, pero alam mong sa huli ay doon ka liligaya." Anito.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ng ama dahil pinag-isipan niya 'yon nang mabuti. Hindi niya kayang hindi makita, makausap at makasama si Jashael dahil mahal na niya ito at kung no'ng una ay balak niyang kalimutan ang nararamdaman dito para hindi masaktan—ngayon ay handa na siya para sa damdamin niya. Sana ay gumaling na ito agad para maipagtapat na niya ang damdamin dito.

Hinawakan niya ang kamay ni Rufus na nasa harapan niya. "'Tay, maraming salamat sa lahat-lahat, utang ko sa inyo ni Nanay ang buhay ko." Aniya. Saka niya yumakap nang mahigpit sa nakilalang ama. Narinig niyang mahina itong umungol kaya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa matanda ay nakita niya itong tipid na ngumiti sa kanya na ginantihan niya agad.

Makalipas ang halos isang oras sa paggagamot ni David kay Jashael ay isinunod naman nito si Rufus. Masyado daw maraming dugo ang nawala dito kaya naman nag-boluntaryo siya para bigyan ito ng dugo. Makalipas uli ang ilang minuto ay naging maayos na ang kalagayan ng dalawa.

Region of the Wolves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon