Unti-unti akong lumapit kung nasaan Luke. Lumuhod ako sa harap niya upang Makita ng maayos yung kalagayan niya. May mga gasgas siya na natamo mula sa mga basag na vase at baso. Itinabi ko yung mga alak sa gilid habang ginagawa ko iyon ay nakatingin siya ng malalim sakin.
Inagaw ko yung isang bote sa kamay niya dahil mukha na itong lasing. Kailangan pa ata niyang pumunta sa meeting kasama ang parents niya para sa nalalapit na eleksyon.
"Luke, tama na yung paginom mo. Pupunta ka pa sa bahay niyo 'diba?"
"Tsss..." Inis na sabi sakin nito sabay layo sa bote at tinungga para maubos na ang laman. Pagkatapos tumungga ay bumuga naman ito sa sigarilyo niya.
"I don't know what will I do to you anymore, Mia. You always exceed my limitation" nakayuko ito habang sinasabi niya iyon. Naguguluhan parin talaga ako sa kanya. Simula nung dumatiing siya rito ay wala na siyang ginawa kundi guluhin ang isipan ko.
"Luke please, hindi na kita maintindihan. Hindi ko alam ba't mo 'to ginagawa. Pinagtitripan mob a ako? Kung pinagtitripan mo ko, tama na please panalo kana." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya habang siya ay nakayuko parin.
"Hindi kita pinagtitripan Mia. Tangina, akin kalang. Walang makakaagaw sayo. Akin ka lang."
"Luke, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala nga tayo? Hindi tayo pwede. Alam mo 'yan." Naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon. Bakit ba kasi ako, Luke?
"Isang tanggi mo pa sakin, ikukulong na kita rito. Hindi ka na makakalabas ng bahay, hindi mon a makikita si Anne, lalong lalo na ang pamilya mo. Pagkatapos ng graduation niyo magpapakasal tayo. Sa ayaw o sa gusto mo. Ayokong may umaaligid sa'yong ibang lalaki." Seryoso na sabi ni Luke habang nakatingin na diretso sakin.
Napatayo ako sa sinabi niya. "ANO KASALA, LUKE? NAHIHIBANG KA NA BA? ANO BANG GUSTO MO SAKIN? SA PAGKAKAALAM KO WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA SA'YO DATI PARA PARUSAHAN AKO NG GANITO." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, sumigaw na ako sa inis at frustration na dala ni Luke sakin.
Tangina Luke, hindi kita maintindihan. Ano ba talagang gusto mo sakin? Wala kang mapapala sakin. Mahrap lang kami. Wala kaming ari-arian at kung ano-ano pang mga bagay na makakpagdepinisyon na mayaman o may kaya kami.
Tuluyan akong tumalikod upang umalis sa kwarto na 'yon. Hindi ko kaya na nasa iisa kaming lugar ni Luke hindi ako makahinga sa presensya niya.
Bago ako makaalis sa kwarto ay tinawag niya ang pangalan ko.
"Mia, isang hakbang mo pa magsisisi ka. Alam mo ang kaya kong gawin."
Hindi ko na siya pinakinggan at tumalikod na ako ng tuluyan at dumiretso sa hagdan upang makababa na pero nung nasa ikalawang baitang na ako ay narinig ko ang sigaw niya kasabay ng pagsipa sa isang bagay.
"TANGINA!!!! MIA, BUMALIK KA RITO, FVCK!!!!"
Bago pa man niya ako maabutan ay tumakbo na ako palabras ng gate ng bahay na iyon, hindi ko man alam ang lugar na ito ay naglakas loob na akong sumugal makaalis lang sa bahay na iyon at sa demonyong nakatira sa loob nito.
Paikot –ikot ako sa subdivision na ito pero hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta at paano ba ako makakalabas dito. Wala akong makitang tao at bahay puro matataas na damo ang nandito.
Maya-maya pa ay may narinig akong paparating na sasakyan dali-dali akong lumapit rito inaasahan na pwede itong tumulong sakin pero laking gulat ko ng makita kung sino ang bumaba sa driver seat.
"Mia, get in. 'Wag na tayong maghabulan ikaw lang ang mapapagod." Sinasabi niya ito habang lumalapit sakin.
"Tigilan mo na kasi ako Luke parang awa mo na. Hindi naman kita isusumbong kila Tita eh, o kahit kay Anne, promise. Tigilan mo lang ako. Parang-awa mi na." Naiiyak na sabi ko habang lumalayo sa pwesto. Maya-maya ay nabangga ang likod ko sa isang puno at doon na niya ako nahuli.
BINABASA MO ANG
Governor's Girl [DISCONTINUED]
Romance"Sige Mia, makipagusap ka pa sa ibang lalaki alam mo na ang mangyayari sa kanya at sayo. I'm willing to shoot anyone who will talk or touch you. Tandaan mo yan. Isang maling kilos mo lang, tapos ka lalo na siya." Kitang-kita ko ang galit sa kanyang...