Chapter 10

13.8K 216 13
                                    


Pagkaalis ni Luke ay pinilit kong makaalis sa maghigpit na pagkakatali niya. Tangina ang higpit nang pagkakatali ng gago na 'yon sakin, ayaw talaga ako patakasin. Nakailang subok ako pero wala talaga. Hindi ko na pinilit na tanggalin yung tali dahil wala naman akong mapapala.

Dumating yung driver ni Luke at umupo sa driver's seat. Hindi na siya nagulat ba't ako nandon tahinimik na lamang siyang umupo ron at hinintay si Luke. Pagkakataon ko na siguro 'to kung ayaw akong pakawalan ni Luke ay yung driver niya ang pakikiusapan ko.

"Manong, pakawalan mo naman na ako, pleas Manong... hinihintay po ako ron ni Anne baka ho magtaka sakin 'yun kung bakit hindi na ho ako bumalik... sige na po please..." Pagmamakaawa ko kay Manong. Mukha naman siyang naawa sakin dahil nakita kong parang lumungkot ang mukha niya.

"Pasensya na po Ma'am, mahigpit n autos po talaga ni Sir na huwag kayong pakawalan... pasensya na po" Ginagalit talaga ako ni Luke!

"Sige na Manong... paano kung sa anak niyo 'to nangyari? O sa kahit na sinong babae sa pamilya niyo? Hindi ba kayo maaawa?" Hindi ko na napigilan na isama ang pamilya niya dahil gusto ko na talaga makatakas dito. Ayokong makulong dito.

"Ma'am, kahit po gusto ko kayong pakawalan at pigilan si Sir Luke kanina sa ginagawa niya sayo, hindi ko po pwedeng gawin 'yon dahil si Sir po ang bumubuhay samin. Siya nagpapaaral at nagpapagamot sa anak ko po kaya wala po akong magagawa kundi sundin siya..." Tumigil sandali si Manong sa pagsasalita at tumingin sa malayo, mukhang may inaalala.

"...kahit po gaano kasama pa 'yan gagawin ko po, mabuhay ko lang yung pamilya ko."

"Hindi maitatama ang mali nang isa pang pagkakamali, tandaan niyo yan Manong" Pareho kami ng kalagayan ni Manong ngayon, hawak kami sa leeg ni Luke pero kung may konsensya pa si Manong ay ititigil niya ang pagsunod sa mga kawalanghiyaan ni Luke.

"Pasensya nap o talaga Ma'am. Hintayin niyo nalang po si Sir dito" Hindi na ako sumagot kay Manong dahil sa kanya rin ay wala akong napala. Wala akong magagawa kundi hintayin si Luke.

Mga isang oras pa ang itinagal bago bumalik si Luke sa kotse niya. Habang wala naman siya kanina ay hinahatiran ako ng pagkain ng mga bodygurads kahit isang oras lang naman nawala si Luke. Pero wala akong gana kainin nung mga dala niya.

"Ba't hindi mo kinakain yung mga pinadala ko sayo? Ano bang gusto mo? I'll buy it. It's past 12 noon you need to eat your lunch." Tanong niyang may halong pagaalala.

"Gusto kong umuwi. 'Yon ang gusto ko, mabibigay mo ba?"

"Hilingin mo ng lahat 'wag lang yan dahil hindi ko talaga ibibigay yan" Laban niya sakin.

"Manong, drive now please. Sa bahay ko." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umandar na ang sasakyan niya papunta sa bahay niya. Nakikita ko ang mga tao na sinasalubong ang sasakyan niya. Maraming nagmamahal sa pamilya ni Luke dahil sa kabaitan na pinapakita nila sa mamayanan pero hindi nila alam ang ugali ni Luke kapag kaming dalawa nalang.

Binuksan ni Luke ang bintana ng kanyang sasakyan at nakipagkamay sa mga tao sa labas, natakot ako baka makita nila ako pero hinarangan naman ako Luke. Buti nalang at heavy tinted itong sasakyan niya.

Pagkatapos makipagkamay ay tinaas na niya ang bintana at humarap sakin. Hindi ako humarap sa kanya dahil naiinis ako sa kanya. Hindi niya parin ako pinapakawalan kahit na nandito na kami sa sasakyan niya.

Maya maya ay tumunog ang cellphone dahil sa isang tawag, hinanap ni Luke iyon sa bulsa ko at nakuha naman niya. Kumunot ang noo ni Luke nang makita kung sino ang tumatawag. Sinagot niya ito at tinapat sa tenga niya ang telepono.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon